"Oh, hello Ms. Volkov come in. Kanina pa namin hinihintay ang pagdating mo." Nakangiting bati ng isang lalaking naka puting damit. Halatang ito ang professor nila. Ibinigay naman agad niya ang pass slip niya at nagpakilala sa gitna.
"I'm Edenly Rose Volkov 25 years old. And a Medic student obviously." Agad siyang dumiretso sa likod at umupo. Hindi niya kayang titigan ng matagal ang ibang kaklase niya lalo na't kaklase niya pala ang lalaking nakita niya kahapon. Kasama ang limang kaibigan nito.
"So Ms. Volkov I am professor Dothal maaari mo akong tawaging professor D. have a good day with us. Isang taon nalang at matatapos niyo na ang pag-aaral bilang isang molded doctors. Surgeon to be exact." Seryosong sambit ng professor nila.
"Anyone let's just have a knowledge check." Nanatiling nakayuko si Edenly lalo na't nasa tabi niya lang ang binata ng di namamalayan. Nakaub-ob ito na para bang walang pakialam kung may guro sa harap o wala.
"Surgeons specialize in treating injury, disease, and deformity through operations. Using a variety of instruments, a surgeon corrects physical deformities, repairs bone and tissue after injuries, or performs preventive surgeries on patients. I know that you already know about this." Nagtataka si Edenly kung bakit parang wala lang sa professor nila na natutulog ang estudyante nito. Hindi ba't harap-harapang pambabastos ang pagtulog sa klase habang may guro? Ilang oras pa at tumunog na ang bell.
"And you know that it performs preventive surgeries on patients. Although a large number perform general surgery, many surgeons choose to specialize in a specific area. Specialties include orthopedic surgery the treatment of the musculoskeletal system neurological surgery treatment of the brain and nervous system cardiovascular surgery, and plastic or reconstructive surgery. Like other physicians, surgeons examine patients, perform and interpret diagnostic tests, and counsel patients on preventive healthcare. Some specialist physicians also perform surgery. Physicians and surgeons may work in a number of other medical and surgical specialties and subspecialties." Pagtatapos ng Professor nila."Next year papasok na kayo sa internship kaya asahan niyong mas mapapadalas na tayo sa laboratory. May mga Cadavers na din dun. After we perform a mass with Father Diostiume we'll start the operation. Class dismissed." At lumabas na ang professor nila. Wala siyang maintindihan sa sinasabi ni Professor D. Kanina dahil aligagang-aligaga siya sa nararamdaman.
Nilingon niya ang katabi at gulat na tumitig dito. Nakatitig ito sa kaniya na para bang kinakabisa ang mukha niya."B-bakit?" Uutal-utal na sambit niya. Hindi niya kayang iwasan ang mga titig nito. Para siyang nahihipnotismo sa mga mata nitong kulay abo. Ang matatangos nitong ilong at ang labi nitong kulay mansanas at ang perpektong strong jawline nito na naghuhumiyahaw kung gaano ito ka gwapo. Nanatili itong seryoso habang nakatitig sa kaniya na para bang may sasabihin ngunit hindi mailabas. Until they heard a click sound at nakakasilaw na ilaw. That's where they found out kinuhanan sila ng litrato.
"Hey there beauty! I'm Deborah Fedorin seems like nahihiya tong kapatid ko sayo. You are new here right? Ngayon lang kasi kita nakita dito." Naka-kunot ang noo niya na inabot na lamang ang kamay nito na nakalahad. Agad naman niya itong kinamayan. Gayon na lamang ang pagka-gulat niya ng sobrang lamig ng kamay nito na nakahawak sa kamay niya.
"It's raining kaya malamig ang kamay ko. Nagre-react ang katawan ko base sa klima if you're wondering." Nakangiti pa ring sambit nito.
Ngumiti rin siya kahit gustong-gusto na niyang umalis."I-i'm--" Hindi niya matapos-tapos ang sasabihin ng may lalaking umakbay kay Deborah at siyang tumapos sa sinasabi niya. "Edenly Rose Volkov right?" Ngumiti ito at kinamayan siya.
"I'm Von DeGrann boyfriend of this lovely girl." Pagpapakilala ng lalaki habang nakayapos kay Deborah. Matangkad ito at sobrang-amo ng mukha. Nilingon niya ang katabi niya subalit nawala na ito. Nagtatakang tumingin siya sa kinauupoan nito. May maliit na note dun at binasa niya. Parang may kung anong sumabog sa kaibutoran niya ng mabasa ang nakasulat don.
"Hi. I'm Vreau Alexandrius Fedorin. Nice to see you again." Napatigagal siya at bumuntong-hininga. Anong ibig sabihin nitong again? Hindi niya naramdamang umalis na pala ito kanina. Nagtataka man ay kinalimutan na lamang niya ito.
Tbc
Zerenette
![](https://img.wattpad.com/cover/88240877-288-k242571.jpg)
BINABASA MO ANG
Blood Of Fedorin
FantasyCrucifix a sacred place where immortal beings reigned for imperishable opulence and omnipotence. Kilala ang lugar nato dahil sa angking yaman at tahimik ang pamumuno ng kanilang kinikilalang Hari ng naturang lugar. Not an ordinary place kung saan na...