Chapter (27)

768 18 0
                                    

Kabanata 27

I slowly placed the pot at the top of her grave.

Marahas akong nagpunas ng
luha habang dinadamdam ang pagkawala niya.

Pumikit ako habang dinadamdam ang simoy ng hangin. I almost choked up ng maramdaman ko ang mga kamay ni kuya Van na humawak saakin.

"Everything will be okay. Life is a journey and by all means, kailangan nating magmove on." Tumango ako sa sinabi ni kuya Van. Sumikip ang dibdib ko na para bang may isang matalim na bagay na nilagay doon.

Sumulyap ako sa langit. Gusto kong hilingin sa diyos na sana bumalik ang buhay ni mama. Sana bumalik siya saamin.

But that was too impossible!

Nilagay ko ang mga iilang takas kong buhok sa tenga at huminga ng malalim.

Sa wakas, bakasyon na. Nagresign ako sa club. Noong una, ayaw pumayag ni oscar pero pinaintindi ko talaga sakanyang nawalan na ako ng interes.

I was very thankful of him saying the truth. It was a self destruction to know everything. If it was not for him, I'm still blind right now. Though, I hate Oscar for taking advantage of the situation. 

He told me he loves me. He keeps saying that after what happened but I can't just love anyone after Nyxx. 

"Love is dead." Mapait na sabi ko habang nakapikit at dinaramdam ang malamig na simoy ng hangin.

Bahagyang nililipad nito ang ilang takas kong buhok habang pinipikit ko naman ang aking mga mata.

**

Pagkatapos ng ilang minutong paglalagi sa sementeryo, I hurriedly went home. Tulala kong tinitingnan ang bawat gusaling nagsisitaasan sa manila. Ilang araw na simula noong libing ni mama. It was still fresh. 

Dinampot ko ang stuff stoy na nakalagay sa front seat at mahigpit itong niyakap.

Gusto kong umiyak ngunit pakiramdam ko ubos na ang luha ko.

Pagdating sa bahay, ay wala akong ginawa kung hindi ang magkulong sa kwarto.

I was just laying in my bed the whole day without any intention to go out and talk with people. I listened to rock music as I wipe my tears. 

"Steph, andyan ang mga kaibigan mo." Katok ni kuya sa pinto. Tamad na tumayo ako at binuksan ang pintuan.

Pumasok siya sa kwarto ko at nagmamadaling pinatay ang sound system.

"Anong problema mo?" Pagrereklamo ko at napabuntong hiningang umupo sa kama.

"Naiingayan ako. Hindi ka bababa?" Tanong niya. Inis akong nagkamot sa batok. Pinalabas ko muna siya para makapagbihis ako.

Nagpalit kasi ako ng pajama pagdating ko sa bahay. Magbibihis na naman ako ng panglakad. Pustahan tayo! Magyayaya na naman yang si Cherry na lumabas.

Bumaba ako ng hagdan. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko si Cherry, Nikko, at Nikkolas habang nakasalampak sa couch. Bihis na bihis sila at may dalang mga bags.

Kunot noong nilapitan ko silang tatlo habang pinapasadahan ng tingin ang kanilang mga hawak na bagahe.

"Saang planeta kayo tutungo?" Tanong ko sakanila. Lumapit si Cherry saakin habang nakahalf smile. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko at bahagya itong niyuyugyug.

"Guess what? Palawan is real!" Halakhak niya. Dumako ang tingin ko kay Nicole at Nikkolas na halatang excited sa palawan trip na sinasabi ni Cherry.

"Nangako kang sasama ka noon saamin! Kaya huwag kang tumanggi." Duro pa ni Nicole.

Yeah right! Nakalimutan kong nangako pala ako sa mga 'to.
Huminga ako ng malalim bago bumalik sa kwarto para mag empaki. Pagbalik ko, dala dala ko na 'yong mga ilang damit ko. Konti lang yung dinala ko since hindi naman ako magtatagal.

Chasing the fire:Stephanie(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon