Chapter 3

680 13 2
                                    

Chapter 3


Sabrina's POV.

"Clarissa!" May sumigaw.

Lumingon kami sabay ni Clarissa.

WHAT?! Yung bastos na bakla na gwapo este bakulaw?!

Nandito pa ba yun para mangasar?

Ano kaya gusto nito? Ready, na ko! Sige, awayin mo si Clarissa o ako!

"Oh, Kuya". sabi ni Issa.

Kuya?

WHAT AGAIN?!?!?!?! KUYA?!

"Bakit mo kasama tong panget na to?" sabi nung mokong.

Ay oo nga pala. Panget pa ako.

Kahit na masasakal ko to eh.

"Bagong friend ko po." sabi ni Issa.

"Friend? Haha. Pumili ka naman ng mas maayos."

Ikaw kaya pumili ng mas magandang ugali. PFFT.

"Mabait po siya eh." sabi ni Issa.

KOREK! Kaya love ko na din agad si Issa.

"Bakit di ka pala sumama dun sa mga kagrupo ko kanina? Sabi ko kaibiganin mo sila eh." sabi nung sira ulo.

Eh kasi naman binully nila.

Ay, speechless pa pala ako pero ang dami ng pumapasok sa utak ko.

"Tsaka uwi na pala! Layuan mo nga din yang panget na yan." sabi niya.

 "Sige, bye Sabrina!" sabi ni Issa.

Sabay alis nila.

What?! Bakit di ako nagsalita? Nilait lait ang beauty natin. Kapal. Feel naman niya na gwapo niya.

Oo na, gwapo siya pero di lang siya ang nagiisa! Madami pa sa tabi tabi!

Paguwi sa bahay.

Dream On LoverboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon