Chapter (6)

1.2K 21 0
                                    

Kabanata 6

"Go warriors! Go warriors!" Sigawan ng mga Business management. Kasalukuyan akong nasa gym habang nanonood ng volleyball. Girls volleyball to be exact. Kasali si Cherry sa laro kaya naman nanood ako para sumuporta sakanya.

"Are you going for audition?" Napalingon ako sa boses na ‘yon. It was Syena, kaklase ko sa philo. Tumango lang ako at ibinalik kaagad ang paningin sa mga naglalaro.

"Well, it's better if you don't. May narinig kasi akong rumors na guguluhin daw ng mga Med Student ‘yong audition." Nanliit ang mata ko sa sinabi ni Syena. Masyado pang masakit ang ulo ko dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. It’s all because of Nyxx! Dagdagan pa ng balitang ‘to.

"Sigurado ka dyan?" Nakataas kilay na tanong ko.

"Well, rumors lang naman. I'm sure hindi hahayaan ng Sc na mangyari ‘yon..." Sagot niya. Tumango lang ako pero hindi parin ako kumbinsido.

Noong nakaraang buwan kasi ay ginulo din ng mga Med Student ang play ng mga Education. Itinutuk ko nalang ang paningin ko sa laro. Lamang ang group nila Cherry nang dahil sa galing ni Venice na tumira. Tumayo pa ako at pumalakpak. May iilan din namang sumabay saakin.

"Go Cherry bitch!" Sigaw ko habang iwinagayway ang kamay sa ere. Nginitian lang niya ako at kumaway din.

"Supportive friend?" Narinig kong may nagsalita sa likuran ko. Boses lalaki ang nagmamayari ‘non. Nilingon ko naman siya habang nakataas ang kilay. Tumakas ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Oscar reyes, yung president ng otaku club." Paglalahad niya ng kamay. Siya ‘yung lalaking nanghingi ng number ko kahapon ngunit hindi ko nabigyan.

Inabot ko yung kamay niya at binigyan siya ng tipid na ngiti.

"Supportive din siya sa mga ginagawa ko. Well, what friends for diba? She's like a sister to me." Sagot ko at umupo na.

"Yeah. You're lucky to have each other. Minsan lang ako nakakakita ng ganyan.
Madalas kasi sa mga kaibigan plastic.." Aniya sabay upo sa tabi ko.

"Sinabi mo pa! Kaya nga bilang lang sa kamay ang mga kaibigan ko." Sagot ko.

True! Noon kasing sinubukan kong makipagkaibigan sa ibang group, ay tinraydor lang ako. Hindi ko naman maalalang may kasalanan ako sakanila. Lalo na ‘yung baklang si Jason. Nakakairita yung mukha. Sarap ipalapa sa leon.

Kaya ayokong nakikipagkaibigan sa mga bakla. Well, Hindi naman lahat ganoon. Pero natrauma talaga ako.

"So you're Lyra Hernandez? I hope you do great tonight." Bahagyang tinapik niya ang balikat ko.

"Yeah... Sana nga. I love imitating animies. Besides, gusto ko ring maging part ng club niyo." Sagot ko.

"Me too! Goodluck... We could be a great team!" Tinapik niya ulit ang balikat ko pagkaraa'y tiningnan ang cellphone. Napapikit pa siya na may halong frustration.

"I should go... Steph, lyra or whatever. See you tonight." Paalam niya saakin. Mukhang hindi pa niya gustong umalis. Ngumiti lang ako sakanya at kumaway.

Kasalukuyang nagpapahinga ang mga players kabilang na doon si Cherry. Lalapitan ko sana siya kaya lang napapaligiran na siya ng mga kasamahan niya.

Umupo nalang ako at nanood. May kausap pa ‘yong coach nila kaya hindi pa sinisimulan ang 3rd quarter.

"Woah! Smooth!" Napalingon ako sa gilid kung saan may mga lalaking sumisipol habang may hawak na camera. Itinutuk nila ‘yong camera sa legs ng mga players.

Nakita ko pa si Nyxx doon habang nakatiim bagang na umiinon ng gatorade. Tss. douchebags!

"Look Nyxx.. Pili ka, saan ang may pinakamagandang legs?" Baling sakanya ng isang lalaking may hawak na camera. Iniwas ko ‘yung paningin ko at baka tumaas pa lalo yung dugo ko sa mga ginagawa nila.

Chasing the fire:Stephanie(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon