Chapter (16)

904 17 0
                                    

Kabanata 16

Awtomatikong binuksan ko ang kotse ni Nyxx nang makarating na kami sa village. Kinakabahan ako.

"Dito lang ako Nyxx."

"You sure? Pwede kitang ihatid." Sabi niya.

"You don't have to. Kaya kong umuwi magisa. Madagdagan lang ang problema kung ihahatid mo ako." Sagot ko. Mabuti nalang at pumayag siyang huwag nalang akong ihatid. Nanginginig ang paa kong tinahak ang daan papunta saamin. Naiinis nga ako sa mga sumisipol saaking guard. Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko pa si Dad na bahagyang hinilot hilot ang kanyang ulo. Nasa kaliwa naman si Mommy habang humihikbi.

"Where have you been. Kanina pa kita hinihintay. Naglayas ang kuya mo!" Mariing sigaw niya saakin.

Gosh! Naglayas si kuya? That man! Hindi man lang siya nagpaalam saakin. Ginapangan ako ng kaba. Saan naman kaya nagpunta ‘yon? 

"Sa oras na hindi matuloy ang kasal! Ikaw ang malalagot saakin!" Nagigting ang bagang niya habang nakatingin saakin ng masama. This is torture! I can't beleive this. Anak niya ba talaga ako? Gusto kong sumagot. But, all my thoughts were sealed. 

Tumango nalang ako at walang imik na pumasok sa kwarto. Dahan dahang tumulo ang luha ko pababa saaking pisngi. It was invetible. Parang waterfalls ‘yon na kusang tumulo. Binuksan ko ang drawer at kumuha ng panyo.

Kaagad naman akong natigil sa pagvibrate ng phone ko. I took a deep sigh before answering it.

"Hello?" Sagot ko. 

"You okay?" Napapikit ako sa lamig ng boses na ‘yon. Dahan dahan akong tumango kahit hindi naman niya nakikita. Marahas kong pinahiran ang aking luha at pilit pinasigla ang boses.

"I'm okay... Actually, ginagawa ko ngayon ang mga homeworks na hindi ko pa natatapos." Pagsisinungling ko. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. 

"I wish I could lessen your burden." I closed my eyes. Nakakagaan ng pakiramdam ang kanyang boses. Suddenly, nararamdaman ko nalang ang sarili kong gusto siyang yakapin. 

"Nyxx?" Tawag ko sakanya.

"What is it?" Tanong niya. Napapikit ako. May biglang rumehistrong tanong saaking isipan. I was thinking a lot of things. Ang bilis ng pangyayari. Ang bilis niyang nagkagusto saakin at natatakot akong mabilis din ‘yong maglalaho.

"Anong nagustuhan mo saakin?" Stupid question! I heard his sigh."Does it need to have a reason?" Tanong niya.

Napahiga ako sa kama at tumingala sa kisami. 

"Yes. " Ang tanging naisagot ko. Hindi ko alam. But, I have this strange feeling. Kahit bumigay ang puso ko, may parte parin saaking natatakot sumugal. I took the risk without thinking of the consequences that might happen. Pero kung masaktan man ako sa sugal kong ‘to, at least I tried. Hindi ako naging duwag na harapin ang lahat. 

"Sleep now. May pasok kapa bukas. I still have duties." Aniya bago ibinaba ang tawag.

Napabuntong hiningang nilagay ko ang cellphone saaking bag. I felt dissapointed sa hindi niya pagsagot sa tanong ko. Tinapos ko nalang yung mga homeworks na hindi ko pa natatapos at natulog narin.

***

"Alam mo ba? Ang ganda ganda doon sa pinuntahan namin. Sayang wala ka doon!"

Pagpapainggit saakin ni Cherry. Kasalukuyan kaming nakaupo sa upuan malapit sa soccer field. May practice kasi sina Ivan ngayon kaya naman kinaladkad ako ng bruha para manood. 

"Oo na! Ako na ang hindi nakasama!" Inirapan ko nalang siya at itinoon ang tingin sa soccer field. Nahagip pa ng tingin ko si Nicole na bahagyang pinupunasan ang pawis ni Ivan. 

Chasing the fire:Stephanie(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon