7: The Play [Part One]

81 14 30
                                    

*knock*
*knock*
*knock*

Aish! Ba't kasi nilock ni Mama 'yong pinto! 'Di tuloy ako makapasok.

Uh, wait. May spare keys pala ako! Nakalimutan ko. Tsk.

*Face palm*

Bakit ang tahimik ng bahay. Kadalasan nanunuod si mama ng TV ah. Speaking of, nasaan kaya siya. Baka nasa kusina lang. Pumunta ako sa kusina para icheck si Mama. At hindi nga ako nagkakamali, nandoon siya.

"Ma!" Humarap naman si Mama sakin habang may hawak na sandok. Ba't gulat na gulat ang muhka n'ya?

"Uh, Ma? Ano'ng nangyari sa'yo?"

"WAAH! SINOO KAAA!? MAGNANAKAW KA 'NO!?MAGNANAKAW! TULONG MGA KAPIT BAHAAAYYY! WAAAHHH! RAPIST! RAPIISSTTTT!!!"

Magnanakaw? Rapist? Ako ba ang tinutukoy ni Mama?

"Nasaan ang magnanakaw?"

"IKAW! 'DI BA MAGNANAKAW KA!? KAYA KA NGA NAG-AKYAT BAHAY EH!"

Jusko, ano ba 'to.

"Ma, nasobrahan nanaman siguro kayo sa katol. Ano ba'ng natira niyo? Ang OA niyo ha."

"WAAHH! MAY ADIK!TULOOONNGG!!!"

Baka siya kamo ang adik. Lakas ng trip nito ni mama. Mga babae talaga.

Nakita ko naman siyang may dinampot na vase. Uh-oh. Parang alam ko na ang gagawin ni Mama.

"LUMAYAS KA! MAGNANAKAW!"

*Bogsh*

What the—

Muntikan na akong matamaan doon ah! Ano ba 'tong si Mama!

Hindi pa nakuntento si Mama at dumampot pa ng pinggan.

*Tugsh*

Kailangan ko nang makaalis dito bago pa ako magkapasa-pasa. Tumatakbo ako papuntang sala habang may bitbit na walis tambo si Mama. Naku, ayokong mahuli. Hahampasin ako n'yan ni Mama panigurado.

"Ma? Ano ba'ng nangyayari sayo!"

"MAGNANAKAW KA!WAAAH!"

Mistulang nagpapatintero kami ni Mama sa sala.
Ayaw talagang paawat ni Mama.

"WAAAHH! SINO KA!?"

"Ma! Ano ba? Ako 'to si Renz! You're over reacting again."

Mabuti na lang at natauhan si Mama kaya medyo kumalma na.

"Ha? Renz? Ikaw si Renz na anak ko? Hindi ako naniniwala! Ako pa talagang niloko mo ha! Scammer ka 'no!"

"Hindi kita niloloko, ako talaga ito. Ang kulit mo naman Mama."

"Kung ikaw si Renz, ba't ang gwapo mo? Hindi naman gwapo ang anak ko eh! Pangit 'yon! Kaya imposible na maging ikaw 'yon!"

"Grabe ka naman manlait Ma, harap-harapan talaga ha. Hindi naman ako pangit ah. Tss. Bakit, hindi ba ako pwede magbago ng itsura?"

Gulat na gulat naman si Mama. Nanlaki pa ang mata, halatang hindi makapaniwala.

"Hala! Renz, ikaw nga! OMYGAD! Paano ka naging ganiyan kagwapo? Nagpaplastic surgery ka 'no? May ininom ka ba'ng pills?" She grabbed my face and pinch my cheeks.

Napahawak ako sa pisngi ko, ang sakit mangurot ni Mama. Mamamaga ito mamaya for sure. Ang hirap talaga kapag may nanay kang OA at may pagka-isip bata. Hay nako.

 He turns into a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon