Heirshey's POVNag-aayos ako ng gamit ko rito sa kwarto namin nang bigla akong tawagin ni Dandelion.
"Heirshey!"
"Bakit 'yon Dandelion?"
"Wala naman. Buti na lang at ikaw ang naging ka-roommate ko. Akala ko talaga si Joy na eh. Haha. Ikaw lang kasi ang kaclose ko sa babae dito eh."
"Oo nga. Akala ko nga rin si Marian na ang magiging roommate ko. Buti na lang at tayo ang naging magka room mate."
"Nakaka-excite naman 'tong trip natin! Sana maging maganda ang kalabasan ng trip na 'to 'no?"
"Oo nga eh. Feeling ko magiging maganda ang kakalabasan ng trip na 'to."
"Sana nga!"
Tapos na kaming mag-ayos ng mga gamit namin. Lumabas na kami ni Dandelion sa room at pumunta na ulit sa lobby. Sabi kasi ni Direk, bumalik daw kami sa lobby pagkaayos ng mga gamit namin.
"Ano? Kompleto na ba kayo?" Tanong ni Direk
"Teka Direk! Wala pa po sila Marian at Joy!" Sagot ni Gab
"Ha? Oh, nasaan na ang dalawang 'yon? Palagi na lang ba tayong maghahanapan dito?"
Maya-maya pa ay may narinig kaming sumisigaw. Natanaw naming lahat na tumatakbo sila Marian at Joy papunta rito sa lobby.
"Direk! Hintayin niyo kami!" Sigaw ni Joy
"Hoy! Joy! Sandali lang! Wag mo akong iwan dito!" Sigaw ni Marian.
"Bilisan mo Marian! Hinihintay na tayo nila Direk!"
"Nakakapagod kayang tumakbo!"
Hingal na hingal naman silang nakarating dito sa lobby. Nasa dulo pa kasi ng hallway ang room nila, kaya nag-eecho ang mga boses nila.
"Oh? Ba't ngayon lang kayo?" Mataray na sabi ni Direk habang nakataas pa ang isang kilay nito.
"Eh kasi Direk, si Marian po natulog sa kwarto! Tapos ayaw pang magising! Kaya na-late tuloy kami!" Pagpapaliwanag ni Joy.
"Napagod ako sa byahe eh! Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako." sabi ni Marian.
"Hep! Tama na ang daldalan! Alam niyo naman siguro kung bakit tayo nandirito 'di ba?" Tanong ni Direk
"Para mag relax?" Painosenteng tanong ni Mark
"Para mag swimming?" Painosente ring tanong ni Arnold
"Aish! Hindi! Ano ba kayo? Ang bilis ninyong makalimot! We're here to enhance your skills in acting, remember?!" naaasar na sagot ni Direk
"AAAHH..." They both said in chorus.
Parang mga bata lang kung sumagot eh.
"Ang magaling na aktor, kayang kontrolin ang kanyang emosyon. Kaya niyang gampanan kahit anong role, mapakontrabida pa 'yan o bida. Isipin niyo na lang na isa itong training. Syempre kapag training, may mga pagsubok 'yun na kailangan niyong malampasan mapapisikal man o emosyonal.
Pero hindi naman puspusan ang training natin dito. Nakaka stress naman kapag gano'n 'di ba? Kaya may activities din tayong gagawin. At syempre, sayang naman ang ganda ng beach kung hindi natin ito ma-e-enjoy 'di ba? Kaya kapag may free time tayo, maliligo tayong lahat sa dagat." Sabi ni Direk"YEHEY! WOOH!!" naghiyawan kaming lahat dahil sa announcement ni Direk
Nakakaexcite naman si Direk! Sulit na sulit talaga ang pagsama ko sa trip na 'to! I'm pretty sure mag-e-enjoy kaming lahat dito! Ang saya!
BINABASA MO ANG
He turns into a Prince
Short StoryIs friendship really matters? Is friendship really worth the risk? What if your so-called "friendship" suddenly destroyed? [EDITING]