Twenty One

4.6K 147 2
                                    


"Ma, si Rebbel po?" Tanong nya sa ina ng asawa ng makababa na sya ng hagdan. Kagigising nya lang ng umagang iyon at gaya ng mga nauna nitong mga nakaraang buwan, hindi nya na naman naabutan si Rebbel.

Hindi na maganda ang kutob nya nitong m nakaraang araw. Pakiramdam nya, may itinatago ang mga ito sa kanya. Si Mama Becca ang madalas na sumagot sa mga tanong nya kapag wala si Rebbel. Pansin nya din na inililigaw nito ang usapan at nililibang sya, hindi na lang sya nagsasalita.

Ilang linggo na silang ganoon. Gabing gabi na kung umuwi si Rebbel at umagang umaga din kung umalis. Pag tinatanong nya naman ito ay sinasabi nitong bussy ito sa opisina at maraming kliyente.

"Nasa site na." Nakangiting sagot nito. "Baka gabihin yon. Alam mo naman na traffic sa Laguna."

Tumango sya at ngumiti bago ito sinabayan sa almusal. Wala si Papa Adam ng umagang iyon. Ang sabi ni Mama Becca ay nasa site din daw kaya hindi na sya nagtanong kahit pa iba talaga ang kutob nya.

Sigurado naman sya na mahal sya ni Rebbel. Pero hindi nya na alam ngayon. Nasasaktan sya pero hindi sya makapagsalita. Madalas nya itong nahuhuling may kausap sa telepono at tinatawag nya iyon sa pangalang Patricia. Pero hindi sya makapagtanong dahil natatakot sya sa maaari nitong isagot.

Nanatili sya sa kwarto ng umagang iyon. Gaya ng sabi ni Mama Becca na magpahinga daw sya. Pero talagang hindi sya mapakali kaya tumawag sya sa opisina nito.

"Architect Aragon's Office. How May i help you?" Rinig nya mula sa auditibo ang malambing na boses ng sekretarya nito.

"Hi Patty." Sa kabila ng nanginginig na mga labi at malakas na pintig ng puso ay nagawa nyang maging kalmado.

"Ma'am Maggie." Tili nito. "Kamusta ka na? Nagpakain si Sir Rebbel last month. Twins daw po ang baby ninyo." Excited na sabi nito. Warmth coated her heart at what she said. Hindi nya alam na nagpakain pala si Rebbel sa opisina nito bilang pasasalamat. "Oo. Ninang ka ha." Natutuwang sabi nya na agad na sinang ayunan naman nito.

"By the way, nasaan pala si Rebbel?" Nagkunwari syang hindi nya alam kung nasaan ito at hindi nya alam kung bakit. Instinct siguro.

"Nasa office pa po. Pero maglalunch out po sya maya maya. Ganoon naman po sya nitong mga nakaraang araw."

Nasapo nya ang bibig at malakas ang pagpipigil na wag umiyak. Sinasabi na nga ba nya at nagsisinungaling ang mag-ina sa kanya. Ang sabi ni Mama Becca ay nasa sitesi Rebbel sa Nuvali pero nasa opisina naman pala ito. At hindi na maintindihan kung bakit.

"Patty, matanong ko lang. Bussy ba kayo lagi sa client meeting? Bussy ba palagi si Rebbel?"

"Po?" Tila naguguluhang tanong nito.

"Just answer me please." She whispered.

"Hindi po ma'am." Bakas ang kaba sa boses nito. Tila tinatantya ang isasagot sa kanya pero mukang pinili naman nitong magsabi ng totoo. "Actually po, laging naka lunch out si sir. Minsan inaabot sya ng two hours sa labas. Tapos maaga nya din po akong pinapauwi, pero hindi naman po cut off yung sweldo ko. Late na po sya laging pumasok, but since nakafocus po lahat sa hotel sa Nuvali, hindi po talaga kami bussy. Maluwag po yung schedule ni sir. Maaga rin po syang umuwi ma'am."

"O--okay." She try her best to sound normal. "Alam mo ba kung saan sya maglalunch?"

"Hindi po."

"Patty please." Mariing sabi nya.

"Hindi ko po talaga alam. Pero favorite po ni Sir Rebbel kumain sa Young's."

"Sige salamat---" she bit her lip and sigh. "Wag mo na lang sabihin na tumawag ako."

Lustful DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon