nasa opisin si Dave ng biglang pumasok si Flor
"Sir, hindi po ako makapaniwala, may testigo po ulit, nasa labas, claiming alam daw niya ang nangyari ng gabing mawala si Eunice, hinoldap daw ito ng kasama niya sa boarding house."
napatayo si Dave,
"kunan mo ng mga finger prints, at pagkatapos ng statement report ipasok niyo dito"
makalipas ang ilang minuto.
"sir eto na iyong testigo"
pinaupo ni Dave ang lalake
"anong pangalan mo?" tanong ni Dave habang binabasa ang nagawang statement report
"r-ronald po, Ronald Santos"
"may dala ka bang ID?"
"y-yes sir, lisensiya po, driver po ako ng t-taxi"
"b-bakit ngayon ka lang lumitaw?"
"dahil po dito sa nabasa ko sa Dyaryo"
inabot ng lalake kay dave ang peryodiko, naka lagay doon na may kaukulang pabuya ang makakapgbigay ng impormasyon sa kaso ni Eunice, walang natatandaan si Dave tungkol sa reward,minabuti nitong sakyan ang lalake
"pano mo natitiyak na iyong kasamahan mo ang nangholdap?"
"natandaan ko po kasi iyong cellphone, iyong sreensaver po picture po ng babae na natagpuan sa condominium"
"bakit ngayon ka lang lumantad?" tanong ni Dave
"kasi po, nawala na po iyong cellphone, wala na po akong maipapakitang ebidensiya, pero nung nakita ko po iyong anunsiyo sa dyaryo, naglakas loob ulit ako, pumasok ako sa kwarto niya, may nakita po akong bag doon ng babae, prada pa nga ang tatak sir,kaya po puntahan niyo na agad baka mawala na po iyon"
"huwag kang aalis dito, hintayin mo akong makabalik" sabay lakad palabas ng opisina ni Dave.
"bantayan niyong mabuti iyong testigo, huwag niyong papaalisin"utos ni dave sa dalawang nakaunipormeng pulis.
"s-sir,wala pa po tayong warrant" si Flor
"kung maghihintay tayo ng warrant, makaalpas itong pagkakataon na ito, "
narating nila ang lugar,nagkagulo ang mga nakatambay at biglang nagsitakbuhan palayo,pinasok nila agad ang bahay,
"doon daw sa malapit sa banyo ang kwarto"sigaw ni Dave sa isang kasamahang pulis
sinipa ito ng isang pulis at daling pumasok si Dave na naka tutok ang baril.
iginala niya ang paningin, nagkalat ang mga paraphernalia sa pag gamit ng shabu, at ilang mga damit na nagkalat,ng mapansin niya sa tabi ng TV ang bag na prada
"nakita ko na"sigaw ni Dave.
akmang papasok ang isang lalake sa bahay at biglang napaatras ito, mabils na naharang ng mga pulis sa labas ang lalake at tinutukan ng baril.
sa prisinto, harapang itinuro ni Ronald ang kasamahan na siya ang gumagamit ng kwarto
"putang ina mo Ronald, wala akong atraso sa iyo hayop ka! paglabas ko dito magtago ka na,papatayin kita"
binatukan ito ni Flor
"s-sir pwede na po ba akong umuwi?i iyong reward ko po?"
"sige pwede ka ng umuwi pero balikan mo bukas, iaayos pa namin iyon"pagsisinungaling ni Dave.
hinarap ni Dave ang nahuling lalake
"anong pangalan mo?"
"r-Rex Natividad po s-sir"
"papaanong napunta sa iyo iyong bag?anong kinalaman mo sa pagpatay kay eunice corpuz?"
"totoo pong hinodap ko po siya sir, p-pero may nagutos lang po sa akin"
next chapter
BINABASA MO ANG
holdup
Mystery / Thrillerpapaano mo malulusutan ang isang krimeng hindi mo man ginawa, subalit ang lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa iyo? may pag asa ka bang mapatunayang inosenste ka?