Chapter 11

141 5 0
                                    

"Pasok na kayo sa sasakyan Deborah." Seryosong sambit ni Ladiccus. Agarang sumakay naman agad sila at ilang minuto lang naman ay nakarating na sila sa Casa Verdant.
It's extremely extravagant. Sobrang ganda ng lugar. Edenly's eyes are full of amazement.

"Welcome to my brothers Casa Verdant Edenly." Nakangiting sambit ni Deborah at nauna nang pumasok sa loob ng sanayan.

Palipat-lipat ang tingin ni Edenly sa nakitang tanawin bago napagpasyahan niyang pumasok sa loob.

"Everyone this is Gregory Atkinson. Siya ang bahay tagapamahala ng sanayan." Nanatiling tahimik sa isang tabi si Edenly at minamanmanan ang paligid. Naglakad pa sila ng kaunti at huminto sa isang pulang pinto.

"Nandito na talaga tayo. I Love this!" Nakangiting sambit ni Dorothy.

"Anong meron sa malaking pinto?"
Nagtatakang tanong ni Edenly sa dalaga habang nanatiling nakadikit ang mga mata niya sa mga heiroglyphics words na naka ukit sa malaking pinto.

"This is the training room, halika na." Excited na puna ng dalaga sa kaniya. Hinila nito ang kamay niya at pumasok agad sa loob. She gasp in awe upon looking at the view. Sobrang ganda nito. Akala niya isa lang iyong kwarto subalit iba. Ibang-iba sa inakala niya. It's a big lawn. Matatayog na kahoy ng Narra at pine trees. At sa gitna ay tatlong puno ng cherry blossoms.

"Wow."
Mahinang sambit niya sa sarili.

"You are amazed do you?" Nakangiting tanong ni Von sa kaniya.

"This is how my versatile brother works. His severity results into this kind of place." Ani Deborah na kumikislap ang mga mata habang nakatingin sa hawak nitong samurai.

Edenly smiled and closed her eyes gently. She can feel the coldness of air. Unti-unting ibinuka niya ang nangingislapang mga mata niya at lumakad palapit sa pinaka gitnang puno ng cherry blossoms. She slowly touched the trunk of the tree and gasp. Bigla kasing naging pinto ang puno nito. Nagtatakang nakatingin siya sa mga kasamahan niya. Kaniya-kaniya na itong nakatayo sa mga puno.

"Makinig kayong lahat. Ang punong kaharap niyo ay hindi basta-basta. Thats the Door to the real training room. For now good luck. Do your best to survive at magkikita nalang tayo sa Portal." At sa isang iglap lang ay may malakas na hanging papunta sa gawi niya dahilan para diretsong nalipad siya papasok sa pinto ng puno.

Unti-unting nawawalan siya ng ulirat. Maging ang paningin niya'y unti-unti naring nawawala hanggang sa naramdaman niyang tumama ang sarili niya sa isang marmol na sahig bago siya nawalan ng malay. Namimilipit sa sakit na nadarama si Edenly at unti-unting minamanmanan ang paligid. Para siyang nasa kweba sa sobrang tahimik ng paligid. Walang puno at walang halaman. Tanging matitigas na bato ang kaharap niya. May isang lamesa na yari sa mahogany at sa ibabaw nun ay may pares ng pana. Agarang isinukbit niya ito sa katawan at tinungo ang madilim na daan. Sa kanang bahagi ay may pinto. Walang pasabing binuksan niya ito. Ganun na lamang ang pagkabigla niya ng sinalubong siya ng naglalakihang paniki. Her dexterity works at thesame time. Her mind and skillful hands disentangled her dogged ability. Mabilis na pinatamaan niya ng pana ang naglalakihang mga paniki. Ilang sandali lang ay nagiging abo ang mga ito. Nagpatuloy siya sa paglalakad at binuksan ang isa pang pinto. As she step outside, the wilderness welcomed her. Naglalakihang mga puno at mataas na bangin sa gilid. She looked up and held her breath. Isang kastilyong gawa sa bato ang kinalalagyan niya. At ngayon nama'y nasa gitna siya ng kasukalan. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang nag-iisip kung nasaan na ang mga kasamahan niya. Unti-unti naring nawawala ang sinag ng araw. The weather is abruptly changing. Umaambon na subalit nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad. Giniginaw man ay ininda niya ang nararamdaman. Basang-basa na siya dahil sa malakas na buhos ng ulan. Ilang hakbang pa ng mapatigil siya. Dalawang pares ng nagliliyab na mga mata ang kasalukuyang nakatitig sa kaniya. Biglang nagsilabasan pa ang iba nitong mga kasamahan. She writhed in coldness and fear.

"Oh God, what kind of situation am I in?"
She softly said. Paano niya tatalunin ang anim na naglalakihang Hyena na nakapalibot sa kaniya? Nawawalan ng pag-asang hinanda niya ang sarili sa maaaring pagsunggab ng mga ito. She readied herself and carefully strenghtened her feet. Mabilis na pinana niya ang hyenang sumunggab sa kaniya. Matutulis ang mga ngipin nitong kasing-laki ng ngipin ng isang buwaya. And she's 100 percent sure na mamatay siya kung hindi siya lalaban. Nagkanda-sugat na rin ang mga braso at paa niya. How she wish na sana tumila ang ulan. Ilang salag pa niya ng tuloyan na siyang pinagpiyestahan. Buong lakas na tinulak niya ito at pinagsasaksak sa bandang dibdib. Mabilis na tumalon siya sa punong nakaharang sobrang dilim ng paligid.

Tbc
Zerenette

Blood Of FedorinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon