Chapter 3 (guilty)

81 0 2
                                    

guilty

kinaumagahan tinanghali ng gising si Rod, dahil sa magdamag na hindi pagkakatulog

"mabuti na lang at sabado ngayon, tyak bawas na naman sa sweldo kung ma le late ako ngayon"

Bumangon siya at dumerecho sa banyo upang maghilamos, 

nandoon pa rin ang jacket at sumbrerong ginamit  kagabi. 

Nakaramdam ulit siya ng guilt. kinuha niya ang jacket at mula sa bulsa nito at nakapa niya ang perang kinuha  sa babae.  

Napapikit siya habang naalala ang mga bayarin.

"hindi na ito mauulit"

kina lunesan pumasok siya ng maaga sa pinaglilingkurang  

Insurance company. 

Dala pa rin sa dibdib  ang nangyari, napalingon siya sa kasamahang babae at animoy mukha ng babaeng hinoldap  ang nakikita niya, sumama ang sikmura niya at dali daling tinakbo ang toilet at doon ay dumuwal. Inalis niya ang pagkakabuhol ng kurbata at niluwagan ang puting long sleeve polo.

hinabol siya ng kasamahan upang tignan kung ano ang nangyayari sa kaniya.

"tol, okay ka lang ba?"  

" ayos lang ako, masama lang pakiramdam ko kagabi pa, salamat marlon"...

nagpalipas siya ng limang minuto at bumalik sa kaniyang cubicle, at inayos ang mga papel na dapat niyang trabahuhin.

Parang napakabagal ng oras para sa kaniya. pakiramdam niya na ang isang oras ay isang araw. pagod na pagod ang isip niya.

Nang dumating ang ika lima ng hapon nanumbalik ang sigla ng katawan at, inayos niya ang mga gamit at dali daling lumabas ng opisina.

Lakad takbo ang ginawa niya para marating ang bustop sa kahabaan ng ayala avenue.

Madilim na ng makauwi siya ng bahay, ng makapasok ay dinerecho niya ang TV at binuksan , nilakasan nito ng bahagya at hinanap ang news program, atsaka pa lamang unti unting naghubad ng damit..

nakabihis na siya ng maupo sa harapan ng TV ng isang balita ang nagpabilis ng kaniyang pulso.

"isang babae ang natagpuan kaninang alas tres ng hapon, sa bayan ng san jose del monte bulacan, tinatayang may taas ng limang talampakan , mestisahin at ......"  

Hindi na niya pinansin ang iba pang detalye sa telebisyon ng ipakita sa monitor ang istura ng babae.

"h hindi p pwede .... "

Tinakbo niya ang aparador at hinanap sa maliit na drawer ang cellphone na kinuha mula sa babae, at bumalik sa harapan ng tv.

" p paanong??? Papaano siya namatay??"

"at ang hindi maipaliwanag ng mga imbestigador, ay may nakita silang tahi sa dibdib ng babae, at ng ma awtopsiya na ay natagpuan sa loob ang isang ibon"

"i ibon?," nabitawan niya ang cellphone... 

nalaglag ito ng patihaya

at tumambad ulit  ang larawan ng babae.

holdupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon