grabe kayo! talon ng talon yung puso ko! as in dug dug, dug dug! ang saya saya ko sa comments nyo kaya inarat ko talaga sya! kahit inaabot ako ng madaling araw sa pag-iisip ng eksena push pa din! kasi inspired ako sa inyo! iloveyou guys.
i really struggle writting this one. but since you guys give me inspiration. here it is.
_
"Alison!" Tawag nya sa pangalan ng kaibigan at sinugod ito ng yakap.
Ang sakit sakit ng puso nya. Para syang pinapatay habang nakikitang nasasaktan si Rebbel. Gusto nyang bawiin lahat ng sinabi nya, gusto nya itong yakapin, humingi ng tawad at halikan ito para mapawi lahat ng sakit.
"Maggie.." usal nito sa pangalan nya. Niyakap sya nito ng mahigpit at alam nyang kahit wala syang sabihin ay ramdam nito na nasasaktan sya. Dito sya tumakbo ng gabi na umalis sya sa poder ni Rebbel at dito nya iniiyak lahat ng sama ng loob. Wala syang inilihim.
Pinaupo sya nito sa sofa at doon pinakalma.
Pinainom sya nito ng tubig habang mataman itong nakatitig sa muka nya.
"Mahal mo no?" Biglang tanong nito na pinili nyang wag sagutin. "Maggie.." hinawakan nito ang kamay nya at pinisil pisil iyon. "Inudyukan kita na gantihan sya dahil pakiramdam ko, yun ang tama. Dahil akala ko hindi mo na sya mahal. Pero tingnan mo ang nangyari, ikaw din ang nasaktan. Bakit? Dahil mahal mo sya, at doble ang sakit satin kapag nasasaktan ang taong mahal natin. Nagback fire sayo ang plano dahil hindi mo nilinaw. At ngyon hahayaan mo syang mawala dahil lang nasaktan ka sa katotohanang handa syang sirain ang buhay mo kung babalik sya sa panahon? Bakit hindi mo alamin ang dahilan kung bakit nya nagawa yon?"
"Para saan pa?"
"Para malinawan ka. Kung tama ba na nasasaktan mo sya. Kung tama ba na nasasaktan ka ngayon."
"Hindi ko na alam." Muling bumuhos ang mga luha nya. Alam nyang mahal nya si Rebbel at mahal sya nito. Pero handa ba syang malaman lahat ng meron sa nakaraan na magbibigay sa kanya ng masakit na katotohanan?
"NAGAWA mo ba?" Tanong ni Rebbel kay Klay na kadarating lang sa bahay nya.
"Yeah." Tumango ito bago naupo sa single seater sofa katapat nya. "I make sure Jeanine gets the best care. Ako na rin ang nagbayad ng mga gamot na kakailanganin nya dahil hindi talaga sasapat ang pera ni Maggie. Binayaran ko na rin yung nurse para mag medical assistance hanggang sa makauwi si Jeanine. And i got it covered. Pinakiusapan ko ang mga Doctor na sabihin na lang sa pamilya ni Maggie na sinagot ng Charity ang mga gastos."
"Thanks man."
"I cant understand, why you're doing this." Naiiling na sabi ni Klay bago nagbukas ng beer at nilaklak iyon. "Sinaktan ka na nya, pero tinutulungan mo pa rin sya."
"It's the least that i can do." He popped another beer and drink it like a thirsty animal. "I ruin her life, i turn her to a prostitute. Hindi nya nabigyan ng magandang buhay ang pamilya nya dahil sakin."
"Dahil sakin." Pagtatama ni Klay sa sinabi nya na agad nyang kinontra.
"I was able to fix it, but i never did. That's my fault Klay, wala kang kasalanan."
"Im sorry for all the trouble brother."
"You dont have to."
"Plano mo?"