Chapter 1: Old messages

688 44 2
                                    

Abbie's POV

Hilu!! Ako si Abbigail Tamayo call me Abbie instead. Kung idedescribe ko ang sarili ko maliit, medyo chubby, medyo maputi, Hindi ako makinis ewan ko ba napamahal na ata yung mga bes ko sa mukha, tapos higit sa lahat hindi ako matalino.

I'm 16 years old. Grade 10

Mahirap lang ako nakatira lang kami ni nanay sa isang apartment! O dibaaaa sosyaaaal! Well bff ni nanay yung may ari ng apartment kaya libre na kame. At kaibigan ko rin yung anak ng bff ni nanay.

Wala na kong tatay iniwan niya kame ni nanay nung nasa tiyan pa ko ni mudra. Labandera lang si nanay sapat lang para sa pang araw araw namin kasi nag iisa lang naman akong anak ni nanay. Okay lang naman sanay naman akong nag iisa. Charot.

Nag aaral ako sa isang public school. Dun kami nag aaral ng kaibigan ko.

Mapagbigay ako, Simple lungs, Ayoko ng nag mamake up, Ayoko din ng nag dre-dress, Mapagmahal, Hindi din ako plastik actually sa buong buhay ko wala pa kong kaibigan na pin-lastik ako kasi siguro pinipili ko talaga.

Sabi sakin ng mga kaibigan ko kapag nakikita daw nila kong umiiyak naiiyak din daw sila, Ako daw kasi yung tipong parang kapag may nahulog na dahon tatawa agad ako.

Kapag umiiyak daw ako may something daw sa mata ko na nagpapaiyak sakanila. I wonder what's that.. Is that muta or something chuchu? 😂

Anywaaaay..

Andito ko ngayon kela Mae. Si Ella Mae Tayson kaibigan ko. Matangkad, labag man saaking kalooban siya ay sexy(pweh), Kaibigan ko siya since birth, mayaman sila, di lang halata kasi mas maputi ako sa kanya. Wahahaha!

Kagagaling lang namin ng school. Dumederetso ako kela mae after school kasi pagkatapos mag laba ni nanay dito niya ako sinusundo.

Nakiki-wifi lang ako dito eh. Wahahaha. Gawain ko yun, Don't me! 😂

"Maaaaaae!!"

"Anoooooo?!"

"Pa fb nga ako." Sabi ko. Binalibag naman niya yung ipad niya sakin. Yung kapiranggot ko namang puso muntik pang lumabas sa ilong ko dahil sa ginawa niya. Buti nasalo ko. Shoesko babaeng ere!

Binuksan ko yung messenger. "Andine pa pala yung dati kong account." Sabi ko kay mae.

"Ebe malay ko ikaw nga lang gumagamit ng ipad ko eh!" Sabi ni mae habang nag lalaro sa iphone niya.

Binuksan ko yung dati kong account. Buti nalang di na kailangan ng password.

"HAHAHAHAHA" Di ko napigilan yung tawa ko nung nakita ko yung old convo namin ni mae! 😂

"Bakit?" Tanong ni mae at tiningnan niya yung nakita ko.

"WAHAHAHA' Tawa ni mae. Ang topic lang naman namin ay Got to believe.

Ang convo lang naman namin ehh..

Mae: Bigel Got to believe na ba?
Me: Kanina pa bilisan mo aamin na si juaquin
Mae: Ano???!
Me: Oo magbibigay siya ng flowers bilis
Mae: Wait lang. Printscreen mo

"Hahahahaha! Prinscreen talaga?" Parehas na kaming mamamatay dito ni mae kakatawa.

Nag scroll pa ko habang si mae nag ce-cellphone na uli

"Patrick Andrei?" Bulong ko sa sarili ko. Tiningnan ko kung ano ba yung conversation namin.

Patrick: Pssst do you know me?
Me: Yes! Why?

"Yun na ang pinakawalang kwentang convo na nabasa ko sa buong buhay ko. -_-" Bulong ko sa sarili ko.

Tiningnan ko yung profile niya kasi yung profile niya baby, Siguro siya yun nung bata.

Tiningnan ko yung iba niyang pictures...

O_______O!! Si Papap!! kababata ko to ah!!❤️😍😱💞

"MAAAAAE!!" Sigaw ko.

"ANOOO??!" -Mae

"Tingnan moooo pogiiii!!" Sigaw ko at pinakita ko sakanya.

"Sino yan?" Tanong ni mae. "Yung walang kwenta kong ka chat!!"Sigaw ko habang hinahampas hampas ko siya. Hahaha.

"Hano?" Tanong niya. "Si papap!!!!" Sagot ko.

"Aaahh pogiiiii!! di ko kilala yan." -___- sarap kausap.

Si papap? Ka klase ko siya dati nung kinder.

Pag katapos kong kiligin ng 2 minutes 😂. Nag fb na ulit ako.

Habang busy na busy kami ni mae, dumating na si nanay.

"Uyy mars!" Sigaw ng mommy ni mae na si Tita Rosie.

"Uy. Wala ka bang pasok?" Tanong ni nanay kay tita. Sila nga kasi yung may ari ng apartment tapos nag tratrabaho din sila ni tito sa companya.

"Di lang ako pumasok mars kasi medyo masama pakiramdam ko kanina pero ngayon okay na me!" Sabi ni tita.

"Mars dito na kayo matulog huh? Di kasi makakauwi si Art. Dun nalang daw siya matutulog sa condo namin tutal malapit lang naman yun sa company." Sabi ni tita kay nanay. Si tito Art nga pala yung asawa ni Tita.

"Ahh osige mars ikaw pa malakas ka sakin!" Sabi naman ni nanay. Ganyan sila ka close ni tita. Sabi ni nanay parehas silang buntis nung nagkakilala sila.

Kaya since birth magkaibigan na kame ni mae.

"Maaae! Dine ko matutulog tabi tayo!! Akin lang ipad mo magdamag. Wahaha!" Sabi ko kay mae. 😂😂

"Kupu inang! Haha." Sabi ni mae. At pag katapos nun kumain na kaming apat at umakyat na kami.

Tulog na si mae pero ako di makatulog.

Kinuha ko yung ipad at inistalk ko si Patrick Andrei/Papap. Papap tawag ko sakanya nung bata kami! Naiinis ako sakanya nung bata kami kasi sinabi niya sa kuya niya na crush ko yung kuya niya. -__-

Bakit di ko manlang siya napansin nun?

Inistalk ko siya ng inistalk

Nakita kong may live sila ng kuya niya. Dahan dahan kong kinuha yung earphone ni mae sa tenga niya at pinanood ko ang live nila sa fb.

Habang pinapanood ko yung live nila ng kuya niya.. Nagbabasa ko ng comments

Kamuka daw siya ni JackFrost. Tiningnan ko siya uli..  Kamuka nga niyaaaaa! T___T He's so perfect!!!

His deep voice. I'm so dead. His smile. Nag eexist ba yung mga gantong klaseng tao?

Madaming nagkakagusto sa kanya na nag cocomment hindi siya snob. He's also humble. Top 1 din siya. Wow!!

Ewan nalang natin kung ano talaga yung ugali niya talaga.

Patrick Andrei Arseo.. If I'll describe him.. He's... He is.. He's so payat! Wahahaha! Charness. But seriously.. If I'll describe him..

He really looks like JackFrost

Butiki version! 😂❤️❤️❤️

Crush Kita Payat!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon