Nagsimula na akong umarte bilang mataray na amo."Ikaw na hampas lupa ka! 'Yan na nga lang ang trabaho mo hindi mo pa magawa nang maayos! Napakatanga mo naman!Saang lupalop ka ba nang galing at paglilinis lang ng bahay, hindi mo pa magawa! Dahil d'yan sa katangahan mo, nabasag mo tuloy ang vase! 'Di mo ba alam na antique 'yan? Mas mahal pa 'yan sa buhay mo! Napaka walang kwenta mo talaga! Paano mo mababayaran 'yan ha!? Kahit buong buhay ka pa magtrabaho, hinding hindi mo 'yan mababayaran! Hindi mo inaayos 'yang trabaho mo! Walang silbi!"
Parang napasobra yata ang linya ko ah. Masyado yata akong naging mataray.
Nagsimula nang umiyak si Dandelion."Madame, maawa po kayo sa akin. Hindi ko naman po ginustong mabasag ang vase. Hindi ko po sinasadya. Aksidente lang po ang lahat. Patawad po Madame. Hindi ko po talaga sinasadya."
Lumuhod siya sa harapan ko habang umiiyak nang malakas.
"Aksidente?! Walang magagawa 'yang pasensya mo! Napaka walang silbi mo talagang katulong! Hindi ka nag-iingat!"
"Madame, patawad—"
"Ito ang bagay sayo!"
*PAK!*
"And, cut! Very good! Napakahusay!" sabi ni Direk habang nakatayo't pumapalakpak pa.
Lumapit ako kay Dandelion para humingi ng sorry. Hinawakan ko siya sa kamay.
"Dandelion, sorry ah. Napalakas ang sampal ko sayo."
Nakita kong nagmarka pa ang palad ko sa kanang pisngi niya. Medyo namumula pa ito.
"Ano ka ba Heirshey. Hindi mo na kailangang humingi ng sorry. Part naman 'yon ng play. At saka alam ko na nadala ka lang sa eksena kaya napalakas ang sampal mo. Hanga nga ako sayo, ang galing mong umarte."
"So, hindi ka galit sa akin? No hard feelings?"
Ngumiti siya at umiling sa akin.
"No, hindi. Wala namang reason para magalit 'di ba?"
Umalis na kami sa stage at bumalik na sa kanya- kanyang upuan.
I really mean that sorry. Kahit na karibal ko siya kay Kyle, hindi naman ako gano'n kasama 'no.
Gano'n din ang nangyari sa iba. Iba't ibang scenes, iba't iba rin ang umaarte.
Ngayon, mga lalaki naman ang aarte.
"Okay! Next scene ulit. I need two guys in this scene.
Ang ganap ay si Ex-Boyfriend, mahal pa niya ang Ex-Girlfriend niya. Pero meron na itong new Boyfriend. Ang mangyayari, gustong bawiin ni Ex-Boyfriend si Girl mula sa new Boyfriend nito. Kaya mag-aaway silang dalawa. Kuha niyo?" Sabi ni Direk.Sino kaya ang makukuha?
Walang nagvolunteer para sa roles kaya si Direk na lang ang namili."I choose Kyle as the present boyfriend."
si Kyle? Not bad. I am excited to see his acting skills.
"And the other one is the guy from section B. Renz as the Ex boyfriend. "
Si Renz? Paano kaya 'to aarte? Hahaha. Ang galing din ni Direk mamili. Saktong sakto. I am now more curious kung paano siya aarte rito.
Teka, parang tamang-tama ang roles para sa kanilang dalawa ah. Parang true to life haha exciting ang mangyayari. Such a perfect scene to watch.
Tumayo na silang dalawa at pumwesto na sa harap ng stage. Halatang kinakabahan si Renz. Ngayon pa lang yata 'to makakaranas ng play. Tumingin siya sa akin na parang humihingi ng tulong. Nag thumbs-up na lang ako sa kanya para lumakas ang loob niya.
"Okay, ready and action!"
Biglang tumahimik ang theater room. Interesado rin silang mapanuod ang mangyayari. Nagsimula nang magbitaw ng linya si Kyle.
"Pwede ba? Layuan mo nga ang girlfriend ko!" Tinulak ni Kyle sa balikat si Renz.
"Ano ba'ng pakialam mo? Ako ang una niyang minahal at hindi ikaw. Mas una niya akong nakilala kaysa sa'yo. At isa pa, mahal ko siya." Banat ni Renz.
"Ano'ng pakialam ko? Ako lang naman ang boyfriend niya! At ikaw? Isa ka lang niyang Ex na nagpupumilit humabol sa kanya. Kaya pwede ba, matuto kang lumugar!" Hinawakan ni Kyle si Renz sa kwelyo nito.
Muhkang magsusuntukan yata 'tong mga 'to ah.
"Ikaw ang matutong lumugar! Simula nang dumating ka, hiniwalayan na ako ng girlfriend ko. Kasalanan mo ang lahat! Inagaw mo siya sa akin!" Tinanggal ni Renz ang kamay ni Kyle sa kwelyo niya. Tinulak niya si Kyle sa sahig kaya napahiga siya. Tumayo naman si Kyle mula sa pagkakahiga at humarap ulit kay Renz.
"Hindi ko s'ya inagaw! Kung hindi ka naging pabaya, e 'di sana hindi ka hiniwalayan! Ikaw ang may kasalanan! Kaya wag mong isisi sa 'kin ang hiwalayan niyo! Isisi mo 'yan sa sarili mo! Kung hindi sana sa kapabayaan mo, e 'di hindi ka sana hiniwalayan!" Sabi ni Kyle habang nakaturo ang daliri nito kay Renz.
"Tsk! Babawiin ko s'ya sa'yo! Tandaan mo 'yan! Pagsisisihan mo ang lahat ng 'to." May pagbabantang bigkas ni Renz.
"Sige, subukan mo. Hindi ko siya hahayaang maagaw sa akin. Magkakapatayan muna tayo bago mangyari 'yon." Sabi ni Kyle habang may matalim na tingin kay Renz.
"And, cut! Good job guys! Ang gagaling niyo na! Para na kayong mga professionals kung umarte!"
Lahat nagpalakpakan pagkatapos ng play. May mga napatayo pa mula sa kani-kanilang upuan at may mga sumipol pa.
Woah. Ang intense ng sagutan nila Renz at Kyle. Ang galing nilang dalawa. Pero mas nakakagulat si Renz, hindi ko alam na magaling pala siyang umarte. Akala ko isang simpleng nerd lang siya pero may ibubuga rin pala. Wow.
Do not under estimate people nga naman.
BINABASA MO ANG
He turns into a Prince
Short StoryIs friendship really matters? Is friendship really worth the risk? What if your so-called "friendship" suddenly destroyed? [EDITING]