1: The Nerd

193 19 18
                                    

"Renz, anak. Gising na, 6:30 na may pasok ka pa."

Ano? Dali-dali akong bumangon tapos naligo at saka nagbihis. Pagkababa ko ng hagdan nakita ko naman si mama na nagluluto ng almusal.

"Ma! Bakit naman hindi niyo ako ginising nang maaga?"

"Ano'ng hindi ginising?  Ano ka ba naman anak, pangatlong beses na kaya kitang sinubukang gisingin. Ayaw mo pa ring magising e."

Uh... talaga?
Teka, Anong oras na ba? Hala, 6:45am na.

"Ma, kailangan ko nang umalis. Male-late na ako."

"Ha? Hindi ka ba muna kakain?"

"Hindi na Ma. Sa school na lang siguro ako kakain. Sige na Ma, aalis na ako. Bye!"

"Okay! Ingat ka anak. Bye!"

Umalis na ako ng bahay.
Well, malapit lang naman dito ang school na pinapasukan ko.
Walking distance lang naman actually. Kaya no need to commute. 

Kailangan ko nang magmadali. Male-late na talaga ako.

Nang makarating na ako sa school, lumakad na ako papuntang room. Habang naglalakad, naririnig ko naman ang mga bulong-bulongan ng iba. Tsk. Palagi naman.

"Here comes the nerd. Hahaha."

"Araw-araw, lalo s'yang nagiging mas baduy."

"Bookworm. Tch."

Araw-araw na lang palaging ganyan. Sa tuwing dadaan ako rito, palagi na lang nila ako pinagbubulungan. Nakaka-inis na minsan.

Binilisan ko na lang ang paglalakad ko para makaalis na kaagad.

Nang makarating na ako sa room, sakto namang may lumipad na papel na eroplano sa mukha ko.

"Oops! Nakaharang ka kasi sa pintuan eh, 'yan tuloy. Hahaha!"

Tss. Bwesit na Marco. Palagi na lang akong pinagtitripan.
Dumiretso na ako sa upuan ko. Hindi ko na pinansin ang mga kaklase ko. Ganyan naman sila, kapag napapahiya ako palagi nila akong pinagtatawanan.

Ganyan talaga kapag 'nerd', tampulan ng tukso.

Sakto namang dumating na si Mrs. Namtan, teacher namin sa Math.

Favorite ko pa naman ang Math kaso dahil sa nangyari kanina, nawalan na ako ng ganang makinig sa lecture.

By the way, ako si Renz Rocher. I'm 16 years old and a grade 10 student. I must say na medyo may pagkanerd ako. Wearing big polo with long pants, has big round eye glasses and a 'baduy' hair style. Hindi naman malabo ang mga mata ko pero nasanay lang talaga ako na magsuot ng salamin. At saka wala namang grado kaya ayos lang. Sabi ni mama, gwapo naman daw ako kung mag aayos lang nang konti. Pero kahit anong ayos ko, wala pa ring nangyayari. Ganto pa rin itsura ko. Isang baduy na nerd. Actually, hindi naman ako ganito na isang nerd noong grade 7 ako.
Normal pa ang itsura ko noon, I mean hindi pa baduy ang hair style ko pero nakasalamin na talaga ako noon. Nito lang naman ako naging ganito eh. Simula no'ng—

"Mr. Rocher!"

Ay, hala. Si Ma'am!

"Uh, yes Ma'am?"

"What is inscribe angle?"

Nako. Hindi pa naman ako nakinig sa lecture. Bahala na.

"Inscribe angle is the—"

*Krinngg~Krinngg*

Yes. Saved by the bell!

"Okay, that's all for today. Goodbye class."

"Goodbye Ma'am!"

At umalis na nga si Mrs. Namtan sa room. Sa wakas, makakakain na ako.

 He turns into a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon