Chapter 5

173 7 0
                                        

Kasalukuyang nasa laboratory sina Edenly at mga kaklase niya para sa misa ng katawan na gagamitin nila.
Ilang minuto pa at dumating na ang pari subalit wala paring mukha ni Vreau at Deborah at iba pa nitong kasamahan na nagpakita. Nagtataka man ay wala naman siyang magawa kundi ang tumahimik. At hintayin hanggang sa matapos ang mass.
Nag-iisang kumakain siya sa pinakagilid na side ng cafeteria ng may lumapit sa kaniya.

"Hi Edenly i'm Lecareth Allius magkaklase tayo pero hindi mo ko napapansin or hindi ka lang talaga mahilig makipag-usap sa iba." She smiled a little to Lecareth.

"Both." Ngumiti ang dalaga at tinanggap ang kamay nito.

"Where are you from Edenly?" Curious na tanong nito sa kaniya.

"Cantrius."

"Oh, so you're a city girl. Lola mo si madamé Victoria right?" Nag-aalinlangang tumango si Edenly at yumuko.

"Pasensiya ka na ha. Ganito lang talaga ako. Gustong-gusto talaga kasi kitang maging kaibigan." Nakangiting sambit nito sa kaniya at nakatitig pa rin.

"Y-yea." Tumayo siya agad at nagpaalam na dito.

Bago pa siya makaalis ay may narinig siyang sinabi ito. A golden white vixen. Isinawalang-bahala niya na lamang iyon. Gulat na pumasok siya sa room nila. Nandun na kasi ang mga taong parang multo sa kaniya.

"Hi Edenly"
Nakangiting bati sa kaniya ni Deborah at niyakap siya. Nagulat naman siya sa ginawa nito. Ramdam pa niyang sininghot siya nito.

"Hmmm..Ang bango mo naman Eden." Nakangiting sambit ni Deborah.

Bigla naman siyang kinilabutan ng tingnan niya si Vreau.

"Stop that Deborah." Ani Vreau.

"Stop what brother? Calm down i'm just appreciating her smell. What's your perfume Eden?" Nakangiti paring tanong ni Deborah sa kaniya.

"Dark Speciva." She plainly answered.

"Oh, originated by Reuvious Hora from Rome." Manghang napatingin naman siya sa dalaga.

Siya kasi ang tipo ng babaeng pag may gagamitin okay na. She doesn't care about the brand and price.

"Oh by the way guys this is Edenly Rose Volkov." Nagsikunotan naman agad ang noo ng tatlong taong kaharap niya.

"And Eden these are my cousins Dorothy, Ladiccus and Luccas. They're twins." Nakangiting pagpapakilala ni Deborah sa kaniya.

Ngumiti lang siya dito ng tipid at umupo sa upoan niya. Nakatitig lang sa kaniya si Vreau at umub-ob na naman sa desk nila. Ilang oras pa ang lumipas ay nagsi-uwian naman agad sila. Naglalakad siya sa corridor ng biglang may humarang sa kaniya.

"Hey, a transferee right? Ganda mo naman miss diba Roderiv?" Ngisi ng lalaking naka-uniform pa ng Fedorin. At tumingin sa kasama nito.

"What's your name?" Akmang hahawakan siya ng kasama nito. Bigla siyang umatras at tatakbo sana ngunit nahawakan nito ang braso niya.

"Bitawan niyo ako." Nanginginig sa takot na sambit niya.

"Dexter this woman is tough."

"Wag niyo akong hawakan ano ba!"
Galit na sigaw ni Eden.

Akmang hahalikan nito ang leeg niya ng bigla siya nitong nabitawan at nasubsob sa sahig. She didn't bother to look up. Nagmamadaling tumakbo siya paalis. Nanginginig siya sa takot at pilit pinapakalma ang sarili.

"Sumasakit na naman ang ulo ko ugh." Reklamo niya habang nakasandal sa backseat ng kotse.

"Okay lang po ba kayo ma'am?"

"Ahh..opo okay lang po ako." Kinuha niya ang cellphone niya at gulat na tiningnan ang mga mata niya.

Ba't nag-iba ang kulay? Naging intense golden yellow ang kulay nito. Ipinikit niya ang mga mata at nang imulat niya ito ay bumalik na sa pagiging kulay asul. Napahinga naman agad siya ng maluwag.

Tbc
Zerenette

Blood Of FedorinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon