10: Tagaytay (The Road Trip) [Part One]

68 15 25
                                    


*kringg~kringg~*
*kringg~kringg~*

*Yawn*

Hay. Teka anong oras na ba? Tumingin ako sa alarm clock ko na kanina pa tumutunog.

3:30am

Tsk. Ang aga-aga pa. Sino ba'ng nagset ng alarm na 'yan? Panigurado si Mama.

Bumangon na lang ako sa higaan ko. Ayoko nang matulog, nagising na ako.
Hindi ko kasi ugali ang matulog ulit once na nagising na. Niligpit ko muna ang higaan ko at saka bumaba. Mag gagatas na lang ako. Tinatamad akong magluto.

Ano kayang ginawa ni Mama sa mga gamit ko? Hay bahala na.

Pagkaubos ko ng gatas, naligo na ako at nagbihis na ng damit. Kinuha ko na rin ang bag ko, na napakabigat.
Ano ba'ng nilagay dito ni Mama? Sabing konti lang ang dadalhin ko eh.

Nag-iwan na lang ako note sa ref namin. Hindi ko na nagawang mag paalam kila Dad at Mama. Ayoko naman silang istorbuhin sa pag tulog. Umalis na ako sa bahay at naglakad na papuntang school. Medyo madilim pa nga ang langit.
Sabagay 4:15am pa lang naman. Tulog pa ang mga tao sa oras na 'to.

Pagdating ko sa school, dumiretso na ako sa school grounds, doon daw kasi magkikita-kita ang lahat.

Natanaw ko kaagad ang dalawang van na sasakyan namin mamaya. Pero parang wala pa akong nakikitang mga kasamahan ko. Ibig sabihin ako ang kauna-unahang nandito?
Tsk. Baka isipin nila excited ako masyado.

May nakita akong room na nakabukas ang mga ilaw, parang may mga tao sa loob.
Baka nandoon sila.

Pinuntahan ko ang room at hindi nga ako nagkakamali. Hindi lang ako ang nandirito. Narito rin sila Direk, Mark, Gab at Arnold.

"Oh, Renz! Nandiyan ka na pala. " sabi ni Direk nang makita niya kaagad ako.

"Opo Direk." Umupo ako sa mga bakanteng upuan.

"Aba, 5 na tayo rito ah! Sino kaya ang pang-anim? Haha." Sabi ni Mark.

"Ang tagal naman ng iba! Mag-aala cinco na oh!" Naiinip na sabi ni Gab.

"Mag-aala cinco na? Teka, anong oras na ba?" Tanong ni Arnold kay Gab.

"Aba malay ko! Wala naman akong relo 'no! Ba't ako ang tinatanong mo!" Sabat ni Gab.

"Eh wala pa naman palang relo! Paano mo nasabi na mag-aala cinco na?" Sabat ni Arnold.

"I just know! Nararamdaman ko lang!" Sabi ni Gab.

"Ewan ko sayo! Ang gulo mo kausap! Eh ikaw Renz? Alam mo ba kung anong oras na?" Tapos lumingon sa akin si Arnold.

Tumingin muna ako sa relo ko bago siya sagutin.

"4:37am"

"4:37? Ang bagal naman ng oras! Nakakainip. " Sabi ni Arnold.

"Direk! Mauna na lang kaya tayo? Sumunod na lang ang iba!" Sabi ni Mark kay Direk

"Wag kang masyadong atat. Darating na rin sila" sabi ni Direk.

"Eh ang tagal eh! Basta Direk pagpatak ng 5 umalis na tayo! Bahala na ang maiiwan!" Sabi ni Mark.

Tsk. Masyadong excited 'tong si Mark makarating ng Tagaytay.

"Tumahimik ka nga dyan Mark. Ang ingay mo." Sabat ni Arnold.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Marian at si Brent.

"Nasaan ang iba?" Tanong ni Marian sa amin.

"Wala pa." sagot ni Gab

Tumango na lang si Marian habang binababa ang mga gamit niya.

"Oh good. Parami nang parami na tayo rito. Konti na lang ang hihintayin." Sabi ni Direk

 He turns into a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon