Morena, bilugan ang mga mata, na binagayan ng maliit at tangos na ilong,
lamang palaging naka salamin, kaya hindi masyadong napapansin ang ganda..
sexy din ito, at mas mataas ng ilang pulgada kay Rina, hindi naman ito napagiiwanan ni Rina kung sa ganda at sexy ang paguusapan, nga lang umiibaw pa rin ang pagiging mestisa ni Rina sa kaniya..
abala ito sa pakikipag chat sa kaniyang nobyo gamit ang ipad, na isang Dentista sa Dubai, ng lapitan ni Claudette
"Michelle, ano na friday na ngayon, ikaw na ang magyaya kay Rina,"
"bakit naman kasi kailangan nating pilitin iyong tao, alam mo naman na may sariling mundo iyon"
"wala lang, parang masarap siyang kasama sa gimikan, at isa pa, boy magnet iyon baka dahil sa kaniya mag ka boyfriend na rin ako, " at nilingon ni Claudette ang ipad ni Michelle
"wow naman kailan kaya ako magkakaroon ng boyfriend na bigtime michelle,iyan iyong regalo niya sa iyo diba?"
"gayahin mo ang porma ko"
"talaga?"
"naniwala ka naman, ganyan ka na ba kadesperada? claudette, virgin ka pa ba?"
mahinang tanong ni Michelle
"ahh, eh, ano ba namang tanong yan michelle, natural..."
"natural ano? "nagmamadaling tanong ni michelle..
"h-hindi na, nagkaroon ako ng boyfriend noon bago ako naka graduate ng higschool, b-bakit ba, ikaw ba, ikaw ba? hay naku imposibleng virgin ka pa, madalas kayong mag date ni Gilroy bago siya bumalik ng Dubai"
"hay, siya ang una kong boyfriend claudette, ewan ko ba, siguro gentleman lang talaga siya"
nahampas ni claudette si michelle sa narinig
"ano kamo? virgin ka pa rin? lakas mo ha!"sabay tayo ni claudette
"ano ka ba mamaya may makarinig sa iyo jan.."
"kailan nga ba ulit uuwi si Gilroy at sabihin mo sa kaniya pasalubong namin ni Rina ha.."
"oo na, ayan o sinabi ko na sa kaniya, oo daw nag reply agad at ipinabasa ni Michelle kay Claudette"
"naks, ha para may ebidensiya pa talaga, o regards na rin daw kay Rina. sabihin mo daw"
"nako palaging Rina, Rina ... wala na kaming ibang pinaguusapan mula ng makita niya sa friend lists ko si Rina, pinipilit pa nga akong sabihin kay Rina na i accept siya sa friend invitation na in request niya,anong magagawa ko kung ayaw siyang i accept e sa wala naman interes sa mga ganito si Rina"
"oyyy selos ka kay Rina no? masama yan, "
"plastic ako kung sasabihin kong hindi, pero kilala ko naman si Rina, hindi niya papansinin iyon, at ang mga klase ni Gilroy, isa siyang gentleman."
"at dahil doon, virgin ka pa rin" sabay malakas na tawanan ng dalawa..
"sige mamaya bago tayo maguwian, pilitin ko si Rina na sumama, pero dahil ikaw ang may gusto nito, ilibre mo siya ha, alam mo naman iyong babae na iyon, nagpupuno yata ng pera sa banga,ni ayaw gumastos"
"ano ka ba naman, hatian mo naman ako michelle"
"naku bahala na, mamaya"
pagsapit ng alas kwatro ng hapon, nagsara na ang bankong pinag t trabahuhan nila, nilapitan ni Michelle si Rina...
"Rina, friday ngayon, kahit minsan naman sumama ka sa amin,hayaan mo treat ka namin ni Claudette hehehe alam namin na ang idadahilan mo naman na marami kang bayarin"
hindi na nahirapan si Michelle sa pagaayaya kay Rina , sumangayon na ang dalaga sa kaniya,
sa temple bar sila nagtungo, at nakakailang shot na sila ng margaritta ng makatanggap siya ng text
galing ito sa kaniyang nobyo,
"hon, im leaving dubaii now for a couple of weeks, sa california muna ako na assign, ill give you my numbers soon I arrive there, love you so much"
tumaba ang puso ni Michelle sa nabasa..
"oh bakit na naman nangingiti ka jan ha michelle"tanong ni claudette
"ang sweet talaga ni Gilroy, nagpaalam pa siya sa akin na pupunta daw ng california,and telling me na he love me so much,kakain-love talaga itong tao na ito, kahit na anong gawin niya lagi siyang hindi nakakalimot na ipaalam sa akin"
"o siya, tama na yan, at ang cinderalla natin ay kailangan ng umuwi, baka magbagong anyo ito",sabay turo kay Rina ni claudette..
"thank you talaga guys, nga pala, mag share ako, sa bills.. "
at inilabas niya ang isang libo..
inabot nila ang bayad sa waitress at makalipas ang ilang minuto, ibinalik sa kanila ang 3 tig be beinte pesos, mabilis itong kinuha ni Rina, at nilagay sa kaniyang wallet
nagkatinginan na lang si Michelle at Claudette...
____________________________________________________________________________
"talaga bang ayaw mong mag taxi Rina? okay ka lang ba, hindi ka ba lasing? tanong ni michelle
"sige na michelle,claudette,magaabang na lang ako ng jeep,panigurado kasi mahihihrapan akong kumuha ng taxi o kaya naman sisingilin ako ng mahal"
"hay nako ikaw talaga,ilocana ka ba o canadian?si Michelle
sabay nagtawanan ang tatlo
"sige hihintayin ka na namin na makasakay ng jeep bago kami mag taxt ni Michelle"
at iyon na ang huling paalam sa kanila ni Rina.....
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
nakarinig siya ng malalakas na katok
si P Insp Dave Montero ang nasa labas
dali dali niya binuksan ang bintana,
"magpakita po muna kayo ng ID,"
inilabas ni Dave ang chapa ...
dahan dahang binuksan ni michelle ang pintuan...
"kumusta michelle?"
-__________________________________________________________________________------
BINABASA MO ANG
holdup
Mystery / Thrillerpapaano mo malulusutan ang isang krimeng hindi mo man ginawa, subalit ang lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa iyo? may pag asa ka bang mapatunayang inosenste ka?