12: Thoughts

56 11 1
                                    


Pangalawang araw na namin 'to sa resort. Marami-rami na rin kaming nagawang activities at lahat iyon nakakapagod.

Ang hirap palang umarte.
Kung alam ko lang na ganito kahirap, e 'di sana nagtyaga na lang ako sa Science club.

Puro pa-activity si Direk! Walang kasawaan! Sa tingin ko nga paos na ako kasasalita. Tapos ang kokorny pa ng ibang mga scene. Mga nagliligawan, nagbibigayan ng bulaklak, o 'di kaya nagkatinginan tapos nagkagustuhan sa isa't isa. So very cliché.

Wala na bang iba? Wala bang patayan o 'di kaya ng mga suntukan na eksena? Para naman nakaka-excite. Paulit-ulit na lang kasi. Tss.

Tapos kanina pinipilit pa ni Direk na gawin namin ni Joy 'yung kissing scene. Kasama raw sa script 'yon.

"Do it now! Kailangan 'yan sa scene! Dahil 'yang kiss na 'yan ang magiging highlight for the whole story!"

Syempre hindi ako pumayag! I don't care if it's needed to the story. Bahala d'yan si Direk. Tsk. Kumuha na lang siya ng ibang papalit sa role ko.

Ba't kasi ako pa ang napiling gaganap na bida! Mas gugustuhin ko pang maging isang puno sa gilid. At least nakatayo lang ako, no need to act. 

Heirshey's POV

Hindi ko alam na ito na pala ang official practice namin para sa play. Akala ko isa lang itong simpleng trip, pero mali pala ako.

At ang mas nakakagulat pa, kung sino-sino raw ang sumama sa trip na 'to, sila na ang official na gaganap para sa theater play namin.

Tapos ako pa ang gaganap na kontrabida! Ang hirap kaya ng role ko! Hindi ko yata kakayaning maging kontrabida!

Hindi naman ako mukhang kontrabida e! Hindi nga ako mataray! Dapat si Joy na lang ang naging kontrabida, tutal bagay naman sa kanya 'yun. Muhkang mataray 'yon e,  pero mabait naman.

Ako'y naiistress sa role na 'to jusko! Kasi kapag hindi ko nagawang umarte ng maayos bilang kontrabida, papangit ang daloy ng story, in short masisira ko 'yong play!

Dahil sa kontrabida, gumaganda ang story, dahil sa kontrabida, nagiging bida ang bida! Gets niyo?

Hindi pa naman ako magaling umarte! Sana sa props na lang ako na-assign!
Tapos Third party pa ang role ko! Ako ang magiging third party kila Renz at Joy!

Speaking of Renz, nakakatawa siyang panuorin kanina. Pinipilit niyang umarte bilang matikas at masayahing prinsipe pero failed! Haha! Kahit anong gawin niya, poker face lang palagi ang muhka niya. Para na tuloy siyang prinsipeng nakabusangot ang mukha! Hahaha!

Tapos kanina, dapat may kissing scene na magaganap, pero hindi pumayag si Renz.
Pinipilit sila ni Direk na gawin 'yon pero ayaw talaga ni Renz.

Ang sabi pa niya, kumuha na lang daw ng papalit sa role niya. Pero ito namang si Direk, hindi pumayag. Si Renz daw kasi ang pinaka bagay na gumanap sa role na 'yon.

Ano kayang nakita ni Direk kay Renz? I mean, hindi naman babagay kay Renz 'yong role na 'yon 'no.
Malabo na talaga ang mata ni Direk! Kung sino-sino na lang ang ina-assign niyang gumanap. Taliwas sa character ang sarili e.

Mas bagay pa kung si Kyle na lang ang gaganap.
At least natural na ang kasiyahan ni Kyle, hindi na kailangang i-acting pa. Hindi ko talaga maintindihan 'yan si Direk. Kung ano-anong pinag gagagawa sa amin e.

Dandelion's POV

Hanggang ngayon, tumatakbo pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Renz kagabi.

"Alam ko may konti pa rin dito sa puso ko, mga konting pag-asa. Pero papakawalan ko na ito lahat. Kasi sa sobrang kapit ko, hindi ko namamalayan na nahihirapan na pala ako. So stupid isn't it? "

Hanggang ngayon, umaasa pa rin pala siya. Hanggang ngayon, umaasa pa rin siya na muli akong makakabalik sa piling niya. Pero hindi na kami babalik sa dati. Dahil magkaiba na ngayon. Siguro tama na rin ang ginawa ni Renz, na i-let go na niya ang feelings niya sa akin. Dahil mahihirapan lang siya. Nakakalungkot lang na hindi kami tumagal hanggang dulo. Siguro hindi kami ang para sa isa't isa.

Pinagtagpo lang kaming dalawa, pero hindi kami ang itinadhana para sa isa't isa.

Lahat naman ng taong dumadaan sa buhay natin, may iniiwang leksyon. Kaya minsan natututo tayo sa isang tao. Minsan sa kanila tayo natututo kung paano maging isang mabuting tao.

I am happy because once in my life, a Renz Rocher came.

 He turns into a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon