Chapter 5

603 8 2
                                    

Chapter 5

Sabrina's POV

Sana hindi mapansin ni Issa yung pag-alis ko ng maaga. Tinext ko na lang kasi siya may appointment ako. Sana maniwala.

Eh kasi po, heller, may shooting na naman si Verra, which is me.

"Ma'am andito na po tayo sa studio". sabi ni Manong.

"Sige po. Salamat po sa paghatid. Pasundo na lang po mamayang alas-otso". sabi ko.

"Hi Miss V!" sabi ng assistant ko na si Vennetia. Ganda ng name niya no?

"Hi Venny! Namiss kita ha. Di mo na ako tinatawagan". bestfriend ko kasi siya. 

"To naman. Nagtampo agad. At least andito ka na sa Pilipinas." sabi niya.

"Oo nga eh. After 2 years, it's good to be back." sabi ko.

"Nga pala, I heard from your manager na nagpapanggap kang panget sa school mo para di mabuking ang secret identity mo." sabi niya.

"Oo, ssh ka lang. Ingay ingay mo eh. Hahah." sabi ko.

"Anyway, halika na sa shoot mo. May gwapo kaya." sabi niya.

"Sige, sige. Naexcite naman ako sayo eh." sabi ko.

Yung photoshoot ko kasi para sa Bench. Nakapangswimsuit kami. Infairness, di pa ako tumataba sa dami dami kong kinakain dito. Hehehe.

Teka....

is that....

NATHAN?!

"Ayun yung gwapo oh". turo ni Venny.

Speechless lang ako.

"Hoy, Verra." sabay wave ng hand niya sa face ko.

"Ah. Hoy, yan kaya yung matapobreng lalaki na nilalait ako sa school." sabi ko.

"Weh? Di nga? Well, may pagyayabang kasi naman siya eh. Tingnan mo abs niya oh. Tas ang gwapo gwapo pa." tili nito. Hay nako. Nakakaloka na talaga.

Well, gwapo nga siya.

May itsura.

May pandesal.

AY WALA WALA WALA. 

Ano ba tong mga pumapasok sa isipan ko.

"Makapunta na nga sa make-up studio". sabi ko.

"Sige, dito muna ako." sabi ni Venny.

Hay nako, kung alam ko lang andun yun para titigan si Nathan. Sige, tunawin mo para mawala na siya!

--make-up dito--

--make-up diyan--

"Tapos na po Ma'am." sabi ni Carmen, make-up artist ko.

"Thank you." sabay smile.

Dumiretso na ako sa photoshoot ko. Sana tapos na yung part nung Nathan na yun.

"Verra, pumunta ka nga sa centre" sabi ni Ate Photographer.

"Sige po".

"Ikaw naman Nathan tabi ka sa kanya at yakapin mo siya." 

"WHAT?!" napasigaw na ako. Di ko to take. Yayakapin niya ako? Ano siya sineswerte?

"Ano? Okay ka lang ba Verra?" sabi nilang lahat.

"Ah, wala wala." 

Yinakap na ako ng impokritong kalabaw na to.

"Panggap ka pa na ayaw mo eh." sabi niya habang nag-smirk.

"Excuse me? Ang kapal mo din noh." 

"Wag ka ng pakipot."

"Tsss" yun na lang nasabi ko.

Natapos na din ang photoshoot. Palabas na sana ako ng biglang sumulpot tong carabao na tamaraw sa harapan ko.

"Hatid na kita."

"Wag na. May sundo ako." sabi ko sabay snob.

Hinila niya kamay ko at napaturn ako.

Aba, nakasmile na naman tong lalaking to. Wag mo ako tunawin please. May future pa ako.

"Alam mo, maganda ka din pero may attitude problem lang."

"Attitude problem? EXCUSE ME?!" ako pa ngayon ang may attitude problem samantalang siya tong nambubully ng mga tao.

"Oo nga. Sayang ka tuloy". tapos na walk-out na siya. 

WHAT? Anong sinabi niya sakin? Agh, nakaisang araw ka din sakin Nathan Lopez.

The next day...

"Uy, uy Sabrina! Nakita mo na ba yung bagong billboard ni Kuya Nathan at si Verra Rodriguez? Oh my gosh, bagay na bagay sila! Ang ganda ganda ni Verra." sigaw ni Clarissa.

Kung alam mo lang na ako yun.

"Anong bagay?! Sa ganda ni Verra tapos sa panget ng Nathan na yun, bagay sila?"

Hahaha. Sorry, umaasal ang pag-kapride ko pag si Nathan ang pinaguusapan eh.

"Inggit ka lang eh!" sabi niya.

"Hay nako. Halika na nga sa classroom"

Pagdating namin sa classroom,

walang bukang-bibig kundi kami ni Nathan sa billboard!

"OH MY GOSH, ang gwapo gwapo ni Nathan sa billboard." sabi ni girl 1.

"Oo nga. Umextra naman tong Verra na to. Excuse me, mas bagay ata ako diyan kasama si Nathan." sabi nitong girl 2. Ang kapal naman ng bruhildang to. 

"Excuse me, mas bagay kaya ako!" sabi ni girl 1.

"As if. Diba Jared ka" sabi ni girl 2.

"Ay, oo nga pala." sabi ni girl 1.

Nakita kong namula at nanlisik ang mata ni Issa. Ano kayang nasabi ng tadpoles na yun?

Baka si Jared.

"Uy, bakit ka namula diyan?" sabi ko.

"Ah, wala wala." Halatang gulat to eh.

"Ayieee, crush mo si Jared no." sabi ko.

"Sshhh, ang ingay ingay mo." 

"So crush mo nga?"

"Oo na, oo na!" sabi niya.

Napasmile ako. Hehehe. Kaya pala sobrang saya nito pag malapit si Jared.

"Pero wala naman siyang gusto sakin eh." sabi ni Issa.

"Sira! Bakit nasa utak ka ba niya para malaman yun?" sabi ko.

"Hay sana.." 

"Hahaha. Bumabanat tayo ah."

Sabay tawa kami.

"SSSSSSHHHH". sigaw ng classmates.

"Sorry." pahiya kami eh. -___-

"Miss Lopez and Miss Rodriguez, please go to the principal's office." utos ni Miss Reah.

"Ah okay po."

"Ayan kasi ang napapala ng mga maiingay na panget" sabi nung isang girl kanina.

______________

Bakit kaya napatawag sina Sabrina at Issa?

Yun ba yung dahil maingay sila?

Abangan sa Chapter 6!

Please vote, fan and comment para ganahan ako po. :(

Avec l'amour, @kristinrodrigo  <3

Dream On LoverboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon