Kabanata 11
"Steph, come here... Dali!" Tili ni Syena habang papalapit sa gawi ko. Katatapos lang ng klase ko at kasalukuyan akong nakatambay sa gym habang nag iisketch ng mga characters.
"Problema mo?" Nakakunot noong tanong ko. Bahagya niya akong hinila mula sa pagkakaupo.
"You're going to love this!" Sigaw niya habang hilahila ang kaliwang braso ko.
Tumatakbo na kami sa loob ng campus. Huminto lang kami sa isang bulletin board.
"Here! Nabasa mo?" Sabay turo niya sa isang pangalan sa bulliten board. Nanliit ang mata ko at tiningnan iyon.
Its says "Lyra Stephanie Hernandez, pasok ka na sa otaku club.... and I'll be your photographer."
Pilit kong inabsorb sa utak ko ang sinabi ni Syena.
Ako? Nakapasa? Omg!
I. Freaking. Love. This day.
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nagpakawala ako ng tili kahit maraming mga studyante ang nanonood.
"Girl! Congrats.. Congrats din saakin dahil ako ang magiging photographer mo. Oscar told me about it." Masaya niyang sabi. Nagyakapan pa kami ng dahil sa tuwa. Kahit na may hindi magandang nangyari noon sa audition, I'm still glad dahil natanggap ako.
"Tss! Nilandi lang si Oscar para matanggap. Narinig ko kasing may crush yun sakanya." Narinig kong bulong ng isang babae. Umigting ang panga ko sa narinig. Marahas ko siyang nilingon. Napataas pa ako ng kilay. Ito yung chinitang babaeng kasama ni Nyxx noon sa library.
"Hayaan mo na... Inggit lang yan dahil hindi natanggap." Narinig kong bulong ni Syena. Pinisil pa niya ang kamay ko para lang kumalma ako. Narinig ko na rin ang mga bulong bulungan sa paligid.
"User pala yan ee."
"I told you! Malandi talaga yan. I saw her with Nyxx." Kumulo ang dugo ko sa naririnig. Pero kahit ganoon, hindi parin ako nagpaapekto. Mamatay kayo sa inggit mga hampaslupa!
"Let's go!" Hinila ko si Syena papalayo doon sa mga nagbulong bulungan. This is the day of my victory dahil sa wakas, nakapasok na ako sa club na matagal ko ng pinangarap. Plus, magiging model ako soot ang mga otaku suit!
"Alam mo, matagal na talaga akong nagpipigil sa cloe na yun ee. Mag ingat ka doon! Manggagamit yun." Pangaral saakin ni Syena. Kasalukuyan kaming nakaupo sa gym. Kumunot ang noo ko.
"Cloe? Yung kutis porselana na maliit ang mata?" I asked. Tinutukoy ko yung kasama ni Nyxx sa library noong isang araw.
"Oo! Mukha siyang koreanang pa walk!" Humagalpak ng tawa si Syena kaya hindi ko rin mapigilang mapangiti. Nag apiran pa kami.
"Makapal talaga ang mukha nun. Malandi pa. Plus, she's a gold digger. Eww! Kaya lumalapit sa mga mayayamang kagaya ni Nyxx." Parang gusto ko tuloy mabulunan pagkarinig palang ng pangalang ‘yon. The mighty Nyxx! Why can't get you out of my system?
"Kilala mo si Nyxx?" Patay malisyang tanong ko. Tumingala pa siya sa gym na parang nangangarap.
"Oo! Syempre. Ang gwapo niya noh? Di bale ng magkasakit basta siya lang ang maging doctor ko." Napangiwi ako sa pahayag ni Syena. Hindi bale na mamatay basta hindi lang siya ang maging doctor ko. Baka mamaya, atakihin ako ng dahil sa mga walang kwenta niyang banat.
"Bakit ba kayo naiinlove doon? There's nothing special about him." Komento ko. Nanliit ang mata ni Syena at pabiro akong dinuro.
"Ikaw lang ang babaeng nakilala kong nagsabi ng ganyan." Aniya.
BINABASA MO ANG
Chasing the fire:Stephanie(Completed)
RomanceHe chase her. He wants her, He chase the fire, and when he got her, He left. ©Girlgotseven.