Patrick's POV
Nagising ako sa malakas na kalampag sa kabilang kwarto.
Ah. Training nga pala ngayon nila gasul.
If you're wondering kung ano yung training, Itra-training sila kung paano maging royal. Lalo na yang gasul na yan wala manlang class sa katawan
-___-
Bumangon na ko para tingnan kung ano yung nangyayari sa kabilang kwarto.
Binuksan ko yung pinto.
"Bespren nawawala yung favorite kong bra! Kinuha mo ba?"
O___O" 😳😳😳😳
"HINDE! Naliligo ako dito pano ko naman yun kukunin?" Rinig kong sigaw nung kaibigan niya mula sa cr.
"Pfft-"
Bigla namang siyang napatingin sa pintuan, narinig niya siguro yung pagpipigil ko ng tawa. HAHAHA. Nakatupis lang kasi siya ng twalya.
HAHAHAHA! Gasul talaga! 😂😂
"WAAAAH!" Sigaw niya at binato niya ko unan.
"HAHAHAHA! A-aray!"
"Umalis ka!!" Sigaw niya at pilit na sinasara ang pinto.
"Hoy ikaw 'tong di nag lolock ng pinto." Sabi ko.
"Alis!!" Sigaw niya.
"Wait may sasabihin ako." Sabi ko at tinigil naman niya yung pagsara ng pinto.
"Yun yata yung hinahanap mong bra." Sabi ko habang tinuturo ko yung bra na naka sabit sa may aircon. 😂
"Kaya pala wala nang binubuga yang aircon. Hahaha." Sabi ko. Namumula na yung muka niya sa sobrang inis. HAHAHA.
"AAARRRGGHH!" Sigaw niya at tuluyan nang sinara yung pinto.
Hahaha. Grabe naman siya sa crush niya. Damn. Bakit ang init?
Pumasok na ko sa kwarto ko at naligo para mawala yung init sa katawan ko.
Pagkatapos ko maligo nag bihis na ko. Wala na kong pakealam sa buhok ko, magtatagal pa kung aayusin ko.
<A/N: Picture ng uniform nila is.. Kung saanman nakalagay! Wahahaha!>
Bumaba na ako at nag breakfast tulog pa yung mga kapatid ko tyaka sila mom at dad kaya ako lang mag isa.
Natapos na akong kumain at lahat lahat hindi parin bumababa sila gasul.
Palabas na sana ko para ihanda yung kotse pero narinig kong bumukas yung pinto sa taas.
O__O
How come na.. A-ah t-that..
I've no idea that a maid's daughter can be this gorgeous.
Tyaka asan yung bilbil niya?
Bakit nagkaroon ng curve?
"Sir?" Napagtanto ko na nasa harapan ko na siya. Maka sir, kanina lang galit na galit. Hahaha.
"Tara na. Isara mo bibig ng kaibigan mo." Sabi ko. 😂