"Mga walang respito at sino ang nagbigay ng karapatan para bastosin ang panginoon ng ganiyan?" Nanlilisik ang mga matang tanong ng matandang si Victoria.
"M-madamé si Ginoong Gravis po." Natatawa subalit halata ang galit sa boses ni Vreau.
"Isa siyang hangal. Talaga bang hinahamon niya ang lakas ko?
Bruti." Tawag niya sa kaniyang mensahero."Sabihin mo kay Gravis na isa siyang hangal para hamunin ako. Sabihin mong maghanda siya sa ikalabintatlong-araw ng Nobyembre paglubog ng araw sa ikalabindalawa. Magkikita kami sa bulwagan. That vainglorious bastard." Kalmang sambit niya. Mas lalo pang natakot ang konseho sa tono ng pananalita ni Vreau. Walang sino man ang nagtangkang kalabanin ang isang purong bampira. Wala pa kahit ni isa.
"Masusunod po panginoon."
Madaling nawala si Bruti at napa-isip si Vreau."Ihanda ang bahay sanayan. Magpadala kayo ng sulat sa bayang Hanoia, Xanaria, at Freau na bago na ang patakaran ng laro. Ihanda ang mga kalahok. Sabihin mo rin na ang pinuno ng mga Volturi ang siyang magiging hurado sa laro."
"Masusunod po kamahalan."
"Subalit may isa pa tayong problema kamahalan." Nangungunot ang noong napatingin si Vreau sa kapitan ng Fedorin na si Kapitan Lucino.
"Wala pa po tayong isang lobong kalahok. Pag hindi tayo makakahanap sa darating na paligsahan ay tuloyan na tayong madi-disqualify." Nag-aalalang sambit ni Leneaus. "Don't worry ako na ang bahala diyan Leneaus." Seryosong sambit ni Victoria.
"I think it's time to flaunt my Rose in the battlefield."
"What? That's absurd I won't let you Victoria."
Hindi makapaniwalang sambit ni Vreau. Alam niyang may lahing Lobo ang pamilyang Volkov at si Victoria Volkov ang tinaguriang Vixen aborigines. Subalit hindi niya mahahayaang mapasali ang babaeng hinintay niya sa loob ng mahabang panahon."Wala akong karapatang suwayin ka kamahalan subalit nasa peligro ang lugar natin. Alalahanin niyo po madi-disqualify ang Fedorin kung kulang ang ating grupo." Seryosong sambit ni Victoria.
"Maghahanap ako sa bayan ng mga lobong nasasakupan mo. I know that you have some elite fighters. You're her grandma makakaya mo bang makita ang apo mo na nakikipaglaban?"
"I know that you care too much for my grand daughter milord but she choose Fedorin. Her mother cast a spell on her to choose Vladivostok or Crucifix. But she choose Crucifix and it's because she has an unfinished business with this land. Alam mo kung kaninong angkan nangaling ang apo ko. Mahirap para sakin na makita ang apo ko na nakikipaglaban but she's the only Golden white Vixen left."Matigas na sambit ni Victoria.
"I know matagal na panahon na ring hinintay mo ang pagdating ng apo ko. Let her join the Cup. Kasali ka sa grupo na lalaban kaya naniniwala akong hinding-hindi mo pababayaan ang apo ko." Vreau was stunned for a moment. Naramdaman niyang may kung anong pwersa ang paparating. May kutob siyang ang mga pinuno ang paparating. Kabilang na dito si Gravis na noon pama'y kinamumuhian na siya.
"Sige. Umalis na kayong lahat paparating na ang pinuno ng taga ibang bayan." Sa isang iglap lang ay nawala naman agad ang mga miyembro ng council.
Ilang minuto pa ay naglitawan na ang mga pinuno ng iba't-ibang bayan. Nangangalit ang ngiping napatingin siya sa pinto. Isa-isang pumasok ang mga ito. Si Rumpus ang pinuno ng Hanoia, Decalib ng Xanaria, Husti ng Freau at si Gravis ng Wiseacre. Nagsiyuko-an naman agad ang mga ito ng makita siya. Naramdaman niyang may isang pana na paparating sa kaniya. Tinitigan niya lamang ito at naging abo. Nahihintakutang nakatingin naman ang tatlong binata sa kaniya maliban kay Gravis na nakangisi lang. Nginisihan niya ito pabalik at walang sabing ibinalibag sa pader. Nagsitaasan naman agad ang mga bitak-bitak na semento ng sahig at pumormang matutulis na bato, mabilis na lumipad ito sa ere palapit kay Gravis. Nanlalaki ang mga mata nito at sinubukang lumaban subalit walang-wala ito sa lakas ni Vreau. Ngumisi si Vreau at tumingin sa gilid."Don't test a pureblood vampire's patience if you don't want to waste your body into ashes." Tinitigan ni Vreau ang mga nasirang parte ng council room at kusa na itong naayos. Bumalik siya sa pagkakaupo at nagsalita.
"Pinatawag ko kayo dahil may isang hangal na nais akong pababain sa aking trono. Sa darating na Vying Cup I will leave my throne empty. Kung sino man ang mananalo sa paligsahan ay siyang tatanghaling bagong pinuno kapalit sakin."
"Kahangalan, walang sinuman ang may karapatang mag-alsa ng ganiyang patakaran laban sa inyo kamahalan." Matigas na sambit ni Rumpus. Nanatiling nakatikom ang bibig ng tatlong pinuno.
"Isang lapastangan ang siyang bumabangga sa akin. Ito rin ay isang pagkakataon sa inyo na labanan ako. At kung sino ang mananalo siya ang tatanghaling Hari ng Solisti. Ito ang matagal ng pangarap ni Gravis. Ngayon pauunlakan ko ang gusto mo. Magkita-kita nalang tayo sa bulwagan ng Fedorin."
Tbc
Zerenette
BINABASA MO ANG
Blood Of Fedorin
FantasyCrucifix a sacred place where immortal beings reigned for imperishable opulence and omnipotence. Kilala ang lugar nato dahil sa angking yaman at tahimik ang pamumuno ng kanilang kinikilalang Hari ng naturang lugar. Not an ordinary place kung saan na...