Chapter 17(play the music)

102 3 3
                                    

Sobrang tindi ng labanan subalit naiwang nakatayo si Von. Marami itong natamong sugat sa katawan ang katunggali nitong si Feath ay bagsak at sigurado siyang lasog lasog ang katawan nito ni hindi na nito maiangat ang kamay. Nang makalabas ng battle field ang binata ay mabilis na sinalubong ito ni Deborah at hinalikan. Unti-unti ring humihilom ang mga sugat nito. Nakangiting niyakap ni Von ang kasintahan.

"Fedorin won."
Anunsiyo ni Plareo ang siyang master of ceremony. Lumapit na naman ang babaeng may hawak na glass bowl at kumuha na naman ito. Ramdam ng dalaga ang di maitagong kaba sa dibdib niya. Tumingin siya sa taas at parang naestatwa siya ng nakatingin sa kaniya ang supremo ng mga Volturi. Mabilis na yumuko siya at pumikit.

I will protect you mi love

Narinig niya sa isip niya.

"Lucrecia Vs. Edenly."
Nag-aalalang nakatingin sa kaniya ang mga kasama niya. Nanginginig man ay pilit niyang kinakalma ang sarili at pumasok na sa loob. Tiningnan niya ulit ang kasamahan niya at ngumiti. Sarado na ang crystal barrier at iba na ang naging ambiance nito. Nakangiting babae ang kaharap niya. Nakatingin siya sa malaking monitor sa taas na nagka countdown. Hindi paman natapos sa one ay naramdaman na niyang tumigas ang katawan niya. Tinignan niya si Lucrecia na nakangisi ng nakakaloko at hindi kumukurap ang mga mata. Pilit niyang pinapakawalan ang sarili subalit hindi niya magawa.

"Nagtataka ako kung bakit isang kagaya mo lang ang ibinigay sakin. Ang dali mong patumbahin."
Nanunuyang ani nito. Ramdam na ramdam niya na parang may pisi na nakapulupot sa katawan niya. Parang inaantok rin siya. Hindi siya pwedeng matumba. Pag nangyaring makakatulog siya siguradong matatalo siya. Pilit niyang nilalabanan ang antok at nagtagumpay siya. Hindi siya nakailag ng sugurin aiya ng dalaga at hiwain ang mukha niya. Agad na umagos ang dugo niya sa mukha.

"Ahhh!"
Impit niyang sigaw. Napaka hapdi ng sugat niya. Para itong nilagyan ng lemon at asin sa hapdi. Hindi pa na kontento si Lucrecia ay sinugatan nito lahat ng katawan niya. Nang makontento ay nakangising tumayo ito sa harap niya at nakawala na siya sa pagmamanipula nito. Napaluhod siya sa sakit na nararamdaman.

"Is this how you fight? Wala man lang ka challenge challenge?"
Nangingiting ani nito. Akmang tatalikod na ito ng mabilis na binunot niya ang auspex niya at sinugod ito.

"Ahh!"
Sigaw nito ng matamaan niya ito sa mukha. Somehow she felt contented ng makitang nasugatan niya ang mala anghel nitong mukha.

"Don't think lowly of me."
Mahinang sambit niya at pumikit. Ramdam niya ang kakayahang manipulahin ang katawan niya ng dalaga. Nilalabanan niya ito at minanipula rin si Lucrecia. Iniisip niyang pinapatumba ito at sigurado siyang pareha sila ng iniisip dahil kapwa nahihirapan silang dalawa na huminga. Mabilis na kumalas ang dalaga at sinunggaban si Lucrecia at sinipa ang tiyan tumilapon ito sa kabilang side. Mabilis na bumangon at lumipad ito papunta sa kaniya at itinuon ang napakaraming maliliit na kutsilyo sa kaniya. Nakaiwas siya subalit may isang nakagalos sa kaniya. Ngumiti si Lucrecia at may sinasambit. Unti-unting nararamdaman na naman niya ang hapdi kakaiba kanina dahil mas humahapdi ito at parang sinisilaban ang balat niya sa sobrang init. Mabilis na kinuha niya ang bow at arrow niya at pinaulanan ito ng tira. Subalit hindi nito natamaan si Lucrecia. Kino kontrol na naman nito ang isip at katawan niya. Hindi na siya makagalaw.

"Ahh!"
Nasasaktan siya sa sobrang
sakit na nararamdaman.

"Masakit ba? I'm just starting."
Nakangising ani ni Lucrecia at itinaas ang kamay niya. Nahihirapang huminga si Eden habang sinasakal siya nito. Ramdam niya ang pagtaas ng katawan niya. Halos panawan siya ng ulirat ng makita niya sa gilid ang pagpipigil na galit,pag-aalala at awa ng mga kasama niya. Nakita niya ang lola niya na nag-aalala sa kaniya. She hates those feeling na kinakaawaan siya at pinag-aalala niya ang mga mahal niya sa buhay.

"Ah--hhh."
Kinakapos na rin siya ng hininga. Ilang segundo nalang at mapapatay na siya ni Lucrecia. She gathered all her strength and closed her eyes. Malakas na napahiyaw siya ng maramdamang sinisilaban ang katawan niya.

"Ahhhhhhh!"
Lahat ng tao ay nakatuon sa kaniya ng lumiwanag sa loob ng battle field. Sobrang liwanag na hindi makayanan ng ordinaryong tao lang na tumingin. Nabitawan siya ni Lucrecia at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa Vixen na kaharap nito. A nine tailed Vixen. Mabilis na naging taong lobo rin si Lucrecia. Nakatingin siya sa kaharap niya. Lumiyab ang mga mata ni Edenly at mabilis na sinunggaban si Lucrecia. Hindi na ito makapalag ng sakyan niya ito at deritsong kinagat sa leeg. Nang hindi pa makuntento ay binitbit niya ito gamit ang bibig niya at itinapon. Rinig ang pagkakalasog ng buto nito sa katawan. Kumakawala ito subalit hindi niya hinahayaan. Ilang sandali lang ay hindi na ito kumikilos. She howled angrily and went far from Lucrecia. Bumalik na ito sa pagiging tao. Hubo't hubad ito habang dugoan na nakahiga sa battle field. Ilang segundo lang din ay naramdaman niya ang sobrang lamig. Bumabalik na siya sa sarili niya at natatarantang humanap ng pantakip ng katawan niya. May malaking itim na volture ang pumasok sa loob at may iniwang itim na tela. Mabilis na inabot niya ito at nanghihinang isinakop sa katawan niya. Marami siyang galos at humahapdi pa rin ang sugat niya sa mukha.

"Fedorin won."
Nang bunukas ang battle field ay mabilis na kinuha siya ni Vreau at inihiga sa bakanteng upoan.

"How do you feel?"
Nag-aalalang tanong nito. Unti-unting nawawala ang paningin niya at tuloyan na siyang nilamon ng dilim.

Tbc
Zerenette

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blood Of FedorinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon