3: The Transferee

88 16 15
                                    

Heirshey's POV

Today is another day!
Habang papasok ako, naririnig ko nanaman ang mga estudyante.

Parang artista lang 'no?

Habang naglalakad ako sa hallway, naaalala ko nanaman ang nangyari kahapon.

*Flashback*

Naglalakad ako noon sa hallway. Balak kong itext sana si Kyle. Tatanungin ko siya kung anong club ba ang sasalihan niya, kaya hinanap ko ang phone ko sa bag.

Kaso hindi ko mahanap! Paano ko na ititext si Kyle ngayon?

*Tugsh*

Habang hinahanap ko ang phone ko sa bag, may nakabungguan pa ako.
Nakita ko pa ang mga libro n'yang nahulog sa sahig.

Gusto ko sana siyang tulungan, kaso hinahanap ko pa ang phone ko eh.
Ba't kasi hindi ko mahanap! Dito ko lang naman 'yon nilagay kanina!

"Sorry." sabi n'ya habang pinupulot ang mga libro.

"Ah, sorry di"
Sakto namang napatingin ako sa kanya.

Teka, siya ang lalaki sa canteen. 'Yong parang nerd. Iba pala ang mukha n'ya sa malapitan. Tapos ang mga mata niya color blue. Contact lenses kaya 'yon?

"Ah, Heirshey? Ayos ka lang?"

Gosh! Nakatulala pala ako sa kanya! Nakakahiya naman!

"Y-yeah. Ah sorry ulit."
Nagmadali na lang akong umalis. Nahihiya ako eh.
Hindi ko na tuloy naitext si Kyle!

*End of flashback*

Nasa tapat na pala ako ng room namin. Pagpasok ko, nakita ko kaagad si Kyle na nakaupo sa likuran. Yup! Magkaklase po kami ni Kyle.

"Good Morning Heirshey!" Maligayang bati ni Kyle.

"Good Morning din Kyle!"
Ang gwapo talaga ni Kyle.

Maya-maya pa ay pumasok na rin si Ma'am.

"Good Morning class! Today, we will have a new transferee student.
Please come inside and introduce yourself to them." At tinawag na ni Ma'am ang transferee student na malapit sa pintuan.

"Hello. I'm Dandelion Klein from Rux University. 16 years old. That would be all. Thank you."

So, babae pala ang transferee. Ang ganda ng pangalan n'ya, Dandelion, bagay sa kanya.  Sana maging kaibigan ko s'ya.

"Okay! So, since bago palang siya rito, dapat may mag asikaso sa kanya para naman maging familiar siya rito sa school. So, sino ang pwedeng mag asikaso sa kanya? Sino ang magiging in-charge?"

We raised our hands, mostly are men, but Kyle didn't raised his hand.

"Dapat responsible ang mag aasikaso sa kanya.
How about you Kyle? Is it okay na ikaw na lang ang mag asikaso kay Dandelion? Besides, ikaw rin ang nakakaalam masyado ng mga facilities dito. So, ano?"

President kasi ng Student Council si Kyle kaya siguro siya ang pinili ni Ma'am.

Hindi inaasahan ni Kyle na siya ang tatawagin ni mam.
Tumingin muna siya sa akin na para bang 'okay-lang-ba look'. Nginitian ko lang siya at tumango.

"Okay lang po Ma'am. " sabi ni Kyle na para bang nag aalangan pa siya sa pag sagot.

"Okay. Thank you Kyle." 

Hindi na nga nag taas ng kamay si Kyle, tapos siya pa'ng tinawag ni Ma'am.

Pero ayos lang sa 'kin.
Sino ba naman ako para pagbawalan siya 'di ba? I'm JUST his MU, not his girlfriend.

 He turns into a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon