Rina dela Cruz,
isang bank teller sa BDO sa paseo branch
katamtamang taas, derechong bagsak na buhok, na kulay kalawang.
slim and sexy,
perfect nose and high cheekbone
hindi iilang mga ka opisina ang nagparamdam ng paghanga dito.
pati ng mga executives sa pinaglilingkuran.
para sa kaniya, nais niyang magkaroon lamang ng simpleng buhay, at ang pagkakaroon ng boyfriend ang magpapagulo sa kaniya.
tama na sa kaniya na magisa at nagagawa ang mga gusto
na walang nagbibigay ng restriction sa kaniyang mga pasya, at lalong lalo na sa kaniyang oras.
nilapitan si Rina ng kaopisinang babae,
"Rina, friday ngayon, kahit minsan naman sumama ka sa amin, hayaan mo treat ka namin ni Claudette hehehe alam namin na ang idadahilan mo naman na marami kang bayarin"
"hindi naman sa ganun michelle, nagkakataon lang, alam mo naman na ako lang magisa"
sabay nagligpit ng mga gamit, at inayos sa bag
"alam mo nagtataka din ako sa iyo, ang mga magulang mo nasa canada na lahat, bakit ayaw mong sumunod sa kanila?" tanong ni michelle
"basta ayoko lang, ginawin ako," at sinabayan ng tawa
"ok sige para naman hindi ako magmukhang killjoy dito sa opisina, sige sasama ako sa inyo, pero sana wag naman malayo at huwag tayong magpapagabi" nakikiusap na tinig ni Rina
"salamat naman, oo kahit na ano hilingin mo basta maka gimik ka lang namin "
sa temple bar sila nagtungo sa greenbelt 2
"huwag kang magalala, si Michelle daw ang sasagot hhihihi" mahinang bungisngis ni Claudette
"sa wakas nakasama ka rin namin ni Michelle, pero dont worry hindi ka namin lalasingin, bubusugin ka na lang namin, baka kasi mabwisit ka sa amin at hindi na maulit" sabay tawag ni Claudette sa waitress
"matanong ko naman sa inyong dalawa, bakit parang napaka espesyal ko naman sa inyo at gustong gusto niyo akong makasama?"
"kidding me? heller Rina, Boy magnet ka noh! kaya pag kasama ka namin, im sure na mapapansin ka ng mga lalake, at we both know na hindi mo sila papansinin at ang ending sa amin ni Michelle mapupunta ang mga boys" sabay na nag apir si Michelle at Claudette
"ah ganun ginagamit niyo lang pala ako, pero okay na rin atleast free naman ito"
pasado alas 11 na ng magpasya na ang tatlo na umuwi..
"sige na michelle,claudette, magaabang na lang ako ng jeep, panigurado kasi mahihirapan akong kumuha ng taxi o kaya naman sisingilin ako ng mahal"
"hay nako ikaw talaga,ilocana ka ba o canadian?" sabay nagtawanan ang tatlo...
sumakay ng jeep si Rina, at pumara sa sakayan ng jeep papuntang san andres bukid.
dahil sa gabi na dalawa na lang pasahero ng jeep, isang matandang babae at isang lalake na naka jacket na itim at sumbrero,
nakaramdam ng pagkahilo si Rina dahil sa ilang shots ng margarita, napapaidlip siya.
subalit pinilipit niyang gisingin ang diwa, ng pagmulat ng kaniyang mata ay nakita niyang nakatingin sa kaniya ang driver ng jeep mula sa rear view mirror nito, iginala niya ang paningin sa loob ng jeep, wala na ang matandang babae, ang naiwan na lang ang lalakeng naka jacket na itim.
napabuntong hininga siya, dahil nakita niya na ang necktie mula sa loob ng jacket ng lalake, inisip niya na isa itong nagoopisina rin at naalis ang kaba na baka isa itong HOLDAPER , nang matanaw niyang malapit na siya sa kaniyang bababaan ay pumara na ito,
mahilo hilo pa rin si Rina, na naglalakad, napansin niya ang pagtigil muli ng jeep at bumaba ang lalake, naalis muli ang takot sa isip dahil inisip niya na lilgtas siya sa lalake, bukod sa nag oopisina ito ay gwapo at may maamong mukha.
nilampasan niya ang lalake na nagsintas ng kaniyang itim na sapatos, ng biglang...
"miss sensiya na...wallet at cellphone lang naman, huwag mong sayangin ang buhay mo"
naramdaman niya ang matulis na bagay sa kaniyang tagiliran, inisip niyang magsisigaw subalit mabilis na gumana ang ikaniyang isip, at kinalma ang sarili, kung sisigaw siya tiyak na itatarak sa kaniya ng lalake ang patalim.,dinukot niya sa bulsa ng bag ang cellphone at wallet at binigay sa lalake
"sorry miss"
at inabot sa kaniyang muli ang wallet
"maniwala ka sa akin o hindi, hindi ako masamang tao.Gipit lang talaga ako ngayon miss"
naramdaman niya ang panginginig nito.
hindi siya umimik at hinayaan lang nitong akayin siya,
nakailang hakbang siya ng bitawan ng lalake at nagtatakbo...
napaupo siya sa kalsada, at nagsimulang panginigan ng laman, tumulo ang mga luha niya sa tensiyong naramdaman.
tinignan niya ulit ang laman ng wallet, nandoon pa ang ilang tig be beinte niya, subalit wala na ang tig iisang libo...
"nagtira ka pa walang hiy...."hindi na nito natapos ang sasabihin ng mula sa likuran ay may taong nagtakip sa kaniya ng ilong ng panyo, at dahan dahan na siyang bumagsak at mawalan ng malay....
BINABASA MO ANG
holdup
Mystery / Thrillerpapaano mo malulusutan ang isang krimeng hindi mo man ginawa, subalit ang lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa iyo? may pag asa ka bang mapatunayang inosenste ka?