Chapter:17 Miss Beautiful

23 0 0
                                    

Chapter:17 Miss Beautiful

(Stacie's Pov)

Nang maka alis na si Thea pumasok na ako sa loob ng bahay at sakto namang pagbukas ko ng pinto ay kaharap ko na si Suho.

"Now explain." Sabi nito sa mahinahong tono.

"Hindi nyo, kasi ako sinundo kanina kaya nag offer na lang si Thea na ihatid ako dito, kaso biglang inutusan yung driver nya, eh dahil sa pagod na si Thea maghintay sa driver nya doon sa pupuntahan nya, eh ako naman yung nag offer sa kanya na dumito muna habang hinihintay yung driver nya... Nagmamagandang loob lang ako."

"Is she really your true friend?" Tanong nito ng seryoso..

"Ofcourse. Marunong akong tumingin ng plastic na tao no."

"Kung ganon, nakikita mo ba yung sarili mo?"

"Hey! What do you think of me? A plastic?"

"Kinda."

Pinagtaasan ko naman ito ng kilay. "Kala mo ikaw hindi."

"What about me?"

"You're one of a heck plastic!!."

"Then." Walang pakealam na sagot nito. Psh... Masasayang lang laway ko dito eh, umalis na ako sa harap nito.

"You really a loser."

"Whatever."

"See."

Pumasok na ako sa kwarto ko. Pero bago pa ako maka pasok bigla na lang ako tinawag ni Lay.

"Stacie." Tumingin naman ako dito at katabi nito si Kris na parang nahihiya di kasi makatingin sakin eh.

"Bakit."

"I just want to kno--. No I mean Kris, want to know more about Thea."

"Ah ganon ba, adik yung babaeng yun.... Adik sa inyo, sa Exo. Especially kay Kris, crush ka nun eh." Sagot ko na walang kabuhay buhay.

"What?!." Gulat na sagot ni Kris.

"Totoo. Sige na matutulog na ako." Sabay pasok ko. Bahala sya dyan kung dadamdamin nya yung sinabi ko, atleast aware sya na may gusto si Thea sa kanya, at sana magustuhan nya rin si Thea.

(Kris Pov)

"Ano Kris may itatanong kapa?" Sabat ni Lay. "May gusto pala si Thea sayo eh." Pang aasar nito.

"Tss. Magtigil ka nga dyan Lay."

"Oh, ano ng gagawin mo Kris?" Dagdag na asar pa nito.

"Ano bang gusto mong gawin ko.?" Tanong ko dito na naiinis.

"Ligawan mo.... Hahaha." Sabay alis nito. "May stalker na si Kris!!." Sigaw nito sa sala. Nasapo ko na lang ang noo ko sa ginawa ni Lay. 'I think this would be easy for me to know more about her.'

(Stacie's Pov).

~Morning~

Nakasakay kami ngayon sa van papuntang SMEnt. Iwan ko ba sa mga taong to, balak siguro nila akong ipapatay sa mga fans nila eh..

"Nandito na tayo." Saad ni Kris. Bumalik naman ako sa katinuan ko ng marinig ang sinabi nya. 'I'm dead now.' Naunang lumabas si Kris, Sehun, D.O, Chen, at Tao, sumunod naman kami ni Suho na nakahawak sa kamay ko ng mahigpit at si Kai naman na nasa tabi ko, at nasa likod namin sina Chanyeol, Baekhyun, Lay, Xuimin, at Luhan pinapalibutan naman kami ng mga bodyguards kaya di makalapit ang fans nila samin. After 356829966 minutes nakapasok na kami sa SMEnt.

Exo's HousemaidWhere stories live. Discover now