Chapter (18)

827 17 0
                                    

Kabanata 18

"Umuwi na tayo.." Sigaw ko. Medyo tumila na yung ulan kaya naman okay lang saaming maglakad kahit walang payong.

"Pinaghintay mo ako sa ulan kaya magdusa ka dyan." Sarkastikong sagot niya. Kinalma ko ang sarili ko para naman makapagipon ako ng pasensya.

Gusto ko na sanang umuwi. Natatakot akong magtagal. Baka hanapin ako ng parents ko. Besides, gusto kong hanapin si Kuya. Hindi kasi siya sumasagot sa mga tawag ko.

"Nyxx! Baka hanapin ako sa amin." I whinned. Hindi man lang niya ako pinakinggan. He was still holding my hand. Ang lamig lamig ng kamay niya.

Isa na nga din ‘to sa nakakapagbahala saakin.

I want him to go home and change. Baka mamaya, tamaan pa siya ng lagnat. But he's head is hard as iron!

"You don't want to be with me?" Bahagya siyang huminto at pinasadahan ako ng tingin. Napabuntong hiningang sinalubong ko ang titig niya.

"Syempre gusto. Kaya lang..." God! I'm stuttering. Parang may bikig na bumalandara sa lalamunan ko.

"Stay with me please, kahit ngayon lang." Pakiusap niya. Gusto ko sanang magprotesta ngunit hinatak na naman niya yung kamay ko.

Nanginginig pa ang paa ko habang nagpapatinaod sakanya. Pumikit ako. Ngayon, wala na akong magawa kung hindi ang sumunod sakanya. Gagawa na naman ako ng alibi kay Dad. Pumasok kami sa isang bar. Malaki ang bar na ‘yon. May elevator pa nga sa bawat floor.

"Anong gagawin natin dito Nyxx?" Nababahalang tanong ko.

"Follow me.." Sagot niya. Ginawa ko yung sinabi niya. Pinindot niya ang button ng elevator. Nanuyo ang lalamunan kong sumunod sakanya.

Paglabas namin, lumiko naman kami sa kanan. May munting pinto doon kung saan may nakalagay na billiard hall. 

"Gusto ko ng umuwi!" Pagtutol ko sakanya nung sinimulan niyang pihitin ang pintuan. Napabuntong hiningang nilingon niya ako. Pagkaraa'y umiling at ipinagpatuloy ang pagbukas ng pintuan.

Ah! The hardheaded manwhore. Sarap batukan.

"Guys whats up!" Nilingon ni Nyxx ang mga lalaking nakatopless lang habang naglalaro ng billiard. May iba pang nakaupo at nanonood lang ng laro. Gosh! Those abs is so freaking hot! Para akong nakaapak sa isang photoshoot kung saan maraming mga nagwagwapuhang modelo.

"Pare, ang ganda! Sino yan? babae mo?" Tanong ng isang lalaking may tattoo sakanyang braso. Namula ang pisngi ko at parang gusto ko nang panlambutan ng mga lamang loob! Lumapit naman yung mga iba niyang kasama.

Para akong mababaliw sa tanawing nakikita ko. Nakapalibot sila halos lahat saakin and they are topless. The fudge!

"Leave my girl gentlemen. Wala kayong karapatan sakanya. Ako lang." Hinatak ako ni Nyxx at pinaupo sa isang single sofa. Uminit pa ang pisngi ko nang sinimulan nila kaming tuksuhin.

"What's her name?" Tanong naman nung isa na halatang playboy.

"Ano? I aadd mo sa facebook? Huwag na!" Sigaw ni Nyxx na ngayon ay bahagyang dinampot ang stick ng billiard. Naginit muli ang pisngi ko lalo na nung narinig ko ulit ang tuksuhan sa paligid.

"Tss damot!" Reklamo naman nung isa. Napalunok ako nang lumapit ito saakin sabay lahad ng kamay.

"I'm Xavier. Ikaw?" Binigyan niya ako ng malapad na ngiti. Napakagat labi ako ng akmang aabutin yung kamay niya ngunit hinawi lang ‘to ni ni Nyxx.

"Masyadong madumi ang kamay mo. Maghugas ka muna." Seryosong usal niya.

Naghuhurumentado na ang puso ko sa kilig at sa halong kaba. Nakakakilig ang pagiging possesive niya. Ngumuso naman si Xavier pagkaraa'y umiling na lumayo saakin.

Chasing the fire:Stephanie(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon