tahimik ang lahat sa loob ng briefing room, si Dave ay naka sentro ang tingin sa
larawan na pinadala ng bulacan PNP,
"can she take it sir?" si mercado
"hindi ko rin alam pero dapat niyang malaman, at upang mapadali na rin ang paglutas sa
kaso"
maya maya pa ay dumating na si michelle, at kasama si claudette, sinalubong ito ni Dave at
sabay halik sa pisngi ni claudette. nagkatinginan lang ang buong team.
inalalayan ni Dave ang dalawang babae na makaupo.
sabay balik ni Dave sa dating pwesto, inilabas niya ang mga larawan, hinanap niya ang
larawan ng fiancee ni Maya lynch at inilagay sa mesang kinahaharapan ni michelle
"p-picture ito ni G-gilroy sir"- gulat na salita ni michelle
"no, picture iyan ni Royette Gil, ang fiancee ni Maya Lynch"-si Dave
napaungol si michelle at sabay tayo sa upuan, sinundan ito ni claudette upang payapain
ang kaibigan.
"michelle, hindi pa namin matiyak kung si Royette Gil at Gilroy ay iisa, lingid sa kaalaman
mo ay hinanap namin ang records ni Gilroy,bumatay kami sa impormasyong ibinigay mo,
kahit sa DFA ay hinanap namin ang pangalang Gilroy santiago, ay wala siyang records
na bumalik o lumabas ng bansa,"
"anong ibig mong sabihin Dave?"- tanong ni claudette
"gaya ng sinabi ko, hindi pa namin ma tiyak kung si Royette Gil o Gilroy ay iisa, subalit
malakas ang kutob namin na.." hindi na natapos ni Dave ang pagsasalita ng magkaroon ng kumosyon
sa labas ng briefing room
dali dali silang tumakbo palabas at tumambad sa kanila ang lalakeng duguang mga kamay na
nakataas.
"detectivee!!!!! you are looking for me!" sigaw nito
"gi-gilroy!" sigaw ni michelle
dali daling binalya ito ng mga nagrespondeng pulis at pinosasan,
"I'd like to speak to my lawyer please" nakangising salita ni Gilroy
----------------------------------------------------------------------------------
umiiyak pa rin si michelle sa loob ng briefing room, nakatingin lang dito si Dave
habang si claudette ay panay ang himas sa likod ng kaibigan.
maya maya pa ay dumating ang abogado ni Gilroy matapos ang halos dalawang oras na
paguusap nila.
"kailangan ko kayong makausap, si mercado at ikaw lang" at tinapunan ng tingin ang
dalawang babae ng abogado
inalalayan ni mercado ang dalawang babae palabas ng briefing room.
"nakausap ko na ang hepe niyo,inuna ko muna siya, bago ako nagpunta dito, at nauna na siyang
nagbigay ng pagsang ayon, isa ito sa mga kundisyon ni Gilroy, "
"kondisyon? anong kondisyon? hindi kami humihingi ng ganun sa mga kriminal" sabat ni mercado
BINABASA MO ANG
holdup
Mystery / Thrillerpapaano mo malulusutan ang isang krimeng hindi mo man ginawa, subalit ang lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa iyo? may pag asa ka bang mapatunayang inosenste ka?