binabasa ni Dave ang autopsy report ng biktima
"Rina dela Cruz ang pangalan ng biktima, My God she is beauty.."
napailing si Dave ng makita ang close up picture ni Rina,
isa itong graduation picture na binigay ng isa sa ka opisina ni Rina
at ipinagkumpara niya ang larawan sa bangkay na si rina,
ng may mapansing kakaiba si Dave..
nagmadaling nagtungo si Dave sa PGH kung saan nakalagay ang bangkay ni Rina,..
tinawag niya ang nagsagawa ng post mortem examination ...
"pwede ko bang makita ang bangkay nitong report na ito,"
at ibinigay niya sa pathologists
pinasamahan siya nito sa isang staff sa morgue section ng ospital saka inilapit sa kaniya ang de gulong na hospital bed, inalis ng staff ang kumot at tumambad sa kaniya ang magandang mukha ni Rina, at nakita niya ang mahabang tahi nito sa dibdib...
"nasaan ang ibon na nakita sa loob ng dibdib?"tanong niya sa staff..
"iyon po bang ibon, pero mahigpit pong bilin sa amin na huwag daw po itong ilalabas ng wala pong kaukulang permiso mula sa mga imbestigador.."
inalabas niya ang kaniyang wallet at ipinakita doon ang chapa niya
napakamot ng ulo ang staff
"naku pasensiya na po kayo sir,hindi po kasi kayo mukhang pulis..sandali lang po at tatawagin ko muli si Doc.
naiwan sa tabi ng bangkay ni Rina si dave
at muli ,ipinagkumpara niya ang larawan ng graduation ni Rina at sa ngayong labi nito..
nag dial siya sa kaniyang cellphone
"mendoza, nakuha mo ba ang number ng nagbigay sa atin ng picture at detalye ni Rina dela cruz?"
mula sa kabilang linya
"yes sir, siya si Michelle Acosta, officemate at matalik na kaibigan ni Rina, at siya rin ang isa sa huling kasama ng biktima,"
"sino pa ang isa?"tanong niya
"ayon na rin kay Michelle Acosta, si Claudette Romulo ang kasama nila ng gabing huling nakita si Rina"
"sige i forward mo na lang sa akin ang number ng kahit na sino sa kanila"
"ok sir, "
at inoff na niya ang cellphone. ibinalik niyang muli sa gilid ng mukha ng labi ni Rina ang larawan, at nag ring ang cellphone niya,
ang number ni Michelle Acosta at number ni Claudette Romulo ang mensahe
pinili niyang tawagan muna si Michelle Acosta, hindi ito sumagot ng una, inulit niya ito at isang boses na kagagaling lamang sa pagiyak ang narinig niya
"h-hello. sino ito?"
"this is police inspector Dave Montero, ang humahawak ng kaso ni Rina dela Cruz,may ilang tanong lang ako na gustong malaman, maari ka bang makita ngayon?
"n-nag leave po ako ngayon sa trabaho, maari po, gusto ko din pong mapabilis ang kaso"
"sige, isang tanong lang, pwede ko bang malaman kung may nunal sa noo si Rina?"
"nunal po sa noo? wala pong nunal sa noo si Rina, malinis po ang mukha niya, bakit po?"
"okay, sige nasa akin na ang address mo, within 15 minutes nandiyan na ako sa appartment mo...
saka dumating ang staff at bitbit ang garapon na naglalaman sa patay na maya..
binuksan niya ito at kinuha sa pamamagitan ng medical tongs, inilapit niya ito sa dibdib ni Rina,
"mayroong limang oras ng patay ang ibon ng madala dito ang bangkay"
ang pathologist
"ibig sabihin kamamatay lang niya ng matagpuan sa bulacan"
"sino? ang ibon o ang babae ang tinutoy mo?, ang babae ay mayroon ng dalawang araw na patay, at sa initial examination ko, may nauna na sa akin para isagawa ang post mortem examination,"
napamulat ng mata si Dave.
"anong ibig mong sabihin?"
"inalis na muna ang puso niya bago inilagay ang maya sa dibdib niya, sa itinanda ko na sa ganitong trabaho, ngayon lang ako naka engkwentro ng ganito, at sa atin atin lang ito, tumayo ang balahibo ko ng malaman kong pagkatapos ng unang operasyon niya mula sa salarin, nabuhay pa ng hindi lalagpas ng sampung minuto ang ibon sa kaniyang dibdib"
nabitiwan ni Dave ang hawak na mga letrato...
dinampot ito ng pathologists at inabot sa kaniya.
"sa report mo, nagahasa siya, hindi ba? may ebidensiya ba na makakapagturo sa salarin?"si Dave
"may laceration siya indicating a force entry, but i cannot trace evidences kahit anong sample mula sa kung sinong indibidwal, Im afraid that she was cleaned".....
BINABASA MO ANG
holdup
Misterio / Suspensopapaano mo malulusutan ang isang krimeng hindi mo man ginawa, subalit ang lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa iyo? may pag asa ka bang mapatunayang inosenste ka?