Chapter 15

99 5 0
                                    

"Edenly malalim yata ang iniisip mo ah. Somethings bothering you I can see."

Malumanay na sambit ni Deborah. Nakatayo ito sa harapan niya't may hawak na champagne flute.

"Naguguluhan lang ako." Aniya sa dalaga at napahawak sa sentido. Medyo sumasakit na naman ang ulo niya kakaisip sa mga nangyayari sa buhay niya.

"I know nahihirapan ka sa lahat ng to. But please tighten your grip. Someday matatanggap mo rin lahat ng to. Anyway papalapit na papalapit na ang Vying Cup sana kung ano man ang gumugulo sa isip mo ngayon ay mabigyang linaw na. Kailangan ka namin, kailangan ka ng Fedorin." Deborah sounds so reassuring. Tinapik niya ang balikat ng dalaga at nginitian bago lumabas ng kwarto niya. She heaved a deep sigh and stared her reflection on the life size vanity mirror.

"Bakit ginugulo mo ang sistema ko? Kailangan kong tatagan ang sarili ko. Habang tumatagal unti-unti ko nang nakikilala ang pagkatao ko. Pero pagdating sayo naguguluhan ako. Sino ka ba talaga? Bakit ganito ang epekto mo sakin?"

☆ ☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆ ☆

Malakas na tunog ng tambol ang pumailanlang sa loob ng napakalaking Valiants arena. Maraming mga immortal na nakasuot ng kung ano-anong palamuti sa katawan. Para itong mga baliw na naghihiyawan habang ang iba naman ay nakaupo lamang at naghihintay sa papalapit na labanan. 567th Vying Cup ang kinasasabikan ng lahat ng distrito. Ang tanging hangad lamang ay ang teritoryong sasakupin. Lahat naghahangad na manalo dahil pangalan ng Fedorin ang nakalaan para sa pagka panalo. Kasalukuyang naririnig ang tambol sa kinalalagyan ng mga kasama ni Edenly. Kinakabahan siya sa mangyayari. Oo nga't nag training siya subalit wala siyang alam sa mga kaganapan. Naka tayo siya sa bintana ng kwarto nila at tumingin sa ibaba. Kitang-kita mula sa taas ang napakalaking arena na halatang itinayo noong medieval times pa. Napakalakas ng tunog ng tambol na sabay-sabay nga tinatambol ng mga lalaking nakahubad pang-itaas. Nararamdaman niya ang puso niyang tumatahip ng mataas. Ilang sandali lang ay sasabak na sila sa isang laban na wala siyang kasiguradohan kung kakayanin niya. Tiningnan niya ang mga kasamahan niya prente lamang ang mga itong nakaupo sa malaking beige na sofa at sumisimsim sa goblet ng red wine.

"Aren't you guys afraid?" Tanong niya sa mga ito. Nagsitawanan lamang ang mga ito.

"Excited. That's the right term baby." Nakangising ani Luccas.

"Bloods dripping everywhere oh gosh I can't wait to experience being bathed by blood. It's been so long since then." Nagniningning ang mga matang saad ni Dorothy. Her mouth remained closed at their statements. Kinindatan lamang siya ni Ladiccus at nginisihan ni Deborah.

"What have I gotten myself into?" Napapailing na aniya at umupo na sa sofa habang nakapikit. Naghihintay silang dumating si Vreau at Donya Victoria. Kasalukuyan itong nasa Prime Court. Doon lahat nagkikita-kita ang mga pinuno ng kada bayan at pag harap-harapin ang mga maglalaban. Ilang sandali lang ay pumasok sa kwarto si Madamé Victoria at Vreau. Kalmado ang mga mukha nito.

"The Wiseacre." Simpleng ani ng binata. Nagsingitian naman agad ang mga kasama niya habang siya ay walang emosyong nakaupo lamang sa upoan.

"Everyone here's the list. Wag kayong pakampante ang hudlom na Gravis ay wag nating maliitin. You will be battled with his psychotic armies. Deborah si Lobe ang magiging kalaban mo. Von and Feath, Dorothy and Garetti, Ladiccus and Luccas ang Unfhotter Twins ang kalaban niyo. Hindi ko alam paano nakumbinse ng hangal na yon para kumampi sa kaniya ang ma alamat na kambal. But i'm sure kakayanin niyo sila." Nababahalang ani ng lola ni Edenly.

"Inaasahan na namin yan." Kalmanteng ani ng kambal.

"And Edenly si Lucrecia ang magiging kalaban mo." Hindi alam ni Edenly kung bakit parang nahihintakutan ang lola niya maging siya ay parang nanlamig ng marinig ang sinabi ng matanda.

"WHAT? are you insane? Brother what is this? Bakit si Edenly? Why Lucrecia? Ako ang haharap sa kaniya." Nagagalit na ani Deborah. Maging si Edenly ay nagugulohan sa reaksiyon ng mga kasamahan niya para itong natatakot para sa kaniya.

"B-bakit? Anong meron kay Lucrecia?" Tanong niya sa mga ito na nanlulumong nakatingin kay Vreau.

"Oh fuck! How can you let this happen Vreau? Alam mong baguhan si Edenly wala pa siyang karanasan sa pakikipaglaban. Ngayon pa lang tapos agad-agaran niyo siyang isasalang kay Lucrecia?" Nanlilisik ang mga matang tanong ni Dorothy.

"We don't have any choice." Mahinang ani madamé Victoria at nilapitan ang apo.

"What choice? Vreau you are the King an---"

"It's Vladimer." Tipid na usal ng binata na siyang nagpatahimik sa kanilang lahat.

"Shit." Mahinang mura ni Laddicus.

"Edenly must fight with Lucrecia or else Vladimer and you'll know next." Mahinang ani ng binata.

"Supremo siya ng mga Vultori how come napasali siya sa desisyon?" Galit na tanong ni Dorothy.

"He's the emperor. Let's not forget that." Ani Luccas.

Tbc
Zerenette

Blood Of FedorinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon