binisita ni Dave sa city jail si Rod
pinatawag niya ito sa opisina ng warden
"Sir, ano na po?...akala ko po ba hindi kayo naniniwala na ako ang pumatay sa babae?"
pinunasan nito ang sariling luha bago magsalitang muli
"p-pwede naman po kayong mag testify sa korte na inosente ako sa pagpatay, at robbery holdap lang po ako g-guilty sir"
nag tiimbagang si Dave, habang pinagmamasdan ang tuluyan ng umiyak na si Rod
"Rod, may panibagong biktima... kaparehong kapareho ng ginawa kay Rina...may lumalabas na balita na mayroon kang kinaanibang samahan, at dahil nakakulong ka na, maaring ang ka miembro mo ang gumawa"
napahawak si Rod sa batok
"A-ako pa rin ang suspect?"
tumayo si Dave
"nagpunta ako dito upang bigyan ka ng pagasa.."
napatayo din si Rod at patakbong lumuhod kay Dave
"s-sir maraming salamat po, tulungan po niyo ako"
"Ano ba, huwag mo akong luhuran..patapusin mo muna ang sasabihin ko,kung mahuhuli ko ang tunay na salarin, maari ko itong mapilit na i confess na wala kang kinalaman sa pagpatay, at maabsuwelto ka sa murder, pero sa robbery holdup ay hindi."
napatayo si Rod at muliy pinunasan ng kamay ang mga mata at kumalma
"g-ganun po ba,nakikiusap po ako, madaliin niyo po ang paghuli"
"I will be needing your help"
napangiti si Rod sa sinabi ni Dave
"kahit ano po ang ipagawa niyo sa akin, sa ikabibilis po ng pagdakip sa kriminal sir"
"gusto kong idetalye mo sa akin ang buong pangyayari, mula umpisa"
kinuha ni Dave ang upuan at pinaupo si Rod, sumunod si Rod,at umupo, nanatiling nakatayo si Dave
"sa jeep po, ang tunay ko pong plano, ay ang driver,dahil nakita ko pong matanda na ito, at hindi na makakapanlaban sa akin, hinihintay ko pong tumapat ito sa madilim na eskinita,kaya lumipat ako ng upo sa likuran niya habang nagmamaneho siya. natigilan lang po ako ng pumara ang isang ale at sumakay,nagbago po ako ng plano, at ibinaling ang atensiyon sa ale. siya po ang ipapalit ko na target, hihintayin ko siyang pumara.. doon na po sumakay si Rina, nakita ko pong mukhang mayaman ito."
"natatandaan mo ba ang itsura ng ale, at ng driver?"
"iyon pong driver...natatandaan ko lang po sa kaniya iyong buhok niya, masyadong makapal po, na naka brush up, napakalago din po ng patilya niya, at malimit na umuubo.."
biglang natigilan si Dave, naalala niya ang driver na nagpunta sa kanila na unang testigo
kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Flor
"Flor, i review mo ang video sa CCTV sa loob ng opisina ko, hanapin mo ang driver na nakatalikod sa camera at ipadala mo sa cellphone ko ngayon din"
"b-bakit sir? may lead na po ba kayo?"tanong ni Rod
binalikan niya si Rod,
"saan kayo bumaba ni Rina?"
"dumercho po kasi ang driver paglagpas po ng intersection ng onyx at agusto francisco, dapat po kasi kakanan iyon sa onyx street, kaya bumaba po si Rina sa kanto ng Granate street"
bumalik sa ala-ala niya ang pahayag ng driver
("sa onyx street sila bumaba?"
"opo sir, bago po ako lumiko ng diamante street")
"my God" napasigaw si Dave
at nag ring ang cellphone niya, dumating na ang larawan ng driver
"ganito ba ang itsura nung nakita mong driver?"
"h-hindi po yan sir, halos kalbo na yan, iyon pong driver namin, makapal na makapal ang buhok, sa tingin ko nakapomada pa nga iyon dahil brush up na brush up ang buhok"
"maraming salamat sa impormasyon mo Rod"
sabay takbo palabas ni Dave sa opisina ng warden, dinerecho niya ang parking lot ng mag ring ulit ang cellphone niya, si Mendoza ang tumawag/.
"sir nakalap ko na po ang report sa condominium,may discrepancy po sa oras ng CCTV ng hallway,parking area,lobby at mga elevator,nangyari po iyan ng september 19, ala 1 ng madaling araw, nawawala po ang sumunod na mga oras hanggang sa kinabukasan,nagbalik lamang po ang record ng september 20 ganap na alas 8 ng gabi"
"nakuha mo ba kung sino ang naka duty na guard at receptionist?"
"isa pa po iyon sir, dahil ng september 20 umalis po ang mga security guard at hindi na po bumalik, tumawag po ang management ng condominium sa agency, cut na po ang line nito"
"iyong receptionist?"tanong ni Dave
"kasabay din pong nawala ng mga guard, at hindi na rin po ito nag report kinabukasan"
"anong pangalan ng agency ng mga guwardiya?"
"M.H. security agency,naka base daw ito sa bulacan, sa san jose del monte, sa lugar ng pinagkitaan ng bangkay ni Rina,hinanap ko kung rehistrado ang security agency, hindi ito naka tala sa DOLE"
"papaanong kinuha ito ng condominium?"
"napakababa ng hinihinging kabayaran ng agency, kaya mabilis itong inaprobahan"
"iyong mga pangalan ng mga gwardiya?"
mabilis na sumagot si mendoza
"Fernando santos Jr.,Ricardo Florez, at Teodoro Talim...kumpleto ng NBI clearances at iba pang requirements ang mga gwardiya, subalit;.."
huminto ng pagsasalita si Mendoza
"subalit ano?"
"mahigit isang taon ng patay ang mga iyan..ayon na rin sa mga NBI records nila, at finger prints na nasa resume at ilang requirements nila"
"p-paanong, papaano sila nakalusot na makakuha ng mga records ng hindi sila nahuhuli?"
"may posibildad na na hack ang system ... kung ikukumpara sa ibang bansa ang system natin, napaka weak nito, at kayang kayang i hack ng mga professional hackers ng ibang bansa"
natigilan si Dave at napabuntong hininga na lang.
"salamat mendoza,...dederecho na ako diyan"
at sabay pinatay na niya ang cellphone
nakarating siya ng detachment at nag derecho sa kaniyang opisina,
mahinang kumatok si Flor at sinang ayunan ni Dave ito.
ipinakita ni Flor ang mga litrato ng nagsilbing gwardiya sa condominium,
"eto ang mga gwardiya, and they are all dead, a week ago, iyong receptionist still missing"
"missing?"
"yes sir. her name is Alleah Tan, she might be the next victim.."
"I doubt that, our killers dont prefer asian looks, he likes caucasian"
"iyong mga gwardiya sir...they are poisoned..."
"wala kaming makitang physical evidences kung sino ang may kagagawan sa kanila, naka suot sila ng plastic na naka design as a dress, our resources to determine that kind of crime is poor, masyadong precise at systematic ang killer, at gumagastos talaga ng pera"
tumayo si Dave,
"that is true,and what ive notice... he is taunting us, i bet laughing hard his ass now..may mga indication ng rape sa mga babaeng biktima but we cannot found a single physical evidence, kahit na maliit na pubic hair or semen wala."
"probably he cleaned himself first and uses condom"napatawa si Flor
"maaring tama ka.. but, nobody is perfect,.sooner he will make mistake, at iyon ang hihintayin natin...
next chapter
BINABASA MO ANG
holdup
Mystery / Thrillerpapaano mo malulusutan ang isang krimeng hindi mo man ginawa, subalit ang lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa iyo? may pag asa ka bang mapatunayang inosenste ka?