Maagang gumising si Edenly kinabukasan at naligo. Nakaalis na rin ang pamilya niya. Matapos ayusin ang sarili ay bumaba na siya. She's wearing a simple black tight jeans na pinarisan ng puting sweater. At asul na converse shoes. Inilugay niya ang kaniyang mahabang itim at maalon na buhok.
"Apo come here kumain na tayo para maihatid na kita sa paaralan na pag-aaralan mo." Nakangiting sambit ng lola niya.Tipid na ngiti lamang ang itinugon niya dito at bumaba na rin. Ilang minuto lang ay natapos na ito.
"Wait for me outside Edenly magbibihis lang ako. Okay?"
Ngumiti lamang siya at lumabas na ng dining hall. Agad niyang kinuha ang back-pack niya at itim na bonnet at isinuot ito. Sumandal siya sa kotse at hinintay ang lola niya. One thing about Edenly Rose Zawoschski Volkov? She's aloof. Ayaw niyang nakikihalubilo sa iba."Apo, let's go." Agad naman siyang pumasok sa kotse at nagsimulang patugtugin ang cellphone niya na kasalukuyang kinasasabitan ng earphone niya. After a couple of minutes naaaninag niya ang malaking itim na gate na may naka-ukit na FEDORIN ACADEMY kakaiba ang building na nakikita niya. Malalaki ang mga establishments na nakatayo sa city nila subalit mas maganda at malaki ang eskwelahang ito. Her mouth gasp in awe. Malapit na sila sa carpark kung saan marami na ang mga estudyante. Ang iba nakikipag daldalan mayroon ding iba na nakatitig sa sinasakyan nila ng lola niya. Buti nalang at tinted itong kotse dahil baka kanina pa siya natunaw sa uri ng mga tingin nito.
"Halika na apo." Her grandma step out of the car. Nagdadalawang-isip pa siya kung bababa ba siya o hindi na. Alam niyang hinihintay na siya ng lola niya kaya bumaba na rin siya. She raised her chin up. Ganun na lamang ang pag sikdo ng puso niya ng makitang ang lalaking nakita niya kahapon ay naroon nakatitig sa kaniya habang may kinakausap na tatlong lalaki at dalawang babae. Kinilabutan siya ng nagtama ang paningin nila. She abruptly look away and follow her grandma.
"Bonjoúr Relucia." Bati ng lola niya sa babaeng nakaharap sa computer.
"Madamé Victoria kayo pala. How can I help you madamé?" Nakangiting tanong nito.
"This is my grandchild Edenly Rose Volkov. Dito na siya mag-aaral simula ngayon." Nakangiting sagot ng lola niya. Nanatiling nakatingin lang siya sa sahig at hinintay ang schedule niya.
"Heto na po ang list of schedule niya madamé. Medical student ka pala Edenly. Room 437 ka Eden." Tipid na ngumiti lamang siya dito at binalingan ang lola niya.
"Lola."
"Ipapasundo nalang kita kay Mang Libyo mamaya okay? Good luck sa bagong school mo. Alam kong nahihirapan kang mag-adjust sa atmosphere dito lalo na't kakaiba ang klima. Take care my dear."
Niyakap lamang siya ng lola nito at hinalikan ang ulo niya. She just nod at nagsimula ng tumahak sa hagdan para hanapin ang room niya. Hindi siya sanay dahil bawat hallway na nadadaanan niya halos kinikilatis ang buong pagkatao niya. Para siyang masusuka sa tensiyon na hatid nito sa kaniya."Hi." Tiningnan niya lamang ito at dumiretso siya. Sobrang laki ng building na ito. Kaya hindi na siya magtataka kung sobrang dami ng tao dito. May iba na kakaiba kung makatitig at ang iba ay umiirap. Binalewala niya na lamang iyon at nagpatuloy na lamang sa paglalakad hanggang sa makita niya ang room niya.
[Vreau at the Upper]
TBC
Zerenette
BINABASA MO ANG
Blood Of Fedorin
FantasyCrucifix a sacred place where immortal beings reigned for imperishable opulence and omnipotence. Kilala ang lugar nato dahil sa angking yaman at tahimik ang pamumuno ng kanilang kinikilalang Hari ng naturang lugar. Not an ordinary place kung saan na...