Abbie's POV
"BABA!!" Sigaw ni papap.
Huhubels naman kasi ayoko pumasok ngayon gegerahin ako ng mga ka klase ko tapos nakapalibot pa yung mga babae sa kotse ni papap buti nga tinted yung salamin eh. Tapos bababa ako?! Eh shoesko mahal ko buhay ko noh!!
"NO!! Ayoko ayoko ayoko ayokoooo! Papatayin mo ba ko papap?! Ang dami mong fangirls oh! Ano iisipin nila?!." Tanong ko.
Nag takip ako ng tenga kasi kanina pa kami dito at kanina pa din nagagalit si papap. Bakit kasi nawalan pa ng pasok tong lalaking toh?!
"Pag bilang ko ng tatlo hindi ka pa bumababa ako lalabas at pag bubuksan kita ng pinto!! ISA!"
"HEPHEP!! Eto naaaaa! Bababa naaa!!" Dali dali ko naman binuksan yung pinto. Pagbubuksan pa niya ko ng pinto? Ede mas lalo akong papatayin ng mga babae dito.
Pag labas ko. Parang nakakita sila ng multo at hindi manlang sila gumagalaw at nakatingin lang sa akin.
"Hi." Sabi ko.
Bigla namang bumaba si papap sa kotse.. whuuuut?!
"Hoy Gasul!! Yung bag mo!" Sabi ni papap at binalibag sakin yung bag.
Lalong sumama yung tingin sa akin ng mga babae. Sinamaan ko ng tingin si papap tawagin ba naman ako gasul?! Siya naman tong ngiting ngiti na pumasok ng kotse.
Paalam pilipinas.
Nagulat ako ng may biglang humila sa akin.
"Kevin?!?"
Takbo lang kami ng takbo. Maya maya lang na realize ko na nasa room na pala kami.
"Sooooo.. Eto na pala si Ms. Tamayo. Bakit kayo late ni kevin?!" Tanong ni madam sa amin.
"Nakipag date yata siya kay kevin madam tapos nahuli sila ni patrick kaya ayan nagtatatakbo." Sabi ng isa kong kaklase. T___T
Lumapit naman sakin si madam.
"Ano ang relasyon niyo ni Patrick?" Waaaah. Wala kaming relasyon. Pati ba naman ikaw madam? 😭
"A-ahh a-ano.."
"Excuse me madam. Pero kung ano man ang relasyon nila I think it's none of our business at privacy na nila yun. Sorry we're late madam, continue your lesson."
O pak!
"Yes!! I agree!" Sabi ko.
Sinamaan naman ako ng tingin ni madam.
"Charot lang madam. Sorry po." Sabi ko at naupo nalang. Nag thumbs up nalang ako kay kevin at nag thumbs up naman siya pabalik.
Nakalipas ang maraming oras at nag uwian na kami..
Well to be honest hindi naging maganda nung nag break time lalo na absent si mae! 😭😭 Wala ko kasama. T___T
Syempre yung mga girls buong araw ko narinig yung mga words na..
Ang arte.
Kala mo naman maganda.
Ambisyosa.
Di sila bagay ni patrick.
Kadiri.
Ang kapal ng muka.
Landi.
Feeling rich kid.
Di na nga maganda at sexy ang arte pa.T________T
Pero syempre di ako nag papaapekto basta ang alam ko.. Crush ko si papap. Hohoho. ❤️❤️❤️❤️❤️