Pagpasok ko sa gate ng school, naririnig ko naman ang mga usap-usapan ng mga estudyante rito."Bes! Nakita mo na ba 'yong transferee?"
"Oo bes! Ang ganda n'ya nga eh!"
"Chix pare! Ang ganda niya!"
"Oo Tol! Tapos ang sexy pa! Grabee! "
Halata namang si Dandelion ang pinag-uusapan nila.
Nalaman ko rin pala na si Kyle ang nag-aasikaso kay Dandelion. Siya kasi ang President ng Student Council. Dapat talaga na siya ang mag asikaso. Kaya rin siguro palagi nang mag-isa si Heirshey. Hindi na siya nasasamahan ni Kyle.
Heirshey's POV
Mag-isa nanaman akong kumakain dito sa bench.
Ayaw ko na sa canteen. Ma o-op lang ako do'n. At saka hindi ko naman kasama si Kyle kaya 'wag na lang.
I miss Kyle. Simula nang sinamahan niya si Dandelion, nawalan na siya ng oras para sa'kin.Habang kumakain ako rito sa bench, natanaw ko naman sila Kyle at Dandelion sa field. Nagtatawanan habang nag-uusap. Muhkang masayang- masaya silang dalawa.
Gan'yan din kami ni Kyle eh. Nagtatawan habang nag-uusap. Noon, kami ang masaya kapag magkasama.
Pero ngayon, sila naman.Habang naglalakad silang dalawa, nabunggo nila 'yong lalaking muhkang nerd.
I don't know his name but I find him cute.Renz's POV
Naglalakad ako sa field nang may nakabanggaan ako.
Tsk. Ba't ba lagi na lang akong may nakakabanggaan?
"Sorry." Sabi ko sabay tingin sa mga nakabanggaan ko.
Teka, si Dandelion!
Sila Dandelion at Kyle pala ang nakabanggaan ko.Bakas sa mukha ni Dandelion ang pagkagulat.
S'yempre sino ba naman ang hindi magugulat 'di ba? Ako nga nagulat din e."Renz?" Nagtatakang tanong ni Dandelion.
"Ako nga."
"Magkakilala kayo?" Tanong ni Kyle.
"Ah, oo Kyle. Magkakilala kami. Actually, matagal na kaming magkakilala." Sabi ni Dandelion habang nakatingin sa 'kin.
"Sige, alis na ako."
Naglakad na ako papalayo pero tinawag ulit ako ni Dandelion."Teka, Renz."
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Bakit? May sasabihin ka pa?"
"Ah, masaya akong makita kang muli..."
"Ako rin, nice to see you too. I'll go ahead."
Tumalikod na ulit ako at lumakad papalayo sa kanilang dalawa.
Heirshey's POV
Pagkatapos ng klase, pinuntahan ko si nerd sa room nila. May gusto kasi akong tanungin sa kanya.
Maya-maya, nakita ko na siyang lumabas na ng pinto.
"Psst!"
"Pssssttt!!"Ay, bingi yata 'to eh! Hindi ako pinapansin!
"Hoy!"
Then, lumingon naman siya sa 'kin at lumapit.
"Ako ba ang tinatawag mo?"
"Oo, wala ng iba!"
"Hindi ko naman naririnig pangalan ko."
"Hindi ko naman alam ang pangalan mo 'no! So, paano kita tatawagin!? Sinisitsitan na nga kita, hindi ka pa rin lumilingon!"
BINABASA MO ANG
He turns into a Prince
Short StoryIs friendship really matters? Is friendship really worth the risk? What if your so-called "friendship" suddenly destroyed? [EDITING]