Chapter 4

201 7 0
                                    

"Ganun talaga ang kapatid ko Rose, masanay ka na." Nakangiting sambit nito habang nakayakap kay Von. Ngumiti lamang siya at nagpaalam na dito para sa next subject niya. Wala namang pakialam ang mga taong nakakasalubong niya. Walang bago sa araw niya maliban sa nakaharap niya at nalaman ang pangalan ng taong hindi mawala-wala sa isip niya.
Alas 5:45 ng hapon wala na siyang klase kaya lumabas na siya at dumiretso sa car park. Nakita niya sina Deborah at kinawayan siya kasama na nito ang tatlong kaibigan nila. Ngumiti lamang siya pabalik. Nakatitig sa kaniya si Vreau habang nasa baba nito ang  kamay at nakasandal sa kotse nitong kulay gray. Nakita naman niya agad ang kotse ng lola niya. May ibang estudyanteng nakatingin sa kaniya. Narinig pa niya ang ibang sinasabi ng mga ito.

"Nakita mo ba yun? Kinawayan siya ng may-ari ng academy."

"Ang swerte naman niya."

"But still that doesn't change the fact na baguhan lang siya dito."

"Tayo nga na ilang taon na dito ni di tayo magawang balingan ng tingin ni Vreau."

Napailing na lamang siya at sumakay sa kotse pauwi. Di niya inakalang big deal para sa kanila ang pagpansin ng grupo nina Vreau sa kaniya. Nginitian niya si Mang Libyo at sumakay na sa kotse pauwi.

"Mang Libyo paki-on po ng stereo." Pakiusap niya sa driver. Agad naman nitong ini-on at pumailanlang ang isang boses na sobrang lamig. She feels relax upon hearing it.

"This is 105.2 Fedorins Radio in Solisti Crucifix on air." Narinig niyang sambit ng DJ. Nagtataka siya kung bakit palaging Fedorin ang naririnig niya.

"Kung nagtataka po kayo ma'am ang pamilyang Fedorin po ang may-ari ng lugar nato. Si Alexandrius Fedorin po ang namuno sa lugar nato." Kaya pala. Napatango na lamang si Edenly at nakinig sa kantang pumailanlang.

And I love you so
People ask me how
How I lived till now
I tell them I don't know

I guess they understand
When life began again
The day you took my hand

Patuloy siyang nakikinig sa kanta hanggang sa nasa korus na ito. Masyadong malungkot at solemn ang kanta kaya nare-relax siya.

And yes, I know
How lonely life can be
The struggles follow me
And the night won't set me free
But then I know

"Nandito na po tayo ma'am Eden." Napamulat si Edenly at nakatulog pala siya sa biyahe. Nginitian niya lamang ito at dumiretso na sa mansiyon ng lola niya. Binati siya ng mga kasambahay at dumiretso na sa kwarto niya para magbihis at magpahinga muna sandali.
Agad naman siyang humiga at hinayaang lamunin siya ng antok.

"I've been waiting for you milady."

"Milady.."

"Milady.."

A soft and cold voice whispers on the cursed dark forest of crucifix.
Unti-unting iminulat ni Edenly ang mga mata niya at takot na pumikit ulit.

"Anong lugar to?" Naguguluhang sambit niya. Isang boses na naman ang pumailanlang na nagdala ng kakaibang epekto sa kaniya.

"Thousands of years had passed milady." Kilala niya ang boses na yun subalit hindi niya maalala kung kaninong boses yun. Paulit-ulit lang ito. Nakakabingi agarang tinakpan niya ang tenga niya at ininda ang takot.

"S-sino ka?" Mas lalo pang umitim ang langit at lumalakas ang hangin. Edenly feels something behind her back. Naninindig ang mga balahibong marahas na lumingon.

"Looking for me milady?" Nanlalaki ang mga matang napatigagal siya. A lone tear escape from her eyes dahil sa takot. A tall man wears all black in outer and red on the inner at namumula ang mga mata nito. May malaking kapa ito. Magulo ang buhok at matutulis ang matataas nitong kuko. Gustong-gusto niya itong titigan at tingnan ang mukha subalit sobrang dilim nito. Nanginginig na sumigaw siya. Ilang segundo lang ay nasa harap na niya ito and without hesitation na kinagat ang leeg niya. Pilit na nagpupumiglas siya. She knows it was just a fucking nerve wrecking nightmare. She forced herself to wake up at hapong-hapo na bumangon. Her face is dripping wet of sweat. Napapikit siya at pilit inaalala ang bangungot niya.

"Oh, God anong nangyayari?" Naiiyak niyang sambit at pilit pinapakalma ang sarili. Huminga siya ng malalim at tinitigan ang sariling repleksiyon sa salamin.

"It's been a long time since you came back visiting me again. At hanggang ngayon i'm still confused. Sino ka ba talaga? Bakit mo ako ginugulo?" Taimtim na tanong niya sa sarili habang nakatitig sa repleksiyon niya sa malaking salamin.

Tbc
Zerenette

Blood Of FedorinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon