8: Strange

80 15 26
                                    

Renz's POV

Alam niyo naman na siya ang tinutukoy ko 'di ba? Lahat ng sinabi ko totoo.
Gusto ko talaga siyang bawiin kay Kyle. Kahit na hindi pa nagiging sila, babawiin ko pa rin siya.

Ewan ko ba kay Direk, ang galing din pumili ng gaganap eh.

Pagkatapos ng practice, pumunta kami ni Heirshey sa canteen. Medyo nagugutom na rin ako.

"Renz! Anong oras na ba?"

"12:30"

"Ano!? Ang bilis naman ng oras!"

"Ano'ng order mo? Ako na lang ang bibili."

"I-order mo ako ng isang orange juice, isang hamburger, dalawang tuna sandwich, isang macaroni spaghetti at saka tatlong barbecue! Pakisawsaw na rin sa maanghang na sauce ha? Okay 'yon lang."

"Hindi ka naman siguro masyadong gutom 'no?"

"Hindi naman. Gutom na gutom lang! Hindi kaya ako nakapag almusal! Dali na! Bumili ka na ng pagkain natin! Gutom na ako!"

Guto na nga, ang hyper pa rin.

"Fine."

Umalis na ako sa table namin at pumunta na ng counter para umorder.

"Ate."

"Ano'ng sa iyo?"

"Pa-order nga po."

Sinabi ko lahat ng order ni Heirshey at saka ng sa akin na rin. Habang sinasabi ko ang order namin, napansin ko si ate na titig na titig sa akin. Hindi ako nag-a-assume. Paano ko nasabi?
Kasi naman ako lang ang kaharap niya besides, wala ng tao sa likuran ko. Edi ako nga ang tinitingnan ni ate.
May kakaiba sa tingin nya .
Tsk. Hayaan na nga.

Nilagay na ni ate sa tray ang mga pagkaing inorder ko. Halos hindi na nga magkasiya. Siguro 3/4 ng tray, puro pagkain ni Heirshey.

"Ito na po ang order niyo."

Pangiti-ngiti pa si ate habang inaabot sa akin 'yong tray. Halata namang nagpapacute pa. Samantalang noon kapag bumibili ako rito, palagi akong sinusungitan at iniirapan pa. Tapos ngayon ngingitian na n'ya ako? Tsk. Muhka niya -__-

Binigay ko na ang ko bayad at umalis na rin kaagad.

"Oh. Kunin mo na ang lahat ng pagkain mo d'yan."

"Ba't badtrip ka? Alam mo ba? Kanina pa tingin nang tingin sayo 'yong babae doon sa counter! Parang crush ka yata ni ate! Ayiee." Siniko pa niya ako sa tagiliran ko.

"Just eat."

Dalawang slice lang ng carrot cake ang binili ko. Ayos na sa akin 'yon.

~10 minutes later~

Tsk. Hanggang ngayon hindi pa rin tapos sa paglamon si Heirshey. Grabe naman 'to kung kumain. Parang may alagang bayawak sa tiyan.
Hay nako, kanina pa ako tapos kumain pero siya hindi pa nangangalahati.

"Ang bagal mo."

"Shindhi khayah!"

"Don't talk when your mouth is full. "

Nilunok niya muna ang lahat ng pagkaing nasa bibig niya.

"Kinakausap mo ko eh, syempre sasagot naman ako! 'Wag mo muna akong daldalin pwede? Hindi ako makapagconcentrate sa pagkain nang dahil sayo e."

"Tsk. Sa bahay niyo na 'yan ubusin. Umuwi na tayo!"

"Ano 'to, take out gano'n? Sa restaurant lang may gano'n! Dito wala! Wala!"

 He turns into a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon