chapter 4 (ang detective)

78 0 0
                                    

Alas 5 ng umaga,

halos sabay nanagmulat ng mga mata si Dave at ng pagtunog ng kaniyang alarm clock.

mabilis niya itong pinahinto,

bumangon siya sa pagkakahiga at naupo sa gilid ng kaniyang kama, hinanap ng mga paa niya ang bedroom slippers, at saka tumayo.

huminga ng malalim at ibinagsak ang sariling katawan upang mag push up,

hindi siya huminto hanggang sa tumulo ang pawis sa kaniyang noo.

siya si P Insp Dave Montero.Binata 36 years old , matipuno ang pangangatawan 

araw araw ganito ang routine niya pagkagising.

tumunog ang kaniyang cellphone

kinuha niya ito at habang binabasa ang  text messages ay inaayos naman ang  higaan,

"we have an eyewitness to the bird-chest  case sir, a jeepney driver in san andres bukid"

ayon sa text.

dali dali itong nagbihis at tinungo ang kaniyang toyota corolla altis at pinaharurot sa opisina ,

pagdating sa detachment

sinalubong siya ng isang police aid na may bitbit ng kape at inabot sa kaniya

"sir anjan pa iyong testigo,ung driver ng jeep"

"nakuhanan niyo na ba ng statement? tanong niya habang hinihigop ang  kape

"yes sir, si sir mendoza na po ang kumuha"

"okay, papuntahin mo na sa opisina ko, at ako naman ang kakausap"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

sa loob ng opisina ni Dave, 

makikita doon ang malaking larawan ng Presidente ng Pilipinas na nasa likuran ng kaniyang desk chair.

 sa kaniyan table mapapansin dooon ang malaking globo, at ayos na mga folder at ilang mga papeles.

 malinis at nasa ayos ang mga kagamitan sa loob. 

nakaupo si Dave ng pumasok ang jeepney driver

"g-good morning po sir"

"good morning din, maupo ka. nagkape na ho ba kayo?"

umupo ang driver sa nagiisang silya sa harapan ng kaniyang mesa, at tumango lang sa tanong niya

halatang kabado ang driver dahil sa seryosong mukha ni Dave,

"sigurado ho ba kayong iyong babae na natagpuan sa bulacan ang nakasakay niyo ng Biernes ng gabi?"

"sigurado po ako, d-dahil maganda ho s-iya a-at miminsan ko ho siyang sinisilip sa rear view mirror ng jeep ko, ang problema lang ho iyong lalakeng sumabay na bumaba sa kaniya hindi ko po natandaan ang itsura,dahil nakatuon ang pansin ko dun sa babae sir"

"sa may onyx street sila bumaba?"

"opo sir  bago po ako lumiko ng diamante street"

pumikit si Dave at gumawa ng eksena sa kaniyang isip ang mga pangyayari

"sige ikuwento mo sa akin lahat ng natatandaan mo"

isinalaysay ng driver ang lahat ng natatandaan sa nakapikit pa ring si Dave

natapos ang driver sa pagsasalita ng magmulat ng mga mata si Dave, tinignan niya ang itsura ng driver..

at bumuo ng konklusyon sa itsura nito

"nasa edad na 45-50 ito, nakakalbong mga buhok, maayos naman ang damit ,hindi kagaya ng pangkaraniwang driver ng jeep.

maugat ang mga kamay,dala marahil ng palagiang paghuhugas ng kamay pagkatapos ng pamamasada...

normal na paghinga at bibihirang matapos ng derecho ang pagsasalita, dala marahil ng ginagawa kong pagtitig sa kaniya.."

malimit na kumukunot ang kaniyang noo habang nagsasalaysay, tanda ng malabis na pagiisip bago magsalita.."

tumayo si Dave at hinilamos ang sarling kamay sa mukha. at lumapit sa Driver

"maraming salamat sa impomasyon ninyo, pwede na po kayong umuwi."

tumayo ang driver at nakipagkamay dito si Dave.

paglabas ng driver ay sinara ni Dave ang pinto at ini lock ito

umupo siya sa silyang inupuan ng driver, ramdam pa rin niya ang init sa silya, dala marahil ng tensiyon sa driver kaya naglabas ito ng matinding temperatura sa katawan..

"biernes ng madaling araw, at natagpuan ang labi ng babae ng alas tres ng hapon ng lunes"

hinanap niya ang files ng babae. sa kaniyang lamesa

"may ibon na natagpuan sa loob ng dibdib nito, at tinatayang may limang oras pa lang na namamatay ito"

"hindi pangkaraniwan ito.."


holdupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon