Renz's POV
Balita ko may bagong transferee raw dito sa school. Grade 10 student din yata at saka babae.
Sino kaya 'yon?Hay, ano bang pake ko do'n eh hindi ko naman 'yon kilala.
Theater club pala ang sinalihan ko. Para naman kakaiba.
Habang naglalakad, nakita ko si Heirshey na kumakaing mag-isa sa bench.
Aba, himala yatang hindi niya kasama si Kyle? At saka ba't d'yan siya sa bench kumakain? Ba't hindi sa canteen? Teka, ba't ba ang dami kong tanong. Ano ba'ng pake ko.
Dumaan ako sa bulletin board para makita ko kung sino-sino ang mga sumali sa theater club. Marami-rami na rin palang sumali sa club.
Sumali rin pala sila Kyle at Heirshey.Sa isang araw na pala magsisimulang mag praktis ang mga members ng club.
Ano kaya magiging role ko?Hayaan na nga.
Umalis na ako sa bulletin board at naglakad na papuntang room.
Pagpasok ko sa room, inaasar nanaman ako ni Marco.
"Hoy! Baduy na nerd!" "Nerd na pangit! Haha!"
Ganyan naman palagi yan. Palaging kulang sa pansin. Tss.
Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na ako sa upuan ko.
Then, biglang pumasok si Ma'am sa room.
Parang may sasabihin nanaman yata."So, class! Siguro nabalitaan niyo na, na may bagong transferee rito sa school natin 'no? Oo meron nga. Isa rin siyang grade 10 at nasa section A siya."
"Ah, Ma'am! Lalaki po ba s'ya or babae?" Tanong ni Jilian. Isa sa mga kaklase ko.
"Well, babae siya at napakagandang bata."
"Ma'am? Ano po'ng pangalan niya?" Tanong naman ni Gab. Obviously, kaklase ko rin.
Tss. Ba't ba napaka interesado ng mga 'to doon sa transferee? Hindi pa nga yata nila nakikilala 'yon eh.
Ang boring naman."If I'm not mistaken sa pagkakatanda ko, Klein ang apelyido niya. Nakalimutan ko na ang first name niya eh."
Teka, Klein?
Hindi kaya si..."Ah, Ma'am!"
"Oh, bakit Renz? May sasabihin ka ba?"
"Hindi niyo po ba talaga natatandaan ang first name ng transferee?"
"Hmm. Hindi eh. Basta Klein lang ang natatandaan ko. Ba't mo pala naitanong? Kilala mo ba siya?"
"Hindi po Ma'am. Na-curious lang ako sa first name niya. "
Hindi kaya siya 'yon?
Kailangan kong makita ang transferee para makasiguro ako.Pagkatapos ng klase, dumiretso ako sa room ng section A. Gusto ko lang malaman kung tama ba ang hinala ko. Matiyaga akong naghintay sa labas.
Maya-maya, naglabasan na rin ang mga estudyante.
Hindi ko naman siya nakikita rito. Siguro ibang Klein ang tinutukoy ni Ma'am. Masyado lang siguro akong nag-assume.Papaalis na sana ako nang may narinig akong familiar na boses habang tumatawa.
Wait, I know that voice.
Lumingon ako kung saan nang gagaling ang boses.
At tama nga ako. Siya 'yon.
Nakita ko siyang tumatawa habang kausap si Kyle.Hindi ako pwedeng magkamali.
It's her.
Si Dandelion.
***
Umuwi na ako ng bahay pagkatapos non. Naabutan ko si mama na nanunuod ng TV.
"Ma."
"Oh, Renz? Nandiyan ka na pala! Kamusta ang school?"
Pinuntahan ko si mama sa sofa at umupo sa tabi nya.
"Fine... I guess?"
"Oh, bakit? May problema ba?"
"Well, I saw Dandelion earlier in our school. "
"Ha? You mean, si Dandy? Your ex-girlfriend? Paano mo siya nakita sa school niyo?"
"Yes, it's Dandy. Nagtransfer kasi siya sa school namin.
I don't know why she transferred. Ayoko namang isipin na nagtransfer s'ya nang dahil sa 'kin 'di ba?
Pero gano'n pa rin siya.
Maganda, masayahin at mabait. Hindi pa rin siya nagbabago. She's still the same girl she used to be.""Ikaw kamusta naman? Kamusta puso mo? Nakapag move-on ka na ba?"
"Of course, I already moved on. Ang tagal na noon.
Pero bakit gano'n Ma? Nang makita ko ulit siya, ba't may kirot pa rin akong naramdaman? Akala ko, naka move-on na talaga ako.
Pero bakit nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon? Parang bumalik lahat ng sakit. Kahit na ang tagal na ng nangyari, hindi ko pa rin magawang kalimutan siya.
Isip lang ang nakakalimot pero ang puso, hindi. At 'yon ang masakit.""Magpakatatag ka anak. Alam ko masakit 'yang pinagdaraanan mo pero kayanin mo. 'Di ba sabi nga, time heals the wound? Kailangan mo lang ng sapat na panahon para maghilom ang mga sugat mo. 'Wag kang magmadali anak.
Kasi d'yan sa pagmamadali tayo sumasablay.
Kaya mo 'yan 'nak! Malalagpasan mo rin 'yan. Ikaw pa! Mana ka yata sa 'kin e!"Mabuti na lang at nandiyan si Mama para damayan at pasayahin ako.
Sana kayanin ko 'to.
BINABASA MO ANG
He turns into a Prince
Short StoryIs friendship really matters? Is friendship really worth the risk? What if your so-called "friendship" suddenly destroyed? [EDITING]