"Maggie, gising ka na pala." Nakangiting bati sa kanya ni Mrs. Aragon. Nagluluto ito ng umagang iyon at napakaganda nitong tingnan sa suot na padjama at tshirt.
"Goodmorning po, Mrs. Aragon." Nakangiting bati nya. Naupo sya sa stool at pinanuod ito.
"Call me mom!" Pinandilatan sya nito ng mata na ikinatawa nya. Hindi naman kasi ito mukang galit.
"Sorry po."
"Naku! You'll be dealing with me for your whole life, na no! Isa pang tawag mo sakin ng ganyan paaanakin kita ng wala sa oras!" Banta nito na syang ikinatawa nya. "Sorry na po."
"Kamusta ang tulog mo?" Naiiling na tanong nito.
"Maayos naman po."
"Good." Isinalin nito ang fried rice sa serving plate at nagsalang ng bagong kwali para magluto ng bacon.
"Ma--" she paused and suit herself to call her 'Ma. Medyo awkward pa din para sa kanya. "Kwentuhan mo naman po ako tungkol sa childhood ni Rebbel."
Nang-aasar na tiningnan sya nito at tinudyo. "Ayan! Sex kasi kayo ng sex! Hindi tuloy kayo nakakapaglwentuhan." Ang lakas ng tawa nito na syang ikinapula ng pisngi nya. "Masanay ka na sakin ha. Walang secrets sa bahay na to e."
Tumango na lang sya kahit pa nahihiya.
"Anyway. Rebbel is like that since when he was a kid. Mataas ang pangarap, gusto nyang magkaroon ng sarili nyang hotel. Five years old na sya ng makilala nya ang Papa nya. Hindi kasi alam ni Adam na buntis ako nung maghiwalay kami."
"Talaga po?"
"Uh hmm." Tumango tango ito. "Then yung resort na pinagtatrabahuhan ko, nalipat pala ng management kay Adam. That's the first branch of Casa Valentina. Doon kami nagkita ulit. They say the place is full of love. Parang may magic. Marami na ring love stories ang nabuo doon e. Kaya nga siguro Wedding ang madalas na event. Sabi ko nga sa batang yon dalhin ka doon para marelax ka naman."
"Maganda po ba yung resort?"
"Maganda." She smiled. "That's our love nest. Doon din nabuo ang Papa Adam mo." Himagikhik ito. "Doon kasi nagkakilala ang parents nya."
"E si Klay po? Close kayo?" Umandar na naman ang paglatsismosa nya. Bigla syang natakot ng magbago ang ekspresyon ng muka ni Mrs. Aragon.
"Nung una hindi. Sino ba namang asawa ang matatanggap ang anak sa labas ng asawa nya?" Seryosong saad nito. "But you know, we were there when Kristen give birth to Klay. Tuwang tuwa si Adam nun, kahit hindi sya magsalita, alam kong tuwang tuwa sya. Because that's what i felt when i give birth to Rebbel. I was hurt, Maggie. Nalaman ko rin kasi na hindi na ako pwedeng magkaanak, si Rebbel na lang. I was'nt able to give Adam the joy of seeing his baby for the first time. Pero nung nakita ko si Klay, he was looking at me with the same eyes exactly like my boys, i felt my heart hammered and i fell inlove with the kid. Since then Klay calls me mom. I love him just like how i love Rebbel. Ganoon din naman si Kristen. Mukang imposible diba? But all you just need to have is a wide understanding."
"Pero bakit po hindi sya agad natanggap ni Rebbel?"
Ngumiti sya ng malungkot. "That's the darkest day of our lives. Sa ibang tao kasi nalaman ni Rebbel na may kapatid sya. Hindi kasi namin nasabi noon sa kanya dahil masyado pa syang bata. He was fifteen then when he knew and he thought that his Papa cheated on me. Galit na galit sya nun sa Papa nya, nagrebelde sya."
"E pano po ba nabuo si Klay?" Naguguluhang tanong nya. Matanda lang ng limang taong kay Rebbel kaya kung susumahin ay nagcheat talaga ang Papa nya.