6: The Make Over

79 14 34
                                    

Renz's POV

Nandito kami ni Heirshey sa Mall.
Bibilhan daw niya ako ng mga damit.

"Tsk. Heirshey, hindi naman kailangan na bilhan mo pa ako ng bagong damit."

"Hay nako Renz! Kailangan! Ang papangit kaya ng taste mo sa damit! Napakabaduy mo kasi manamit! Paano mo mababawi si Dandelion kay Kyle kung ganyan ang itsura mo? Buhok pa nga lang, talong talo ka na. Kaya manahimik ka dyan!"

Ba't ba palaging nakasigaw ang babaeng 'to? Parang nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses.

"Sakit mo magsalita ha? Hindi naman pangit ang taste ko ah. Old fashion lang 'to."

"I'm just stating the fact here. Besides, dapat trabahuhin na natin 'yang itsura mo. Because from now on, ikaw na ang bagong Renz."

"Bakit, mukha ba akong building para i-construction -__-?"

"Yes."

"Wala namang mali sa itsura ko ah?"

"Walang mali? Hellooo? Na-try mo na bang manalamin? Hindi mo ba nakikita 'yang itsura mo? Para kang sinaunang tao. Ay mali, hindi ka pala mukhang tao."

"Haist! Bilisan na nga lang natin 'to. Napapagod na ako."

"Paano ka mapapagod? Hindi pa nga tayo nakakapag simula! Tara na! At sisimulan na natin ang 'Oplan: Make Over For Renz The Nerd' Let's go!"

Hyper talaga nito kahit kailan. Mabibingi ang kung sino man ang kasama nito eh.

"Fine."

Nagsimula na kaming maglibot sa Mall. Nakakapagod naman 'tong kasama si Heirshey.
Bawat shop na makita niya, papasukan. Tapos paglabas, napakaraming shopping bags na ang dala-dala.
Tapos ako pa'ng ginawang taga-bitbit ng pinamili niya. Body guard ba ako para pagbitbitin ng mga 'to. Kakaiba talaga 'tong babaeng 'to.

"Heirshey? Hindi pa ba tayo tapos? Ang dami na nating pinamili ah?"

"Hindi pa Renz! Kulang pa 'yan. Magsusukat pa tayo ng damit mo. Ayon! Tara dali! Finally, nakita ko na rin sa wakas!"

"Pero pagod na ako!"

"No buts!"

Hinila niya ako papasok sa isang Men's Wear.

Kumuha kaagad siya ng napakaraming damit at itinambak sa harapan ko.

"Oh, ayan! Isukat mo ang lahat ng 'yan. Para makita natin kung ano-ano ang babagay sayo."

"Seryoso ka? Susukatin ko talaga lahat 'yan? Baka nga magsara na lang 'tong Mall, hindi ko pa naisusukat lahat 'yan."

"Daming reklamo! Dali na! Sukatin mo na lahat yan. Go!"

"Kulit."

Pumasok na ako sa dressing room dala lahat ng damit na kinuha nya. Chineck ko muna ang mga damit bago sukatin.

Hindi na rin masama.
May polo, long sleeves, t-shirt, sweater at ano 'to? Leather jacket? Ano ako, action star? Tsk.

Sinukat ko na ang ibang damit tapos lumabas sa dressing room. Tiningnan naman ako Heirshey.

"Parang walang dating.
Sukat ka pa ng iba."

"Ang pangit! Next!"

"Ay, lalo kang naging sinaunang tao d'yan! Next!"

Tsk. Nakakapagod ha! Pang-anim na beses ko na 'tong sukat. Kapag ito hindi pa nagustuhan ni Heirshey, uuwi na talaga ako.

Sinuot ko 'yong long sleeves.
Kulay puti siya na may drawing na apoy sa gitna tapos ang sleeves naman ay kulay itim with white stripes. Tinupi ko ang sleeves hanggang sa siko ko.  Ayan, ayos na. Sana naman pang huli na 'to. Lumabas na ulit ako sa dressing room.

 He turns into a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon