10: Tagaytay (The Unexpected) [Part Two]

70 10 27
                                    


Umalis na ako sa tindahan ni Manang at bumalik na sa loob ng van.

Nakita ko Renz na kumakain lang ng sandwhich habang nakatingin sa bintana.
Umupo lang ako sa tabi niya at tahimik na kinain ang noodles ko.

Paghigop ko sa sabaw, napaso ang dila ko! Gosh! Ang init ng sabaw! Huhuhu!
Pati ba naman noodle, sinasaktan ako! Ayan! Namanhid tuloy dila ko!
Sabagay... Lahat naman ng nasasaktan, nagiging manhid. Gosh. Ang drama ko! Ayaw ko na haha.

Nagsakayan na ang lahat sa van at umalis na ulit kami.

Kanina pa ako ni Renz hindi kinikibo. Tapos parang nagsusungit nanaman.
Kahapon, ako ang masungit tapos ngayon siya naman!

Kaya lang naman ako masungit kahapon kasi nga, Red Alert! Meron ako noon tapos sumasakit pa puson ko. Kaya ayon, nasusungitan ko tuloy si Renz na walang malay! Naguguilty nga ako eh. Balak ko sanang mag sorry sa kanya pero dahil sinungitan niya ako ngayon, wag na lang! Quits na kami!

~few minutes later~

Hay! Ang boring naman! Nakalimutan ko tuloy dalhin ang headset ko! Kakamadali kasi eh!

Buti pa si Renz, relax lang habang nakaheadset.

*ting!*

(A/N: sound effects po yan yung parang may bumbilyang biglang sumusulpot sa ulo Hehe. Sorna. )

Ay! Alam ko na! Makikishare na lang ako kay Renz sa headset! What a wonderful idea!

Kinulbit ko siya sa braso at lumingon naman siya sa akin.

"Ano'ng kailangan mo?"

"Pa share naman sa headset pleaseee! *puppy eyes* "

"Ayoko nga." sabay talikod nya sa akin.

Nakakainis naman si Renz! Ang damot-damot!

"Hoy! " kinulbit kulbit ko pa siya pero walang effect pa rin jusko.

"Ayoko." sabi niya nang nakatalikod pa rin.

"Renz naman eh! Parang headset lang!"  Aba, walang pakialam sa akin! Dinedma ang beauty ko!

"Renz dali naaa! "

"Tumigil ka nga. Kulit mo."

Ano ba 'yan!

Lumapit ako sa tenga niya at tinanggal ang headset niya tapos sigawan ko siya.

"RENZ!" Haha! Mabingi ka sana!

Nasa may bandang tenga niya pa rin ako nang mabilis siyang lumingon sa akin.

"What the he—"

*TSUP*

1.

2..

3...

Loadinggg...Loadinggg...

*dug~dug dug~dug*

WAAAHHHH!!

Nilayo ko kaagad ang
muhka ko kay Renz.

GOSH!? DID... DID WE... DID WE REALLY KISS EACH OTHER!? PARA KASING NARAMDAMAN KO EH! THAT MEANS—
WAAAHHHH! 'YONG FIRST KISS KO! WALA NA! HUHUHU! GOOSHH!!
BWESIT KA RENZ!

*Click* *Flash*

"SAVED!" Nakita ko na lang si Joy na may hawak-hawak ng camera.

"WOAH! HANEEPP! SAPUL NA SAPUL! HAHAHAHAHAHAHA!" mapang-asar na sabi ni Arnold.

 He turns into a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon