Chapter (9)

1K 22 0
                                    

Kabanata 9

"Hinahanap ka ni cherry sa baba."

Naramdaman ko ang pagtapik ni kuya Van saakin ng unan. Ito ang unang beses na nagkausap kami matapos ang alitan namin. Nakauwi na rin ang parents ko galing Davao.

"One minute.."

"Susunduin niyo pa ang kaibigan niyo sa airport." Si kuya sabay tapik ulit saakin ng unan. Naalala ko naman ang usapan namin ni Cherry. Ngayon nga pala 'yon. Napatagal ang gising ko dahil nanonood pa ako ng animie kagabi.

"Just tell Cherry, I'll be there 10 minutes." Hinagip ko ang orasan na nasa gilid ng aking kama. It's past 9am. 10am ay dapat nandoon na kami.

Shit! Nagmamadaling pumasok ako ng banyo. Limang minuto palang ay natapos na akong maligo.

Hinalungkat ko ang closet ko at hinugot ang isang floral dress na above the knee ang taas.

Nagsuklay kaagad ako.

Hindi na ako nagmake up at baka nag alburoto na doon si Cherry sa inis. Hindi nga ako nagkamali dahil pagbaba ko, nasulyapan ko kaagad si Cherry. Panay lingon siya sakanyang relo na tila naiinip. Sinulyapan niya ako at sumimangot.

"You're late!" Bungad niya saakin.

"I know.." Sabi ko na tila walang pakialam. Sinakyan namin ang kotse ni kuya Van. Buti nga at pumayag. Masyado kasing maarte sa gamit 'yon.

Dumungaw pa ako sa bintana, tinitingnan ang mga nagsisitaasang gusali.

May kausap si Cherry sa phone. Halata ang excitement sakanyang boses. Sumulyap pa siya saakin ng makahulugang tingin.

I wonder what she's been planning.

"Sino yang kausap mo?" Tanong ko sakanya na ngayon ay hindi parin nawawala ang ngiti. Palihim naman kaming sinusulyapan ng driver namin.

"Kausap ko si kuya Ivan. I invited him to go with us! And he will bring Nyxx!" May halong excitement sa boses ni Cherry. Namilog ang mata ko. No fucking way! Paano ako makakapagenjoy kung andoon ang isang 'yon?

"Isasama natin siya sa bar? Uh! Cherry, I hate your idea." Pagrereklamo ko.

"You don't like kuya Ivan?" Nakataas kilay na tanong niya. Umirap ako.

"The other one Cherry. I dont like him with us. Kung sasama siya, I'll better stay in my room..." Deklara ko. Kung sasama lang din naman ang unggoy na 'yon, mas mabuti pa na magkulong nalang ako sa kwarto.

"Ang K.j mo! Sasama din naman saatin si Nicole at Nikkolas. Lyra please! Ilang taon natin silang hindi nakasama." She even pouted. Uh! It's disgusting.

"Fine!" Umirap ako sa kawalan. Agad namang tumili si Cherry at ibinalik ang phone sa tenga.

I can handle it right? Iiwasan ko nalang siya. I'll just keep myself busy. Nang makarating na kami sa airport, ay nagyakapan lang kami nila Nicole at Nikkolas.

Damn. I miss them so much!
Agad naman kaming nagsitilian except for Nikkolas.

"Wow! Nakakaganda pala ang America?" Natatawang tanong ni Cherry kay Nicole.

"I miss you guys so much! Mas lalo kayong gumanda!" Tili ni nicole at niyakap kami ulit. Bumaling ako kay Nikkolas na ngayon ay nakahalukipkip na pinanood kami. Napakagat labi ako. Damn! Mas lalo siyang naging gwapo.

"Tahimik ka dyan?" Siko ko sakanya. Sumilay ang ngiti sakanyang labi at siniko ako pabalik.

"Natulala lang ako sa ganda mo." Kumindat pa siya kaya naman kaagad tumili ang dalawa sa gilid ko. Uminit ang pisngi ko. Kinurot ko siya sa tagiliran sabay hagalpak ng tawa.

Chasing the fire:Stephanie(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon