slim, and pretty, sa taas na 5'10 ay pu pwede siyang maging modelo, subalit ang hindi para sa iyo ay hindi sa iyo. iyan ang palagian niyang bukangbibig.
sa tangkad niya, ay halos walang lalakeng tumatabi sa kaniya, dahil nagmumukha silang maliit, at ito marahil ang dahilan kung bakit nanatili pa rin siyang single matapos ang pakikipag nobyo nuong highschool.
napansin niya si Rina, na palaging dinikitan ng mga lalake at hinabahol ng tingin, minsan ay nakaramdam siya dito ng paninibugho dahil siya na nagnais na mapansin, si Rina naman ay iwas ng iwas sa mga kalalakihan,
minamasdan niya ang mukha sa salamin, hindi naman siya pangit, kung sa kanilang tatlo na magkakaibigan mahihirapang mamili kung sino talaga ang maganda.
pero lumalamang ang appeal ni Rina, dahil nagiging challenge para sa mga kalalakihan ang maamo at napakamahiyaang mukha nito.
"hindi naman siguro masama kung gamitin ko si Rina, para mapansin din ng iba, "bulong ni Claudette sa sarili.
__________________________________________________________________________
sa temple bar bago mangyari ang krimen
magkakasama ang tatlong magkakaibigan,
si Claudette ang may pinaka maraming nainom, ng mapuna niya ang isang lalake na pilit na inaabot ng tingin si Rina, dahil natatakpan niya ito.
"Michelle, punta lang ako ng toilet ha,"
"sige, hindi pa naman ako nangangailangan"
tumayo si Claudette at pilit na tinaas ang hangin blouse niya, sapat upang limitaw ang waistband ng lingerie nito, she succeeded, napansin siya ng lalake.
isang makahulugang ngiti ang binigay ni claudette sa lalake,at inilapag niya ang isang ply ng tissue na nakasulat ang pangalan at number ng cellphone niya.
pagbalik sa inuupuan niya nakatanggap siya ng text sa lalake,
"i love to see you drunk in my pad"
nagku kwento si Michelle tungkol sa kaniyang bf ng bigang inawat ito ni claudette sa pagsasalita
"o siya tama na yan, at ang cinderella natin ay kailangan ng umuwi,baka magbagong anyo ito"
tumayo na ang tatlo saka nag reply si claudette,
"why see me drunk?why not naked"
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
pagkahatid nila kay Rina, ay nagpaalam na rin sa kaniya si Michelle,at pumara ng taxi, binalikan niya ang lalake sa bar, subalit hindi na niya ito natagpuan.
sinubukan niya itong tawagan subalit naka off na ang cellphone.
napabuntong hininga siya, naglakad lakad habang naghintay ng taxi, makailang beses niyang pinag ring ang cellphone subalit cannot be reach na ito.
paguwi sa kaniyang bahay ay nilapag niya ang kaniyang katawan sa kama, at nakatulog ng hindi na nagpalit ng pang tulog.
nagising siya ng mag aala 9 na ng umaga, nakita niya ang flash ng cellphone tinignan niya ito may mensahe sa kaniya. labis ang tuwa niya ng ang numero ng lalake ang nakita niyang nag text.
"Im done, its your turn now"
natawa siya dahil inisip niya na nagpaparamdam ulit ng sexual ang lalake, tinawagan niya ulit ito laking pasalamat niya ng magring,
"hello?"
"hi, im claudette, remember sa temple bar? i thought you want to see...."
hindi na siya pinatapos magsalita ng kausap ng i off na ito,
"tarandong iyon ah. hinang up ako"
pabatong hinagis niya ang cellphone sa kama.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lunes...
"michelle, bakit kaya wala si Rina?sinusubukan kong tawagan kanina pa, out of reach iyong cellphone niya. huwag naman sanang may masamang mangyari doon"
"huwag ka ngang magisip ng ganyan at pati ako ay kinakabahan sa iyo, pero sa totoo, hindi iyon uma absent ng hindi nagaabiso" si michelle
"let us hope na walang nangyaring masama sa kaniya"
--------------------more---------------------
BINABASA MO ANG
holdup
Mystery / Thrillerpapaano mo malulusutan ang isang krimeng hindi mo man ginawa, subalit ang lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa iyo? may pag asa ka bang mapatunayang inosenste ka?