kapit sa patalim
_______________________________________________________________________________
Sa isang pamsaherong jeepney , dalawa na lamang ang sakay nito, isang babaeng naka uniporme ng pang banko , at si Rod na naka itim na jacket at naka sumbrero.
Naunang pumara ang dalaga.
pagkababa ng dalaga mga ilang metro lamang ang inandar ng jeep, at pumara na rin si Rod..
umakmang magsisintas ng sapatos si Rod.
dumaan sa harapan niya ang dalaga, at nalanghap nito ang nagsamang amoy ng pabango at alak.
"ayos,lasing.. madali lang ito" nasa isip ni Rod
Mabilis na tumayo si Rod at naglabas ng patalim.
inakbayan nito ang babae at sabay tutok ng patalim sa tagiliran.
"miss sensiya na... Wallet at cellphone lang naman, huwag mong sayangin ang buhay mo" pabulong na wika ni Rod.
Hindi gumawa ng ingay ang babae at kinuha mula sa bulsa ng bag ang cellphone at wallet
"sorry miss"
Tinignan ni Rod ang laman ng wallet
May lamang 6 na tig iisang libo at 3 tig be beinte pesos
kinuha niya ang 6 na tig iisang libo at binalik sa babae ang wallet
"maniwala ka sa akin o hindi, hindi ako masamang tao. Gipit lang talaga ako ngayon miss"
Hindi pa rin umiimik ang dalaga,at patuloy lamang sa paglalakad, hinihintay nito ang bawat paglakad ni Rod.
At mabilis na binitawan na ni Rod ang dalaga at sabay takbo nito sa madilm na eskinita
"shit ano itong ginagawa ko"
BINABASA MO ANG
holdup
Mystery / Thrillerpapaano mo malulusutan ang isang krimeng hindi mo man ginawa, subalit ang lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa iyo? may pag asa ka bang mapatunayang inosenste ka?