Chapter:10 Connection

28 0 0
                                    

Chapter 10: Connection

(Stacie's Pov)

Nasa classroom ako ngayon kasama ang mga kaibigan ko.

"So ano sa bahay tayo maglulunch mamaya?.. Stacie are you listening?" Scarlet.

"Ah ano? May sinasabi ka?"

"Gosh kanina pa ako nagsasalita di ka pala nakikinig?"

"I'm sorry."

"Besh saan ba napunta ang utak mo.? Thea.

"Pasensya na medyo stress lang kasi ako."

"Pinapahirapan ka ba palagi ng amo mo,? O sinasaktan ka nya? Gusto mo ireport namin sila sa pulis." Scarlet.

"Sira ka talaga Scarlet eh."

"Eh malay mo naman diba may tama sa mga sinabi ko."

"Eh kung tamaan kaya kita dyan para may tama ka talaga."

"Ang harsh mo naman besh. Eh Stacie bakit ka ba na stress late kana ba nag sleep last night."

"Arte nito oh."

"Don't pakialam me nga."

"Ewan ko sayo." Hay naku nagsimula na naman sila.

"So Stacie why don't you make kwento kwento  with us about what happened to you." Scarlet.

"Madami lang trabaho ko."

"Gusto mo sa bahay kana lang namin tumira?"

"Seryoso ka dyan Scarlet."

"Why not, mabait naman ang parents ko ah, atsaka mas gusto nga nila na magpatulog ako ng friends doon eh kasi minsan lang si sa house namin."

"Yeah that's true minsan doon din ako natutulog."

"Okay lang naman ako dun sa pinag tratrabahuan ko."

"Pero kung gusto mo munang umalis sa dun your welcome to our house." Scarlet.

"Salamat Scarlet ha.".

"No probs, besh."

~Fastforward~

Kasalukuyang nag lulunch kami ngayon sa bahay nila Scarlet. Nang matapos kaming mag lunch umakyat naman kami sa kwarto nito.

"Besh makiki WiFi ako hah."

"Geh lang di ko naman ipinagkakait yan eh."

"Oo besh."

"Ikaw Stacie hindi ka ba makiki WiFi?"

"Eto na nga oh mag lolog in na ako." Ibinalik na lang ni Scarlet ang atensyon sa pag bro-browse. Ako naman nag log in na sa Facebook sakto naman nag pop a message ko.

Alice_shantalchoi: Hi li'l sis.

Seen

Nang mabasa ko ang message ni ate bigla na lang uminit ang ulo ko, naalala ko kasi na sinabutahe nya ako para mahuli ni kuya at maipadala dito sa korea. Nag pop na naman ang message ko.

Alice_shantalchoi: How are you there?

Seen

seenen ko lang si ate, hindi na ako mag aabalang replyan sya dahil galit ako sa kanya.

Alice_shantalchoi: I'm sorry I know your still mad at me, I just did that because kuya tell me so.

Seen

Pinagkatiwalaan pa naman kita ate pero isa ka rin palang manloloko.

Alice_shantalchoi: Stacie I'm sorry please patawarin mo na ako.

Seen

Kung magagawa mong ibalik ako dyan patatawarin pa sigurado kita.

Alice_shantalchoi: Gusto mo puntahan kita dyan.?"

Seen

Alice_shantalchoi: Sagutin mo naman ako Stacie."

Seen

Alice_shantalchoi: Sana mapatawad mo ako Stacie, ipinangako ko pa naman sa sarili ko nung mailibing si mommy ako na ang magbabantay at mag aalaga sayo, pero anong magagawa ko wala ka sa tabi ko para alagaan ka, wala akong silbing ate sayo. I'm sorry.

Seen.. Log out. Nang mabasa ko ang huling message ni ate tumulo na lang ang luha ko.

"Bakit ka umikyak Stacie?" Scarlet. Agad kong pinunasan ang luha ko.

"Thea, Scarlet, may sasabihin ako sa inyo."

"Ano yun?" Scarlet.

"What?" Thea.

"Tungkol sa totoong ako."

******************************

A/N: Short update lang po ito, pasensya na. Do Vote ~Comment~and Share. Kamsa!:)


-Love (S.H)

Exo's HousemaidWhere stories live. Discover now