"m-may nagutos lang po sa akin, bingyan niya ako ng 10,000 pesos, para holdapin iyong babae, at sa kaniya ko na rin daw ibenta iyong makukuha ko, ng m-mabalitaan ko na napatay iyong b babe sir, gusto ko ng sumuko sana, k-kaso, kinontak niya ako, at binayaran ulit ako ng 10,000 at binili niya iyong cellphone sa akin ng 25,000, i-iyong bag ang sabi niya hayaan ko lang daw muna sa akin, at bibilin din daw niya iyon, pag nasa tamang panahon na" salaysay ni Rex
"natataandaan mo ba ang itsura ng kausap mo?" tanong ni Dave
"na-naguusap kami sa cellphone lang, at paiba iba siya ng number sir, nagtataka din ako, kasi ako man ay nagiiba ng sim card pero nalalaman din niya agad, kaya kinabahan na rin ako, at nakisakay, tutal nababayaran din niya ako"
"papaano ka niya nababayaran, saan kayo nagkikita?"
"kinukuha ko sa moneygram, o kaya sa cebuana lhuiller, binibigay niya sa akin ang code,"
"nasa iyo pa rin ba ang mga resibo?"
"ang utos niya sa akin,itapon ko na daw agad ito baka daw makulong ako, at sinunod ko naman,sir, nakikiusap po ako, holdap lang po ang ginawa ko, hindi po ako mamatay tao."
at iniumang nito ang kamay para magpaposas
"ma-mas ligtas siguro ako sir kung maikukulong niyo ako, dahil kahit anong gawing kung tago nalalaman niya ako, minsan hindi ko sinagot ang mga tawag at text niya at pinatay ko ang cellphone ko, may nakita akong envelope doon mismo sa kwarto ko, mga larawan ko, na hindi ko alam kung papaano niya ako nakuhaan ng litrato"
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
nag ring ang cellphone ni Dave, isang text messages
"ANG TAGAL NIYO NAMANG MATAGPUAN ANG NEXT VICTIM KO, KAYA AKO NA LANG ANG MAGTUTURO, SA PARKING LOT NG SM NORTH EDSA PAKIBILIS LANG AT MAG DEDECOMPOSE NA SIYA ITS BEEN 3 WEEKS NA SIYANG NANDUN, JEEZ, ANG BAGAL NIYO!!! AT PAKI KUTOS NA RIN ANG MGA SECURITY AT ATTENDANT DOON NA MAGTRABAHO NG MABUTI!!!"
pagkabasa ni Dave ay dali dali silang nagpunta sa lugar, at hinalugad nila ang buong parking area ng mall,
"Sir, wa-wala po, hindi namin makita"
"keep looking," si Dave
tumunog ulit ang cellphone ni Dave, text messages ulit
Sus naman do you nEed me to sCan fOr you? Now finD it For me, Last text kO
Okay... and Relax..."
napansin niya ang mga capitalized letters,...
S-E-C-O-N-D F-L-O-O-R
"second floor guys !! lahat kayo sa second flor"
takbuhan ang lahat ng mga kasamahan niya, hinalughog nila ang mga kotseng nakaparada doon
"found it sir"
"dont touch anything",
at pinahanap muna niya ng prints ang kotse, nagulat sila sa nasaksihan ng pagkatapos ma brush ng powder ang pintuan ng driver, inilawan nila ito ng black light at tumambad sa kanila ang prints ng isang buong kamay, at sa katabi nito ay pinakorteng "CATCH ME" na thumb finger prints
"this is sick" nasabi ni Dave sa sarili
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------next chapter...
BINABASA MO ANG
holdup
Mystery / Thrillerpapaano mo malulusutan ang isang krimeng hindi mo man ginawa, subalit ang lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa iyo? may pag asa ka bang mapatunayang inosenste ka?