mayroon ng isang linggo na nakakulong si Rod, ipinagpipilitan pa rin niyang inosenste siya sa pagpatay kay Rina.hindi na ito napaguusapan sa media, at tuluyang nakalimutan ng publiko.
hanggang sa isang balita ang lumabas
"Isa na namang nakakagimbal na serye ng pagpatay ang natuklusan ng mga awtoridad, sa isang condominium building sa ortigas, natuklasan ang wala ng buhay na si Eunice Corpuz, isang half spanish-filipina, inihalintulad ito sa kaso ni Rina dela cruz, pareho ng istilo ng pagpatay, at paglalagay ng ibon sa dibdib, kung matatandaan natin,nasa kamay na ng batas ang gumawa ng krimen kay Rina dela Cruz. ang gumawa ba ng krimen ay iisang tao lamang, o mayroong grupong kina aaniban si Rodney mercado na gumagawa ng karumaldumal na krimen
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"anong significance ng paglalagay ng ibon sa loob ng dibdib ng mga biktima?"habang matamang tinitignan ni Dave ang mga larawan ni Eunice Corpuz, kagaya ng naunang biktima, mayroon ding nunal sa noo.mestisa, katamtamang taas, perfect picture ni Rina ang pangalawang biktima..
"sir, nasa kabilang linya po ang patholigists na nag examine sa mga bangkay"
"sige ,salamat"
at inangat niya ang telepono
mula sa kabilang linya
"inspector Montero, ipanapaalam ko sa inyo na ang pangalawang biktima ay mayroon ng 3 linggong patay, at ang ibon na nasa loob ay tinatanya kong mayroong 2 at apat na araw ng patay, iyon lamang ang pagkakaiba sa naunang natuklasan niyo, ang petsa ng kamatayan"
natigilan si Dave,
"bakit ibon ang inilalagay?"
"maingay ang iyak ng ibon inspector, at kumakasya ito sa lagayan ng puso ng tao"
napatayo si dave at umikot ang paligid sa kaniyang isipan, habang nagkakaroon ng scenario sa kaniyang paningin
"patay na sila bago pa man ito gahasain, at dahil sa mga iyak ng ibon,gumagawa ito ng pintig at magmukhang pintig ng puso."nasambit ni Dave sa kausap
"pero bakit hinintay muna niyang mamatay ang kaniyang biktima?"
"upang maging madali sa kaniya ang pagangkin sa mga ito?" tanong ni Dave
"narinig mo na ba ang Necrophilia,?"
"tell me about it doc"
"isa itong psychological behaviour ,which is the sexual attraction to corpses."
"shit.."bulong niya sa isipan
BINABASA MO ANG
holdup
Mystery / Thrillerpapaano mo malulusutan ang isang krimeng hindi mo man ginawa, subalit ang lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa iyo? may pag asa ka bang mapatunayang inosenste ka?