2: First Met

114 18 22
                                    

Grabe ang haba naman ng pila rito sa canteen. Mabuti na lang naka-order na ako kaagad. Doon ako umupo sa may gilid. Favorite spot ko kasi 'yon eh.

Habang kumakain, naririnig ko namang nagsisigawan ang mga tao rito sa canteen.
Karamihan mga babaeng kinikilig. Dumating kasi ang sikat na loveteam dito.
Ang dami na ngang supporters ng mga 'yan eh at meron pang fansclub.

"Kyaah! Bagay talaga silaa!"

"Ang gwapo ni Kyle! Bagay na bagay talaga sila ni Heirshey! OMG!"

"Kailan kaya magiging sila!? I'm so excited! Waaahh!"

Ang iingay naman ng mga 'to. Hindi tuloy ako makakain nang maayos.
Makaalis na nga.

Heirshey's POV

Pagpasok namin ni Kyle sa canteen, naghihiyawan na ang mga estudyante. Kami raw kasi ang sikat na 'loveteam' kaya marami ang gustong maging kami ni Kyle. Hindi pa naman siya nanliligaw, so paano magiging kami 'di ba?
Pero MU naman na kami eh.

"Heirshey, ano'ng gusto mo? Ako na lang ang oorder."

"Burger na lang at saka orange juice. Thank you Kyle."

Oh 'di ba? Ang sweet na nga nya, ang gentle man pa.
Habang hinihintay ko si Kyle, nakita ko naman ang isang lalaking nakaupo sa may gilid. He looks like a nerd. Nakasuot kasi sya ng malaking salamin tapos medyo gulo-gulo pa ang buhok niya. Tapos bigla siyang tumayo at umalis ng canteen dala-dala ang pagkain n'ya.

Renz's POV

Nakakaasar naman ang mga kaingayan sa canteen. Kaya umalis na lang ako do'n. Sa bench na lang ako kakaing mag-isa para tahimik. Naglagay na rin ako ng headset sa tenga. Trip ko kasing magpatugtog kapag mag-isa. Nakakarelax kasi at saka para hindi na rin ako mabored.

(Now playing: Ngiti)

May naaalala nanaman ako sa kantang 'to eh.
Naaalala ko nanaman siya. It's been a year na nang marinig ko ulit ang kantang 'to. Ito kasi ang kantang nagpapaalala sa kanya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin s'ya nakakalimutan. 

After recess, pumunta na ako ng room. Bale, ikahuling subject na namin ngayon.

"Okay, class! Since malapit na ang foundation natin, nirerequired na may salihan kayong club!" Sabi ni Ma'am.

Foundation nanaman.
Last year, sa Math club ako sumali. Required kasi sa amin na sumali sa kahit anong club. At saka dagdag points din naman 'yon kaya ayos lang.

"Okay! So 'yon lang ang gusto kong sabihin.Wala ng klase kaya magsiuwian na kayo."

"YES!" Sabay-sabay namang nagsigawan ang mga kaklase ko. Tumayo pa ang iba sa ibabaw ng upuan habang pinapaikot-ikot ang kanilang panyo.

Wala naman pa lang ituturo si Ma'am, nag-announce lang. Mapapaaga pala ang uwi ko nito.

Habang naglalakad ako sa hallway, may nabunggo ako. Kaya nahulog tuloy ang mga libro ko. Medyo marami pa naman.

"Sorry." Sinabi ko na lang habang pinupulot ang mga libro kong nagkalat sa sahig.

"Ah, sorry di—" napatingin siya sa akin.

Si Heirshey pala 'tong nabunggo ko. May hinahalungkat kasi s'ya sa bag kaya hindi n'ya ako nakita kaagad.

Kinaway-kaway ko pa ang kamay ko sa harapan n'ya. Nakatutulala kasi sya eh.

"Heirshey? Ayos ka lang?" Tapos bigla naman s'yang natauhan.

"Y-yeah. Ah sorry ulit."
Tapos umalis na s'ya kaagad. Mukhang nagmamadali. Ano'ng nangyari doon?

Hay nako, ano ba'ng pake ko. Makauwi na nga lang.

 He turns into a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon