Chapter (20)

811 15 0
                                    

Kabanata 20

"Do you know how crazy that guy is?" Nangangalaiting sigaw ni Nyxx habang nagdridrive. Ipinukos ko ang tingin ko sa labas ng bintana bago siya sinulyapan.

"I know. But, could you just ignore him?" I spat out. Inihilig ko ang ulo ko sa headrest ng sasakyan. Masyado akong pagod nang dahil sa mga ginawa ko sa school kanina.

"I'm trying Steph.. I'm trying." He replied habang nakatutok ang tingin sa daan. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa naming bumalik sa school when in fact, wala naman kaming gagawin doon.

"Pwede bang ihatid mo muna ako sa bahay?" Nangunot ang noo niya.

"Bakit?"

"Magpapaalam lang ako. I don't want my parents get worried. Please?" Tumango lang siya na tila naiintindihan ang sinasabi ko. Inihimpil niya ang sasakyan sa labas ng village.

Lumabas ako ng sasakyan niya at walang sabi sabing tumakbo papasok. Nangunot pa ang noo ko nang makita ang isang di kilalang kotse na nakaparada sa bakuran namin. Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok. Nadatnan ko naman si mama na umiiyak.

"Mom, what's wrong?" Mukhang nagulat ata siya sa presensya ko ngunit napalitan din ang gulat na ‘yon ng pagkabahala.

"Bakit kapa umuwi? Nagtext ako na huwag muna!" She spat out. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.

"Mom?" I asked. Umiling siya at kinagat ang pang ibabang labi. Nakarinig ako ng pagsara at bukas ng pintuan sa office. Nakita ko pa si Dad na kasama si Cloue. What the fuck? Anong ginagawa ng bruhang ‘to dito?

"You're dead." She mouthed. Nagsimula na akong kabahan. Dumako ang tingin ko kay Dad na ngayon ay napatiim bagang habang nakatutok saakin. It was as if I did something wrong.

"Did you slap Estella?" Tanong ni Dad. So that's it! This bitch was trying to screw. God! Kailangan ba niya talaga iyong ipagsabi kay Dad?

"Yes.." Matapang na sagot ko. Nararamdaman ko pa ang pagsinghap ni mama sa likod.

Si Cloue naman ay ngisi ngising pinasadahan ako ng tingin.

"What's the reason? Do you know that she's an asset? Are you even thinking? Nakita ko yung video kung paano mo sinampal si Estella!" Sigaw ni Daddy habang dinuduro ako. Unti unting sumisikip ang dibdib ko. So ganoon nalang ‘yon? Maniniwala siya kaagad sa bruhang ‘to without hearing my side. Fuck!

"I did because I need to! That woman is insulting me!" I yelled. Sinulyapan ko si Cloue na ngayon ay nakatitig saakin ng masama.

"No sir, nagkakamali kayo. She has not been humiliated. She's just begging her to speak pero sinampal lang niya ‘to. She's the bitch here, not Estella." Paliwanag ni Cloue.

Bwisit ha? Pigilan niyo ako at baka mahambalos ko ng bakal ang pagmumukha ng babaeng ‘to!

"You're making up stories! You even saw na sinakal niya ako diba? Fuck you Cloue. Why are you doing this?" Tumaas baba ang dibdib ko ng dahil sa galit.

"Ikaw ang gumagawa ng storya dito. Please, umamin kana. You hurt Estella kasi ayaw mong ipagkasundo sila ni Van. Dahil kapag nangyari ‘yon, mababawasan ang mana mo or worst, you'll lose your inheritance..."

Hagulhol niya. Napatiim bagang ako. The fudge! Bakit ba ako pinagkalooban ng Diyos ng ganitong buhay? Pwede bang ‘yung normal nalang? Yung malayo sa gulo? Kasi sawang sawa na ako!

"Steph! Ano ba yang ginagawa mo sa buhay mo? Hindi kita pinalaking ganyan!" Bulyaw ni Dad. Tiningnan ko siya na may halong pait. Ang sakit sakit pala noh? Ang sakit sakit na wala kang kakampi. Yung pakiramdam na against sayo ang mundo?

Chasing the fire:Stephanie(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon